Ramdam na ramdam ko ang tingin ni Sam habang naglalakad kami papunta ng classroom. Matapos ihatid si Chloe sa clinic ay agad din naman kaming umalis at hinayaan na si Georgie na ang magbantay sa kanya.
"So...."
"Hmm?" Himig na may pagtatanong na sagot ko sa kanya habang direcho pa rin ang tingin sa daan.
"Hahalikan talaga?"
Napadako ng tingin ang mga mata ko sa kanya.
"It shut her up," kibit balikat kong sagot dito at ibinalik ang tingin padirecho. Wala naman talaga akong balak halikan si Elle kahit na sinabi ko yun. Parang kapatid na rin ang turing ko kay Carlo. Walang talo-talo kahit na aminin ko man sa sarili ko na iba ang epekto niya sakin.
Tumango-tango naman si Sam na parang ewan.
"Yes, it did." Rinig na rinig ko ang amusement sa tono ng pananalita nito. "Is it just me or may chemistry talaga kayong dalawa, parang anime lang."
Napakunot-noo akong tumingin sa kanya.
"Nanonood ka ng anime? Hindi halata sayo."
"Minsan," nakangising sagot sakin nito. "Parang kayo real life version. Nag-umpisa na parang aso at pusa. Yung isang character na cool at pachill chill lang tapos yung isa happy go lucky naman. Then tutunawin ni carefree girl ang puso nung isa hanggang sa magkadevelopan at magkagustuhan."
"Nah, I don't think so," ngiwing tugon ko dito. Ang corny naman kasing cliché ang pinagsasasabi nitong si Sam. Ano bang pinagpapapanood nitong isang to? Tsaka hindi ko maimagine na ang seryosong Samantha na nameet ko sa office ni lola, ganito umasta.
"Sus, pero seryoso bagay kayo," may ngiting mapanukso sa labi ng isang to. "I ship it!"
Napalayo ako ng konti sa kanya. May manic grin sa mukha nito na akala mo serial killer na ewan. Itinaas pa ang isang kamao.
Tumahimik na lang ako at napailing.
"Mukha ding nagseselos siya kanina. Ang sama makatingin lalo na sakin," walang paawat na komento.
Napabuntong-hininga naman ako at napa-eyeroll.
"Masakit lang ulo nun kaya wala sa mood, wag mong bigyan ng malisya. Isa pa girlfriend siya ng bestfriend ko. Kaya wag mo ng gawan ng issue."
"Edi mas maganda!" Mas lalong lumaki ang ngiti nito sa mukha. "Forbidden love. May drama hindi lang puro kilig. Stolen glances tapos may tension palagi kapag magkakasama kayong tatlo."
Hindi makapaniwalang napatingin namang tiningnan ko ito.
Masungit nung una, sadista naman nung maka-close ko na. Tapos ngayon parang ewan sa obsession niya.
Napahawak na lang ako sa sentido at minasahe ito. Sakit sa ulo.
Sa lahat naman ng sasabihin ni lolang kaibiganin ko, itong babaeng to pa talaga.
Abnormal.
Napabuga na lang ako ng hangin sa naisip ko.
"Itsura mo dyan?"
Napatingin na naman ako ulit sa kanya nang marinig ko ang masungit na tono nito. Napakurap ako ng mata nang makita ang nakataas ng kilay nito.
Bumalik na naman sa masungit ang mood niya. Napailing na lang ako.
Abnormal talaga.
Hindi na lang ako sumagot tutal papasok na rin naman kami ng classroom.
Lit o Literature, hindi ko man major pero favorite ko pa rin. Sayang lang at Monday at Wednesday lang may klase. Maaga kami dahil ayoko sa lahat yung nali-late. Lagot din ako kay lola kung sakali. Kasama ko pa naman si Samantha.
BINABASA MO ANG
Once in a Lifetime (Gxg Tagalog Story)
Romance"Ang love, simpleng state of mind lang. When you see someone attractive, nagkakaroon ng release ng dopamine, norepinephrine at phenylethylamine which are responsible for your physiological responses. In short, it's all in the mind. Kaya pwede ko rin...