Elle's POV
Halos maghahating-gabi na rin nang makauwi ako sa condo. Bigla-bigla kumalam ang sikmura ko. Naalala ko bigla na halos wala pa pala akong kain simula kanina. Hindi naman ako binilhan ni Chloe nung sinabi nyang burger. Noon ko lang naramdaman ang gutom na hindi ko napansin habang kasama sya.
Agad akong nagbihis at dumirecho sa kusina para magprepare ng simpleng vegetable salad at isang ham and egg sandwich.
Habang kumakain ay kinuha ko ang laptop at binuksan. Since wala naman talaga akong personal facebook account ay ang page ko as Emanuelle Tarneio ang binuksan ko.
Sandamakmak na notifications ang bumungad sakin. Karamihan mentions at mga tags. May nanghihingi pa ng permission for Timeline Review. Binuksan ko naman ito at tumambad sakin ang screenshot ng article mula sa Philippine Daily Inquirer para sa issue bukas.
"Emanuelle Tarneio to launch a comeback book in time for Avila's Anniversary" -tagged by Avila Publishing
Sa halip na iconfirm ito ay kinuha ko ang phone para tawagan si tita Edna, ang mama ni Carlo and editor-in-chief ng Avila Publishing House.
Sinagot naman nya ito matapos ang dalawang ring. Hindi na rin ako nagtaka since alam kong night owl ito at mahilig sa pagtatrabaho kahit dise-oras ng gabi. Ginamit ko ang spare sim na nakalaan lang talaga sa identity ko as Em.
"Hello, iha. You called. I'm guessing it's about the post on your timeline," pambungad agad nito sakin.
Alam na alam nya talagang ayoko ng paligoy-ligoy kapag sa phone. Hindi ko alam kung bakit, pero di ako komportable makipag-usap sa telepono. Madalas ay nagiging rude ang dating ko sa kausap. Mas gusto ko pa ng personal at nakikita ang kaharap ko.
"Yes, tita. Akala ko po ba ay hindi muna natin ipapaalam ang tungkol sa comeback ko?" Tanong ko habang tinitingnan ang iba pang notifications sa account ko.
"Well, we thought it would be better na isasabay ang launch ng new book mo sa anniversary party instead na magdinner lang. Besides, double celebration iyon, iha. Anniversary and book release mo, we are actually thinking of having an Emanuelle collection bundle para sa sales," pagpapaliwanag nito sa kabilang linya.
"But tita," napahawak ako bigla sa sentido ko, "that would mean I need to show myself to the crowd. And you know naman kung gaano ko iniiwasan yun, diba?"
Napatawa naman ang babae sa sinabi ko. "Hindi ka pa rin nagbabago. Why are you so afraid? You're used to getting attention naman hindi ba? Hindi na bago sayo kung maeexpose ka sa media at sa mga readers mo."
"That's exactly it, tita," napasandal ako sa upuan. "People love Emanuelle for what she writes. She doesn't need to portray an image. She writes down how we feel as humans. And that's the reason why she's an effective writer."
"Your point is?" Tanong naman ng matanda.
"My point po is Elle is different from Emanuelle. And if I show up as Emanuelle, aside from people invading my privacy, they'll either see only Emanuelle or only Elle. And I don't want that, tita. They either have only Elle or both. But never only Emanuelle," pagpapaliwanag ko dito.
"In short, ayaw mong may makakita na may pagkahopeless romantic ka," natatawang saad naman ni tita Edna.
Napangiti ako ng bahagya. Kahit kailan talaga tumpak si tita Edna.
"Opo na lang tita. Sige na po, need ko na rin magpahinga. Sabihan nyo na lang ako regarding sa plano nyo sa book launching," pagpapaalam ko dito.
Pagkababa ng telepono ay ipinikit ko sandali ang mga mata ko at panandaliang minasahe ang noo. Pagdilat ay hinawakan ko ang pendant na nakatago sa loob ng shirt ko at inilabas.
![](https://img.wattpad.com/cover/72847509-288-k954621.jpg)
BINABASA MO ANG
Once in a Lifetime (Gxg Tagalog Story)
Romance"Ang love, simpleng state of mind lang. When you see someone attractive, nagkakaroon ng release ng dopamine, norepinephrine at phenylethylamine which are responsible for your physiological responses. In short, it's all in the mind. Kaya pwede ko rin...