Chapter 12-Volley Ball Game Part2

236 13 0
                                    

Chapter 12-Volley Ball Game part2

Kristine PoV.

Papunta na daw kami sa field maglalaro daw kami ng Volley ball.

"Eh, hindi ko alam maglaro ng Volley ball eh."-ako

"Okey lang yan tuturuan kita"-Rico

"Ah, wag na"- sabi ko

Ng bigla nalang ako natapilok at mabuti nalang nasalo niya ako.

Tapos....

Taposs.... nag eyes to eye kami pero, kakaiba wala akong nararamdaman sa kanya kahit mabait siya.

Bilang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya.

Hindi pa sana siya gagalaw ng may naghiyawan ng mga lalaki.

"Yoowwnnn...!!! Muntikan ng maka score!!!"-Boy 1

Tapos bigla niya akong hinawakan nalang sa kamay.

Pero ng makita ko kung sino ang nakatitig sa akin kinabahan ako... ang puso ko parang sasabog...

Dug...dug...dug...

Pero parang hindi siya nag seselos sa nangyari? Ay... bakit naman siya mag seselos eh. Wala namang kami sa isa't-isa atsaka hindi niya naman ako gusto.

Ang assuming ko talaga...

"Siya na ba pari? Pakilala mo na?"-Boy 2

"A-ahhh sige... Kristine sila ang barkada ko si Nathan, Jayson, Arthur at James ahh.. ang babaeng yan ay nililigawan ni James pala"-Rico..

A-ano??? S-si si james may nililigawan na??? Bakit hindi niya sinabi sakin? Ay... teka? Bakit nga ba niya ako sasabihan eh... wala namang kami eh...

Gusto ko nang ma-iyak dahil ngayon alam ko na ang tunay kung nararamdaman mahal ko na nga siya hindi ko siya gusto kundi mahal ko na....

"Oh... kris, okey kalang?"-Rico

"A-ah o-okey lang ako."-ako

At naki-pag shake hands na sila sa akin. Pero nang kay James na. Inilahad ko na ang kamay ko sa kanya pero hindi man lang niya ito Hinawakan. Diretsong sinabi niya lang na.

"Okey, bro, hali na kayo laru na tayo."-James ang cold niya talaga.

"Halika na Jan,"-james sabay hawak niya sa kamay nung Janine at umuna ng nag position.

"Okey, lets start."-Nathan

At naglaro na nga kami. Ng ako na ang mag se-serve kinakabahan ako kasi hindi ko alam ang dami ng nanonood samin halos lahat na sa Campus.

"Ano na babae? I-serve mo na, dahil nangangawit na kami!"-sigaw ni James.

"Oo, nga"-Tugon ni Janine.

Nag serve na ako pero hindi na kapasok out... tss... eh... hindi ko namang alam maglaro nito eh...

"Okey, lang yan"-sabi ni nathan sabay kindat.

"Tss.... BOBO TALAGA!!!"-Si James.

"Hey, James watch your mouth"-Rico

"Okey, lang yun totoo naman, "-sabi ko at sabay na nag tawanan ang mga taong naka-palibot samin.

Ng si Janine na ang magse-serve hindi ko alam ang gagawin ko kasi papunta sakin ang bola hanggang sa...

"Kris, ilag, tatamaan ka."-Arthur.

Boogshh...

Bago pa ako naka ilag natamaan nga ako ng bola sa ulo... hanggang sa nahimatay ako at hindi ko na alam kung sino ang nagbuhat sa akin kasi masakit na talaga ang ulo ko at dumilim na ang mga nasa paligid ko.

Mr.Genius MEETs Ms.BoBo/Slow???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon