Chloe's POV
"Bakla! Wait lang naman! Pagoda Cold Wave Lotion na akez. Teka lang naman. Ang Chanda Romero ko masakit, manganganak na ata akez. My ghaaaaad!" hysterical na sigaw ni Georgie habang sumasabay sa akin maglakad. "Ang panubigan ko, bakla!"
"Baliw ka bakla," sabi ko habang tinitignan si Georgie na kakaunting oras na lang, ay lulupasay na sa daanan. "Busog ka lang."
Maya-maya ay pumailanlang ang matinis at mahabang tunog. Nakahinga naman si Georgie ng maluwag habang ako naman ay napatakip ng ilong nang maglabas sya ng masamang hangin.
"Bwisit ka Georgie, kadiri ka naman eh!" reklamo ko dito habang hawak-hawak ang ilong.
"Ang arte mo," sabi pa nito habang iniikot ang mata. "Uy ikaw, anong drama chorva yung kanina?" usisa nito habang pinagmamasdan ako ng maigi. Itinaas pa nito ang isang kilay na akala mo ay bagong ahit.
"Anong arte pinagsasasabi mo dyan?" patay malisya kong tanong dito habang umiiwas ng tingin.
"Anek drama mo kanina? Nakabangga ka na, winarla mo pa yung merlat na pretty dun sa cafeteria. May staring contest pa kayong nalalaman," tanong pa nito habang naniningkit ang mga mata.
"Anong ako? Sya kamo. Ang arte, nagsorry na nga ang tao. Akala mo kung sinong maganda. Lakas magmaasim, hipon naman," sagot ko dito sabay irap.
"Ay loka! Akez ngang shokla, magiging straight sa beauty ni ateng eh. My ghaaaaad. Nasholbug pa ang beauty mo, bakla! Pero nagring ang radar ko ah, yung staring contest nyo kanina," saad nito na naka-smirk pa. "Don't tell me kapederasyon ka na rin?"
"Hay naku, ewan ko sayo. Tara na nga sa clinic, andun na si Carlo," sabi ko na lang at walang anu-anong kinaladkad sya habang ramdam ko ang pang-iinit ng dalawa kong pisngi.
Ang mga mata nya...
Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng clinic. Agad kaming pumasok at nag-inquire kung nasaan ang kapatid ko. Itinuro naman kami ng nurse sa isa sa mga cubicle.
Pagkahawi namin ng tabing na tela, isang bulto na nakukumutan ng puti ang nakahiga sa kama. Agad agad namang lumapit si Georgie at umupo sa tabi nito
"Tiyanaaaaak, wag mo kaming iwan! Swearlalu, wit na kita wawarlahin, wit na kita aasaring maliit kahit na maging kasingjutay ka pa ni Dagul. Wag ka muna matitigok. Tutulungan pa kita maghanap ng jowabelles, tatambay tayo sa SM at palaging rarampa kapag 18 ka na. Akez din magmimake-up sayo sa debut mo. Kahit hiramin mo pa gown ko," hysterical na sabi nito habang naglalandas ang luha. "Crispin, Basilio! Ang ate nyo wit nyo muna susunduin."
Napatingin naman ako sa likod nang may muling mahawi ang tela.
"Ah, excuse me. Anong ginagawa nyo dyan sa mannequin?" tanong ng babaeng naka-uniform pa na pang-nurse.
"Whaaaat? You mean mannequin itech?" agad-agad na hinawi ni Georgie ang puting kumot dahilan para malantad ang isang walang buhay na mannequin. "Imbyerna! Pang-Oscars pa naman sana ang acting ko. Hindi naman pala si tiyanak itechewa."
"O hon, anong ginagawa nyo dyan ni Georgie? Andito sa tapat si Abby," bigla namang paglitaw ni Carlo.
Agad-agad namang pumunta si bakla sa kabilang cubicle at hinawi ang nakatabing na tela. Si Abby naman ay nakaupo sa kama habang nakasandal.
"Anak ni Janice, sinong jumombag sayo ha? Susugurin namin ng sisteret mo. Di porke majutay ka kinakayan-kayanan ka nila. Bilis! Wag kang mashokot," pagyugyog naman ni Georgie sa kapatid ko dahilan para umaray ito at itulak sya.
"Ano ba? Makayugyog ka naman, George!" halos di magkamayaw sa sakit ang kapatid ko. "Bwisit kang bakla ka, matutuluyan akong mabalian sayo eh."
Sisitahin ko na sana si Georgie nang may biglang magsalita sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
Once in a Lifetime (Gxg Tagalog Story)
Storie d'amore"Ang love, simpleng state of mind lang. When you see someone attractive, nagkakaroon ng release ng dopamine, norepinephrine at phenylethylamine which are responsible for your physiological responses. In short, it's all in the mind. Kaya pwede ko rin...