Timothy's POV
Kakauwi ko lang galing sa paghahatid sa madaldal na babaeng yun. Lagi nalang akong sinasabihang bakla! Sa gwapo kong to!? Bakla!? Tsk. Di marunong tumingin ng gwapo.
Dumiretso na ako sa kwarto ko at tsaka nanligo.
Ganito ako pagkakauwi. Bago humiga ay nanliligo muna ako.
pagkatapos kong manligo ay nagpatuyo muna ako ng buhok.
Habang pinupunasan ko yung buhok ko, hindi mawala sa isipan ko yung kadaldalan ng babaeng yun. Ano bang nangyayari sakin!?
Inalog alog ko na ang ulo ko pero what the hell!! Bat boses nya parin ang naririnig ko!?
Pagkatuyong pagkatuyo ng buhok ko ay humiga na agad ako. Baka sa pagtulog ko e lubayan na ako ng madaldal na babaeng yun!
ipinikit ko na ang mata ko at pinilit na matulog na.
Samantha, di ko alam kung anong nangyayari sakin pero di ka talaga mawala sa isip ko
Ha? Anong sinasabi mo?
Samantha, mahal na mahal kita. Hindi ko alam kung kailan at lalong hindi ko alam kung bakit? Kung dahil ba sa kadaldalan mo, o kung saan man. Pero samantha hindi ko talaga mapigilan ang puso ko na mahalin ka.
Pero Ethan Im sorry pero.. mas mahal ko si Troy kaibigan lang ang turing ko sayo...
Pero samantha ma-ha-l namahmllsj....
"Hoy Timothy! Gumising ka na! Tanghali ka na!" Stephen.
So? Panginip lang pala yun! Not totally a Dream but a nightmare! Buti nalang kasi hindi ko maimagine na mamahalin ko ang madaldal na yun!
Nanligo na ako at kumain.
Kailangan ko pang pumasok.Nakasakay na ako sa kotse pero boses parin nya ang naririnig ko! Ano bang nangyayari sakin!
*utak: baka naiirita ka lang sa kanya!
*puso: Hindi Timothy! May gusto ka sa kanya!Argh! Ano ba talaga!
Pagdating ko sa school ay pinarada ko na ang kotse ko. Papunta na ako ng room ng madaanan ko ang room nina Samantha. Nakita ko syang nakikipagtawanan sa 4 nyang kaibigan.
*DUG-DUG-DUG-DUG!*Bat ganito? Iba ang nararamdaman ko! Bat sumasaya ako kapag naririnig ko ang tawa nya! Sa tuwing nakikita ko yung mga ngiti nya. Ano nga bang nangyayari sakin!
"Dude! Yung ngiti mo hanggamg langit!" Stephen.
"H-ha? Tara na nga!" Timothy"Iba na ata yang nararamdaman mo ah! To the highest level na dude!" Dylan.
"Tumigil nga kayo! Hindi naman ko nakangiti ah!" Timothy.
"Sus! Parang tumigil nga yang mundo mo ng marinig mo syang tumawa e!" Dylan
"E kasi nga Dylan, inlove na yung bunso ng grupo natin! Inlove na yan dude!" Stephen.
"Pwede ba magsitigil kayo dyan! Sari sari yang pinagiiisip nyo! Baka kayo ang inlove dun sa madaldal na yun, ang arte arte! Ang ingay ingay pa! Nakakairita!" TimothyNapatigil sila sa sinabi ko.
"Bakit?" Timothy.
"Dude may sasabihin kami sayo." Dylan
"Ano naman yun?" Timothy.
"Dude...." Stephen.
"Ano!?" Timothy
"Dude.... inlove ka na!" Dylan
Takbuhan sila sa room nung sibigaw nya yan.
"Lagot kayo sakin! Sabi ng hindi e!" Timothy.Sana nga panaginip lang tong nararamdaman ko. Pero hinding hindi magiging panaginip to kasi NIGHTMARE to! Letse!
---------------------
Sa sobrang tagal kong hindi nakapagupdate. Ngayon lang ako sinipag HAHAHA
Sorry, tinamad ako e.K. Thank you for reading guys! Please support my story. Chos! HAHAHA
![](https://img.wattpad.com/cover/31891322-288-k718381.jpg)
VOCÊ ESTÁ LENDO
One of A Gang-stan
FanficIsang rule na kahit kailan ay hindi ko nagustuhan. Pinakarule ng barkada para maipakita mo sa kanila na talagang gusto mong mapabilang sa Grupo nila. Ang babaeng kahit kailan hindi ko inakalang masasaktan ko. At hindi ko rin inakalang MAMAHALIN KO...