Chapter 1 - Gang-stan

40 1 0
                                    

Timothy's POV
"Bakit ba yung group nalang lagi yung pinipili mo kesa sakin ha!?" Timothy
"Pwede ba! Sundin mo nalang yung rule ng grupo natin! Diba gusto mo din naman yun?" Stephen
"No kuya! Hindi ko ugali ang ginagawa nyo!" Timothy
"Pero kailangan mong gawin yun kung ayaw mong matagtag sa grupo natin." Stephen

Umalis na sya. Simula palang gustong gusto ko ng maging miyembro ng Gang-stan na grupo nina kuya Stephen. Ang saya kasi nilang tingnan. Parang ang sarap sumali sa grupo nila. This group was not a gangsters or fighters. Isa lang syang grupo na barkada. Laging magkakasama. Alam ko na ganito talaga ang rule ng grupo na ito. Oo, ayaw na ayaw kong sinasaktan ang feelings ng isang babae kasi tao din sila. May nararamdaman at hindi sila mga manhid. Pero mas ginusto ko parin na sumali kesa simula talaga pagkabata ay iniidolo ko na ang grupo na ito.

Kailangan kong gawin yung rule. To play with that Samantha.

Samantha's POV

I am Samantha Athena Montereal. I am a College student. I am studying at Ethan's Academy. Wait, umienglish na ako dito. Dudugo na ang ilong ko e. Btw, i have my 4 girl friends. They were Monique Mendez, Gail Sanchez, Kristen Lee and also Macey Argueles.

Galing kami sa mayamang pamilya. That's why we were studying at Ethan's Academy.

Kakatapos lang ng klase namin ngayon. Gusto kong makasama yung apat kong kaibigan.
"Oy! Tara sa 7/11 tapos na naman ang klase natin e." Samantha
"Tara baka may makita akong gwapo dun tsaka si Waaaaaa!" Monique.

Umirit na naman sya nako! Mag boboyhunting na naman tong babaeng to kaya gustong gustong mag7/11.
"Tse! Dadali ka na naman diyan!!" Kristen
"Teka nga nasan ba si Macey?" Samantha
"Im here! San lakad natin?" Macey

Kakalabas lang nya ng room.
"7/11, tapos na naman ang klase natin ngayon e." Samantha
"Yes! Makakapagboyhunting ako!" Monique.
"Monique! Hindi ka ba talaga titigil!?" Kristen
"Hindi!" Monique
"Tumigil ka! Babatukan na kita dyan e! Hahaha." Samantha.

Kanina pa naming kasama si Gail. Pero ayaw namang magsalita. Ganito talaga to minsan e. Minsan sobrang ingay tapos minsan naman sobrang tahimik tapos kapag naman nagsalita kung ano anong sasabihin.
"Oy san ba tayo pupunta?" Gail

Diba? Sana hindi ko nalang hiniling na nagsalita si Gail diba? Hahaha

Napasapo nalang kaming apat sa mga noo namin. Eto na naman po ang kaibigan naming lutang lagi hahaha.
"Gail, pupunta tayo sa sementeryo para dalawin ang pumanaw mong utak -_-" Samantha.
"Ha? Di pa naman sya patay ah!" Gail
"Hindi Gail! Sa simbahan ang punta natin para magpasalamat sa Diyos na binigyan ka nya ng utak." Macey
"Tama yon kailangan nating magpasalamat sa Diyos." Gail
"Nako hindi Gail! Actually sa Chapel lang ang punta natin para hindi marami ang tao. Baka kasi mawala ka." Kristen.
"Kaya nga. Thanks sa concern." Gail
"Pwedi ba magsitigil kayo! Gail, pupunta tayo sa 7/11 para magboyhunting at kumain. Baka makakita na naman tayo ng mga Koreano na dumadaan sakay sa Bus. Kaya tara na bilis!" Monique.

Hinila ni Monique si Gail pero tumigil agad si Gail.
"Teka nga teka!!! San ba talaga ang punta nating lima ha!?" Gail
"Sa 7/11 ngaaaa!!!" Sabay sabay naming sigaw na apat.

See? Ganyan kaming kaingay sa daan. Utas na kami kakatawa kay Gail e. Kanina pa kami usap ng usap dito samantalang sya hindi pala nakikinig haaaay nako!

Naglalakad na kami papunta sa 7/11 at kasalukuyan kong pinagtitripan ang bag ni Monique. Pinahuhupa ko kasi naman masyadong bukol hahaha. Pinagtitripan ko ang bag nya. Ng may bumunggo sakin.
"Aray ano b------." Samantha.

One of A Gang-stanOù les histoires vivent. Découvrez maintenant