Chloe's POV
"WHAAAAAAAAAT???!!!"
"ANOOOOOOOOOO???!!!"Halos mabasag ang eardrums ko sa lakas ng sigaw nina Georgie at Abby.
"Ang OA lang ah. Affected much?" Taas kilay kong tanong sabay batok sa dalawa. "Pwede ba yang mga bibig nyo pakikontrol? Nasa bahay po tayo, wala sa rally. Quiet nga, marinig pa kayo ni mama."
Andito kami sa bahay habang si Abby ay nag-aayos para pumasok kasabay si Georgie. Ako naman ay busy sa pagkain ng pandesal. Maya-maya pa naman ang klase ko kaya paeasy easy muna.
Napaeyeroll naman si Georgie saktong cross arms ng nakababata kong kapatid.
"Ate naman kasi. Ang sama mo. Sabihan ba naman ng ganun si ate Elle eh ang bait bait kaya nya," konsensya pa ng kapatid ko.
"Flangak ka dyan, junakis ni Janice. Kahit na naging kalahi ko pa si Kokey dahil sa kanya, keribels naman si Elle," dagdag pa ni Georgie habang dumudukot ng isang pandesal. "Anek naman kasi umenter dyan sa jutak mo at inokray okray mo yung tao?"
"Eh nairita nga kasi ako sa kanya. Lait-laitin ba naman kasi si Em. Akala mo kung sino," asar kong sagot. "Tsaka malay ko ba na sensitive pala sya eh para naman kasing walang puso yun. Tsaka masama naman talaga ugali nya."
Napansin kong biglang sumama ang timpla ni Abby at nangunot ang noo. "Ate, mawalang galang na po, pero kaya lang naman hindi kayo magkasundo ni ate Elle kasi palagi mo syang nadidisgrasya kapag magkasama kayo."
"Ang arte kasi nya. Ang dami pang alam eh," paghihimutok ko. Napaisip din ako bigla sa sinabi ni Abby. Mukha naman talagang mabait sya. Hindi naman siguro sya magiging bestfriend ni Carlo kung hindi.
"Tiyanak, bilisan mo na. Malilate na aketch. Ang papable pa naman ng prof ko today. Ma-pandesal ang Chanda Romero. Wit ka na magsuklay. Waley rin naman magbabago sa fezlak mo," pagmamadali ni Georgie kay Abby.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Agad ko namang pinagbuksan para makapasok si mama.
"Mga anak, aalis ako papuntang Batangas for a three-day seminar. Friday na ko makakauwi, kayo na bahala dito ah," pambungad samin ni mama.
"Opo, ma. Pasalubong po ah," sabi kong naglalambing bago yumakap sa kanya.
"Ay mudrakels naming kasingdyosa ko, pwede pong magrequest? Kahit buko pie na lang akin. Keribels na," pagpapacute naman ni Georgie
"Oo naman, Gie. Pakitingnan-tingnan na lang tong mga dalaga ko ah. And no drinking on a school night," istriktong saad ni mama.
"Bago ko makalimutan, Abby, eto na allowance nyong magkapatid. Yung budget para sa bahay nakapatong sa may taas ng ref. Ikaw na bahala dito sa ate mo. Wag mong hahayaang magshopping ng magshopping habang wala ako ah. Mauna na ako, kayo na bahala dito," dagdag pa nya bago lumabas ng kwarto. Maya-maya ay narinig namin ang ugong ng makina ng kotse ni mama.
Maya-maya ay natapos na ring mag-ayos si Abby at niyaya nang umalis si Georgie. Naghati na rin kami sa allowance. Todo paalala pa ito na wag magshashopping ng di sya kasama.
Naligo na rin ako pagkaalis ng dalawa at nagbihis. Naglagay na rin ako ng makeup at niready ang mga gamit ko habang naghihintay kay Carlo. Maya-maya ay nakarinig na ako ng busina sa labas ng bahay. Dali-dali akong lumabas after maglock.
"What the hell? Carlo?" Sa labas ng gate naman ay isang motorcycle rider imbes na ang pulang kotse na usually namin ginagamit.
Tumingin ito sakin at nagtaas ng faceshield dahilan para mabungaran ko ang isang pares ng pamilyar na chocolate brown eyes.
BINABASA MO ANG
Once in a Lifetime (Gxg Tagalog Story)
Romance"Ang love, simpleng state of mind lang. When you see someone attractive, nagkakaroon ng release ng dopamine, norepinephrine at phenylethylamine which are responsible for your physiological responses. In short, it's all in the mind. Kaya pwede ko rin...