Chapter 6 - Serious call.

7 0 0
                                    


Samantha's POV

Isang buwan na ang lumipas simula nung eksenang yon sa Canteen. At simula non. Hindi na din naman ako nilapitan ni Timothy. Wala na din tuloy nangungulit sakin. ayy! Joke lang yon. Biro lang. Di ko mamimiss ang mokong na yon. Yung apat naman nakakausap ko pa kase laging kasama nung apat kong kaibigan. Hindi na mapaghiwalay e. Baka nga nililigawan na to ng mga to. Masyadong nainlove sa kagandahang taglay naming lima. Kagandahan sa loob at labas hahaha.

Kasama ko ngayon si Troy. May gagawin kase kaming report para sa religion.

"Sa canteen nalang tayo gumawa ng report. Para may pagkain na din hahaha." Troy.

"Sige, basta ba libre mo e hahaha." Samantha.

"Oo naman, basta ba ikaw hahaha." Troy.

"Naman! hahaha." Samantha.

Tahimik kaming naglalakad sa gym ngayon, dito kase ang daan papunta sa canteen. Napatitig ako kay Troy habang naglalakad kame.

Naging crush ko sya nung first day of school. Ang pogi nya din naman kase, tas sya pa yung unang lumapit sakin nung nagpapakilala na. Mabait, gentleman, palabiro, palangiti. Kumbaga, lahat na ng gusto ng babae sa kanya, a boyfriend material maybe, but I didnt say that he was perfect a hahaha. Ang sarap nya lang talagang kasama. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako magkakagusto sa kanya. Hindi ko alam kung bakit e.

"Hoy! Samantha! Kanina ka pang nakatingin sakin habang naglalakad a. May gusto ka sakin no!?" Troy.

"Wow! Lakas mo din e no!" Samantha.

"Hahaha joke lang. Kanina pa kase tayong nandito e." Troy.

And that hit me hahaha. Nandito na nga kami hahaha.

"A Troy, dito tayo sa pwesto namin lagi." Samantha.

At umupo kami don tsaka inumpisahan ang report namin. Ako lang ang taga type, ayaw ko kaseng magisip hahaha. Sya, salita lang ng salita. May pagkain na syang binili. Kumakain kami habang gumagawa ng report ng may lumapit samin.

"Can I excuse the both of you."

Yung boses na yon. Ang boses na matagal ko ring hindi narinig. Yung boses na nakakapagpairita sakin araw araw, a month ago. Boses ni Timothy.

"Bro, bakit?" Troy.

Iniangat ko na ang mukha ko. At nakita ko na naman ang mala anghel nyang mukha. Yung mukang ang sarap laging sapakin pero hindi ko magawa dahil masyadong gwapo ang mukhang to para masugatan.

"Wag mo kong ma 'bro-bro' ha! Pang bakla lang yon!" Timothy.

"Ano bang problema mo Timothy ha!?" Samantha.

"This is my place, so please both of you, back off!" Timothy.

"Nauna kami dito e bakit mo kami pinapaalis!?" Troy.

"Hindi mo ba ako narinig? O hindi ka lang talaga marunong umintindi ng english, ha!?" Timothy.

"Hoy tumigil ka nga Timothy! Ang yabang mo naman! Kita mong nakaupo na kami e! Tsaka pwede mo naman kaming paalisin ng ayos!" Samantha.

Inayos ko na ang gamit namin. Hinila ko na ang n Troy ng hilahin naman ni Timothy ang kamay ko.

"Samantha." Timothy.

"Ano!? Aalis na nga kami sa "place" mo diba? Lilipat na nga o!" Samantha.

"Can I talk to you?" Timothy.

"Para saan ba?" Samantha.

"Privately." Timothy.
Sabay tingin nya kay Troy ng masama. Ano bang problema nitong lalaking to?

One of A Gang-stanWhere stories live. Discover now