Shut Up

236 15 5
                                    

Elle's POV

So shut up, shut up, shut up
Don't want to hear it
Get out, get out, get out
Get out of my way
Step up, step up, step up
You'll never stop me
Nothing you say today
Is going to bring me down

"Ugh. Ano buh yen, bakla?! Wala man lang fafa ditey, wer na ba ang Janjalani mong sisteret? Jinet na jinet na akez, sayang pagpapaparlor ko," isang matinis na boses ang narinig ko over the sound of my phone's MP3 player.

Mas nilakasan ko pa ang volume to drown the voice. Hindi na ko gumalaw since tamad na tamad at antok na antok ako. Hassle na flight yun, halos di ako nakatulog. Buti na lang panghapon pa ang klase ko.

Hindi pa sana ako papasok kung hindi lang dahil sa pagpipilit ni lola. I had already missed the first three weeks of class. Need ko pa daw humabol sa prelim.

Kahit kakarating ko lang kaninang alas tres, halos kaladkarin nya ko maisama lang nya sa pagpasok this morning. Mantakin ba namang hapon pa ang klase ko eh pinapatambay na ko sa library kahit na ang alas otso pa lang. Hassle talaga maging apo ng dean.

Ashford University. It's been a year. Halos wala pa ring pinagbago. Makatulog na nga lang.

Pabalik na sana ako ulit sa pagtulog nang may naramdaman akong tumama sa ulo ko. Dahan-dahan kong hininaan ang volume ng player, curious kung sinong herodes ang nagtangkang gumambala sakin.

Aside sa boses kanina, sinamahan pa ito ng boses ng isang babae. Parang nagtatalo pa ang dalawa at hindi ko mapigilang maamuse sa mga asta nila. Talaga bang college na tong mga to?

Maya't maya pa ay may dalawa pang tinig ang dumagdag. Isang parang boses ng isa pang babae at isang malalim pero pamilyar na tinig. Tinalasan ko pa ang tenga ko para mas marinig pa ang mga boses.

Carlo. My bestfriend. Akalain mo nga naman.

Mas lalo akong nacurious nang marealize lung sino ang babaeng nagsasalita kanina. She must be Chloe. Ang gf ni Carlo na lagi nyang kinikwento sakin nung nililigawan nya pa lang ito. Naaalala ko kung paano pa sya nanghingi ng advice sa panliligaw.

Chloe... if she's Carlo's gf, sya din ang sinasabi ni tita Edna na superfan ng mga libro ko.

It's been five years mula nang nag-umpisa akong magsulat. Nang ipinakita ko yun kay tita Edna, nagstart bigla-bigla ang writing career ko. Ipinakiusap ko na lang na wag gamitin ang real name ko. I used Emanuelle Tarneio instead. I wanted my identity to remain a secret. Ayokong may gumambala sa privacy ko.

Nakumpirma kong fan ko nga si Chloe pagkarinig ko sa enthusiasm sa voice nya nang ibigay ni Carlo ang latest book ko. I remember writing the note for her bago lagdaan. Hindi ko alam kung bakit pero yun ang naisulat ng mga kamay ko. I guess I'm really fatigued that time nung sinulat ko yung sobrang corny words na yun.

Maya-maya ay nagsidatingan na rin ang iba pang mga estudyante. Nilakasan ko na lang ulit ang volume ng MP3 player ko at inalarm ang phone ko 15minutes bago ang next class ko at natulog ulit.

Napabalikwas ako pagkadama ng vibration ng cellphone. Pinatay ko na agad at nang di makaagaw atensyon. Inopen ko ulit ang MP3 player ng phone ko na automatic nakaset mamatay kanina. Hininaan ko ang volume nito at kinuha ang bag ko para pumunta na sana sa klase. Nakita ko din ang ballpen na kaninang tumama sa ulo ko.

Bahagya akong natigilan nang maaninag ko ang isang pamilyar na babae. Dark blonde hair. Pati ang pigura nito ay pamilyar. Hindi ako pwedeng magkamali.

Tumungo ako at inayos ng konti ang hoodie ko para matakpan ang mukha ko at agad na agad na sanang aalis pero natigil ako sa katabing table.

There, on the fucking floor, was the book I wrote. Mabilis pa sa alas kwatro ko itong pinulot at inis na pinagpag. Hindi ko mapigilang mas lalong mainis nang mapansin ang mantsa ng catsup on the first page.

Once in a Lifetime (Gxg Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon