(The one on the photo is Samantha)
Elle's POV
Darn it! Ang malas talaga ng araw ko. Una ballpen, tapos shirt ko. Pati ba naman paa? All in one day. That girl really is a walking disaster!
Masama ang timplang naglakad ako papunta sa dean's office para kausapin si lola. Kaninang nasa clinic ako ay natanggap ko ang message nya saying na kailangan kong pumunta doon at may iuutos sya sakin.
Halatang halata siguro na bad mood ako since lahat ng nasa daanan ko ay umiiwas. Dire-direcho lang ako hanggang makarating sa office ni lola. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Kahit naman wala ako sa mood at damay na sinumang makabangga, ibang usapan na pag si lola ang kaharap.
Knock knock
"Come in," isang maawtoridad na tinig mula sa loob ang nagsabi. Pinihit ko agad ang doorknob at pumasok ng walang anu-ano.
Sa harap ko tumambad ang table ng bagong secretary ni lola. Napakunot na naman ang noo ko nang marealize na hindi ito ang magiliw na matandang dating sekretarya.
Masungit ang awra nito at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago nagtaas ng kilay. Marahil sa kadahilanang hindi ako nakasuot ng proper uniform or kahit ID man lang.
"Take a seat first. I'll take care of your concern in just a bit," wika nito matapos mag-alis ng tingin sakin.
Tumango lang ako at naupo. Nilabas ko na lang ang earphones ko at nakinig ng music habang naghihintay. Kitang-kita naman mula sa pwesto ko ang inner office ni lola. Nakatalikod ito at parang may kausap sa phone sa likod ng glass doors.
Maya-maya ay napansin kong napatingin sakin ang sekretarya ni lola kaya tinanggal ko ang earphones.
"Aren't you aware that this is a prestigious university? You should be wearing your uniform properly and identification card at all times," wika nitong taimtim na nakatingin sakin.
Pinagmasdan ko ito ng maigi. Masyado itong mukhang bata. Tantiya ko ay halos kasing-edad ko lang ito kaya matindihang isinasapuso ang trabaho. Pfft, pakitang gilas masyado.
Hindi ko pinansin ang sinabi ng babae. Tumayo ako at humarap sa glass-covered bulletin board na nasa likuran ko. Ginawa ko itong salamin at inayos ang sleeve ng shirt na binigay sakin ng isa sa mga tao sa canteen.
Three-fourth sleeved sweater-like maroon shirt. Hinila ko at finold pataas ang manggas nito. Siniguro ko ding maayos ang itsura ko bago humarap kay lola. Partikular pa naman ito, dapat laging maayos kahit simple lang ang damit.
Nilagpasan ko ito at hindi pinansin. Hindi naman ito magkamayaw sa pagpigil sakin. Nabuksan ko na ang glass door nang hawakan nya ko sa braso dahilan para mapasimangot ako. Ayoko sa lahat ay hinahawakan ako ng kung sinu-sino.
"What are you doing?! Hindi ka pwede dito," pabulong pero mariing sabi nito.
Inalis ko ang braso ko mula sa pagkakahawak nya bago sya tinitigan ng mariin using my death glare. Napansin ko namang napalunok ito.
"Says who?" tanong ko dito ng may diin. Sinadya kong lakasan ang boses ko nang mapansin ni lola. Naalarma naman ang sekretarya nang bigla-bigla itong nagpaalam sa kausap sa phone at humarap samin.
"Madamme, I'm sorry. Nagpumilit po kasi sya pumasok eh," paghingi ng paumanhin ng sekretarya ni lola.
"It's okay, Samantha. She's my granddaughter. Ipinatawag ko sya dito," may ngiti sa labing sabi nito. Humarap naman ito sa akin. "I see you've met my new secretary, apo."
Napasimangot ako at kunot ng noo bago tumungo. "Yes, abuela. I don't like her," saad ko dito dahilan para mapasinghap ang babae sa tabi ko.
"And why is that? Don't you think she's fit for her job? I actually assessed her myself and I found her excellent," may halong amusement sa tono ng boses nito habang nagpapapalit-palit ng tingin sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Once in a Lifetime (Gxg Tagalog Story)
Romance"Ang love, simpleng state of mind lang. When you see someone attractive, nagkakaroon ng release ng dopamine, norepinephrine at phenylethylamine which are responsible for your physiological responses. In short, it's all in the mind. Kaya pwede ko rin...