Luha

21 1 0
                                    

Gusto kong umiyak, walang luha. Gusto kong umiyak! Walang luha! Ang mga mata ko, nais ng ilabas lahat ng bigat! Wala ni isa man ang lumandas na tubig mula sa aking mga mata. Pagod na ako, pagod na pagod na! Pagod na akong kimkimin ang lahat ng mga ito! Nais kong umiyak upang mawala na ang sakit, ngunit ayaw ata akong iwan ng aking mga pighati. Pati ang kalungkutan ay tila ayaw lumisan. Ang pagbuhos ng aking mga luha lang ang makapagpapagaan ng aking pakiramdam, ngunit pati iyon ay pinagkakait sa akin. Suko na ako, suko na. Unti-unti kong nilabas ang labaha, unti-unti kong hinihiwa ang aking braso, nag-iwan ito ng malalalim na sugat. Bakit? Bakit hindi ko maramdaman ang sakit? Wala pa ring luha. Patuloy ako sa aking ginagawa hanggang umabot ito sa aking pulso, walang pagdadalawang isip kong nilaslas ito. Malalim ang sugat, mas malalim sa mga nagawa ko kanina. Unti-unti, nararamdaman ko ang pagngangailangan ko ng hangin. Habol hininga ako ngunit tila yata di ko na ito kayang abutan. Wala pa ring luha, hanggang dito ba naman? Ipagkakait pa rin sa akin ang simple kong hiling? Nais ko lang umiyak ngunit tila ako'y napasobra sa aking ginawa, katapusan ko na, katapusan na rin ng mga paghihirap ko. Habang habol hininga ay unti-unti kong nakita ang nakaraan ko. Masaya at malungkot na mga pangyayari. Mas marami ang masayang pangyayari kaya't paano ako napunta sa sitwasyong ito? Rumihistro ang imahe ng aking ina, nakangiti siya. Ang ngiti ay biglang naglaho, napalitan ng lungkot. Hindi ako sigurado ngunit nakikita ko siya sa harapan ko, umiiyak! Diyos ko! Ano ba ang nagawa ko? Pumapalahaw na ang aking ina, nakaakap sa aking katawan. Masakit marinig ang tinig n'yang naghihinagpis. Ayoko ng marining. Nais ko na lang na tuluyan ng mamatay! Unti-unti, naglandas na ang mga luha sa aking mga mata. Sa wakas! Ito lang ang kailangan ko! Ang paglabas ng aking mga luha! Gumagaan na ang aking pakiramdam. Para akong idinuduyan. Ang gaan! Minulat ko ang aking mga mata, liwanag ang tumambad sa akin, may kamay ring nakalahad. Kinuha ko ito, para akong lumilipad. "Wala na ang sakit, wala na ang pighati, wala na ang lungkot at pagdurusa. Halika anak, sumama ka sa akin, pupunta tayo sa palasyo kasama ang mga kapatid mo." Pinipuno ng boses n'ya ang buong lugar. Nakakaengganyo. Sasama ako! Wala na ang lahat ng paghihirap ko. Naalala ko ang aking ina, lungkot, pighati at pagdurusa ang bigay ko sa kanya. Sana'y masaya siya. "Huwag kang mag-alala, akong bahala sa iyong ina. Akong bahala dahil mga anak ko kayo." Alam kong nakangiti siya ngunit di ko maaninagan ang kanyang mukha dahil sa sobrang liwanag. Kilala ko na siya. Napangiti ako, ngunit bakit n'ya ako kinuha gayong nagpakamatay ako? Salungat iyon sa pinag-uutos n'ya. "Anak kita, kayong lahat. Lahat ay nagkakamali, ngunit nais kong malaman mo, lahat kayong mga anak ko ay pwede sa tahanan ko. Bukas ang pinto para sa inyong mga anak ko." Isang ngiti ang pinakawalan ko, ramdam kong ganun din siya. Narating namin ang malaking pinto, kulay ginto. Napakaganda. Bumukas ito at nakita ko ang masasayang mukha ng mga kapatid ko. "Maligayang pagdating sa aking tahanan, na ngayon ay tahanan mo na din."

Maiksing Pag-aakdaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon