Shooting Stars.

102 3 0
                                    

"Shooting Star"

© Lenmerch

-------

"Lara pumasok ka na gabi na oh,"

"Opo ma,aantayin ko lang ung shooting star,"

"Ay nako anak nag-aantay ka na naman! Pumasok ka na mamaya kapag nakakita ka na ah?"

" Opo ma!" Ganito ang routine ko palagi. Mag-intay tuwing gabi ng shooting star para magwish. Ang wish ko?  Mahalin pabalik ng taong mahal ko. Nagulat ako nung may pumito. Tiningnan ko kung san nanggaling ung tunog ng pito sa terrace ng bahay pala ng taong matagal ko ng mahal. Itinaas niya ang sketch pad niya at nagsulat. Ipinakita niya sakin ung sinulat niya.

'Matulog ka na'  Kinuha ko sa tabi ko ung sketch pad ko at nagsulat.

'Mamaya pa ako. Aantayin ko pa ung shooting star'

'Wala ka ng makikita. Matulog ka na. Baka malate ka pa bukas' Sinagot ko siya.

'Mamaya na nga. Promise kapag nakita na ako,matutulog na ako'

'Okay. Basta matulog ka na kapag nakakita ka na okay?'

'Okay'

'Good Night na! I love you L' As a friend nga lang.

'Good Night din. Love you too C. See you tomorrow' Nginitian niya ako at pumasok na sa kwarto niya. Haaay,hanggang kailan ako magpapakatanga sayo Clyde? Tumingin na ako sa langit. Sakto may shooting star! Agad kong pinikit ang mata ko at nagwish.

'Sana mahalin din ako ni Clyde'

Pumasok na ako sa kwarto ko at natulog na.

***

Nagulat ako sa nangangalabit sakin. Argh! Sino ba to? Panira ng tulog! Minulat ko ung mata ko.

"Epal mo C! Ansarap ng tulog ko e!"

"Late ka na!" Whatda?! Kumaripas agad ako ng takbo papuntang cr para maligo. Engot ko talaga! Pagkatapos ko maligo,nagbihis agad ako. Sa cr ako nagbihis no! Nasa labas kaya si Clyde. Pagkatapos ng rituals nag-antay na kami dun sa sakayan. Sh*t late na talaga ako!

"Di lang ikaw ang late," Teka ano sinasabi neto?

'Halata sa mukha mo,"

"Bat mo pa kasi ako inantay?"

"You're my bestfriend!" Yeah bestfriend. Hanggang dun na lang un. Wala na. Dead end na.

"Andyan na si Manong!" Hinatid na kami nung driver nila. Bumaba din kami agad dahil late na kami sa first subject namin. Magkaklase kaming dalawa sa lahat ng subject. Di ko nga alam kung bakit pinagparehas niya e. Loko un e. Pagkadating namin,syempre instant artista late kami e.

"Wag kayong mag-alala absent si prof," Hoo! Buti na lang.

"Hoo! Ligtas tayo!" Nag-apir kami ni Clyde. Dahil absent si Prof,lumabas na kami ng room ni Clyde. May 1 hour vacant kami after first subject. Madalas kasi late na magpalabas ung prof namin na un.

"Tambay tayong garden L!"

"Ge," Umupo na kami dun sa isa sa mga benches. Nilabas niya mula sa bag niya ung sandwich na gawa niya.

AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon