Pissed

8 1 0
                                    

Chloe's POV

"Anetch naman drama mo bakla? Red flag ba?" paniniko sakin ni Georgie ng patago habang naglelecture. Lumiyad pa ito para silipin ang ibabang parte ng likod ko.

"Tigil-tigilan mo ko, Gie. Mainit ulo ko. Baka hindi kita matantya," pabulong kong babala dito. Umayos naman ito ng upo at pumirmi pero ramdam ko pa rin ang nagtatanong na tingin nito.

Lumipas ang klase na wala ako sa mood. Pagkadismiss ng prof ay agad-agad akong tumayo para lumabas. Nasa may pintuan na ko nung napansin kong hindi pa rin gumagalaw si Georgie sa upuan nya.

"Gie, ano ba, tara na! Gutom na ko," padabog kong tawag dito. Agad naman itong tumalima at sumunod sakin.

Dumirecho kami sa canteen kung saan madami na naman ang tao. Pinauna ko na si Georgie para maghanap ng mauupuan habang tiningnan ko naman kung anong available. Maya'maya ay pinuntahan ko na ang table namin ni Georgie.

"Ayoko na kumain, ikaw na lang," sabi ko na lang kay Georgie habang kinukuha sa bag ang libro ko na gawa ni Em.

"Akala ko ba natotom jones ka na bakla? Anek happening sayo?" may pag-aalalang tanong sakin ni bakla.

"Wala. Ayoko lang ng food, parang gusto ko ng pizza at fries," sagot ko na lang. "Bilhan mo na lang ako ng C2.

Sumunod naman ito at pumila para bumili ng makakain. Dinukdok ko na lang ang ulo ko sa pagbabasa.

Matapos ang ilang minuto ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko at naaninagan ko ang bote ng C2 na nilagay sa tapat ko. Hindi ko na lang ito pinansin since alam kong si Georgie lang naman ito.

"Here, para sayo."

Mabilis pa sa alas kwatro na nag-angat ako ng tingin nang marecognize ang boses na yun.

"F*ck! Akala ko si Georgie. Anong ginagawa mo dito?" mataray kong tanong dito. Agad ko namang ibinalik sa libro ang pansin ko.

Imbes na sumagot ay hinawakan nya ang libro at unti-unti at maingat na inalis sa pagkakahawak ko. Tumambad naman sakin ang isa pang libro na nakapatong sa mesa.

"F*ck!" nasabi ko na lang habang inilalapit ang upuan ko sa mesa na halos sumayad na ang katawan ko dito.

Hidden Words by Emanuelle Tarneio
A Compilation of Emanuelle Tarneio's first ever poems

Napatawa naman ng bahagya ang katabi ko. "Since alam ko favorite mo sya, ikinuha na kita ng signed copy," rinig kong sabi ni Elle.

"My god, ang hirap makahanap nito. Alam mo bang ito na lang ang kulang sa collection ko? Iilan lang din kasi ang published copies. Naubusan agad ako last year," sagot ko dito habang binubuklat ang libro.

Inilipat ko sa title page at nandun nga ang signature ni Em.

To my favorite fan. I hope you enjoy reading this book as much as you enjoyed my other works.

-Em

"Alam ko," sagot ni Elle habang nakangiti. "Ang cute mo pala. Para kang batang nakakuha ng bag ng candy."

Ramdam ko na naman ang pag-iinit ng pisngi ko sa sinabi nito. Ibinaling ko ang tingin sa libro para mapagtakpan ang pamumula ko. Hindi ko na lang pinansin ang amused na tingin ng katabi ko.

"Bakla, ang haba ng pila.. sayang ang kagandahan ko," maingay na sabi ni Georgie sabay upo sa harap ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang napansin kong hindi na nakatingin si Elle sakin.

"Marunong ka magtagalog?" rinig kong tanong ni Elle sa tabi ko.

"Of course! I can also speak English well. A bit of Mandarin too," pagyayabang naman ni Georgie na ikinakunot ng noo ko. At kailan pa natuto ng Chinese tong baklang to?

Once in a Lifetime (Gxg Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon