Chloe's POV
"Ugh. Ano buh yen, bakla?! Wala man lang fafa ditey, wer na ba ang Janjalani mong sisteret? Jinet na jinet na akez, sayang pagpapaparlor ko," nagpapapadyak pang reklamo ng bestfriend kong si Georgie habang nakatambay kami at gumagawa ng assignment sa Student Lounge ng Ashford University.
"Ten minutes pa bago dismissal ng class nila," saad ko habang napapaeyeroll sa drama nito. "Bili mo nga muna ko ng fries, nato-Tom Jones na akez. Magkakainternal hemorrhage pa ata ako," dagdag ko pa sabay abot ng 100 pesos.
"Sige na nga, nagwawarla na mga bulate ko sa tiyan, liberty mo na rin akez ah," sabi nito habang inaabot ang pera.
"Oo na, basta pakopya ako ah. Bili ka na dun, gusto ko na kumain," kinuha ko ang ballpen nyang nasa table at ibinato sa kanya. Halos mapatili pa sya sa pag-iwas.
Naglandas ang ballpen palipad sa kabilang table at halos manlaki ang singkit kong mga mata nung tumama ito sa ulo ng taong natutulog doon.
Naka-maroon syang hoodie at may earphones sa tenga habang nakadukdok ang ulo sa braso. Nakahinga kami ng maluwag ni bakla nang hindi naman eto gumalaw.
"Tsk, ikaw kasi eh! Bili ka na nga dun," inis kong sabi dito. "Bilhan mo na rin sina Abby at Carlo, andyan na pala sila o."
"Hi, hon. Namiss kita," bati sakin ng boyfriend kong si Carlo bago humalik sa pisngi at umupo sa tabi ko. Ang kapatid ko naman ay pumwesto sa upuan paharap samin.
"Ano ba yan? PDA, sa harap ko pa. Kaninang umaga lang kayo nagkita ni ate, miss agad? Wala pa ngang dalawang oras," inis na sita samin ni Abby.
Nag-smirk naman si Carlo at pang-asar na inakbayan pa ako. Sinakyan ko ang trip nya at inihilig ang ulo sa balikat nya.
"Bakit? Inggit ka? Hanap ka na kasi ng boyfriend," dagdag pa nya na dahilan para kurutin ko sya sa tagiliran.
"Hay naku! Bawal pa si baby girl ah. At kung may manliligaw man, dadaan muna sakin," madiin kong sabi habang matiim na tinititigan ang kapatid kong nakapalumbaba dahil sa sinabi ko. Umiwas ito ng tingin at bubulung-bulong pa.
"Sus, takot lang nila sayo hon," natatawang saad ni Carlo. "Nga pala, diba fan ka ni Emanuelle Tarneio, yung writer?"
Napaayos ako ng upo pagkarinig sa name ng favorite poet/writer ko.
I had been a fan of Emanuelle Tarneio eversince nabasa ko ang first published poetry book nya five years ago. Sinubaybayan ko din ang writing career nya kahit na kasing-ilap nya ata si Bob Ong.
Finollow ko na rin ang lahat ng pwedeng ifollow pagdating sa kanya kahit puro mga fanpages at Official Facebook page lang ang meron sya.
"Hay naku, magfafangirl mode na naman po si ate," saad ni Abby dahilan upang samaan ko sya ng tingin.
"Anong meron kay Em, magsusulat na ba ulit sya? May new book na ba ulit? Okay na ba sya?" tanong ko kay Carlo na halos yugyugin ko na.
Nagtatrabaho ang mommy ni Carlo as editor-in-chief sa publishing house kung saan affiliated si Em. Kaya naman palagi akong may updates kapag may new book na ipapublish. Sa kanya ko rin nalaman na titigil si Em magsulat due to some personal reasons.
"Easy there, hon. Teka," sagot nito habang may kinukuha sa bag nya. "Well, apparently, dapat next month pa daw iaannounce na balik na si Em sa writing kasabay ng pagrerelease ng new book nya. Sabi din ni mommy, nag-iba na sya ng writing style so I'm not sure kung magugustuhan mo yung bago nya."
Nilabas nito ang isang maliit na libro at iniabot sa akin.
Of Love's Journey by Emanuelle Tarneio
BINABASA MO ANG
Once in a Lifetime (Gxg Tagalog Story)
Romance"Ang love, simpleng state of mind lang. When you see someone attractive, nagkakaroon ng release ng dopamine, norepinephrine at phenylethylamine which are responsible for your physiological responses. In short, it's all in the mind. Kaya pwede ko rin...