Wedding Preparations [Cacey]

8 0 0
                                        

Missed the frenemy couple! So yeah, pasilip sa wedding preps nila. HAHAHAH.

"Uhm, ano bang gusto mong motif? Royal blue or dark green? Pwede din naman sakin yung light blue o di kaya yung scarlet red."

"Kahit ano." Napairap na lang ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya. Yes, he's busy naiintindihan ko naman yun but this our wedding for crying out loud! I've already imagined our wedding preps nung nag-fourth year anniversary kami pero hindi sa ganitong scenario.

Ang akala ko nga mas magiging hands-on siya eh kaso hindi pala. Argh!

"Sa Friday pala yung para sa food tasting natin." Tumango lang siya sa akin then he focused again on his laptop.

"Yung para sa pagpapasukat pala ng damit  para sa abay pinamove ko ng Sabado. Birthday kasi ni Gill bukas so may celebration kami." Nag-thumbs up lang siya sa akin. Argh! Naiinis na talaga ako.

"May balak ka pa bang pakasalan ako?!"  Padabog akong lumabas ng bahay namin. Nakakainis na ha! Parang wala siyang pake sa wedding preparations namin. Maglakad-lakad na nga lang ako dito.

Buti na lang maganda ang ambiance ng lugar na ito. Kita pa dito yung Taal kahit medyo malayo pa iyon dito.

Naramdaman kong may humawak sa wrist ko.

"Queen." Nilingon ko siya kahit inis na inis ako sa kanya ngayon.

"Ano? May balak ka pa bang pakasalan ako? Parang wala na kasi eh. Ako na lang kasi ang hands on sa kasal natin. Alam ko namang busy ka because of work, naiintindihan ko naman yun pero sht kahit ba konting minuto, hindi mo man lang mabigyan ng oras tong preparation natin?!" Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng mga luha ko. Sht. Bakit ba ang emotional ko these past two months?!

"Kung wala ka ng balak pakasalan ako, just—" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, he already kissed me. Humiwalay din siya pagkatapos ng ilang segundo.

"Sorry, queen. Pinapangako ko na I'll help you in the preparations, alright?"

"Okay. Sorry for being too emotional and too paranoid." He wiped my tears.

"Okay lang. Huwag mong isipin na wala na akong balak pakasalan ka, hinding-hindi mangyayari yun." I hugged him matapos niyang sabihin yun.

"Sasabihin na naman ni baby, pinaiyak ko yung mommy niya." Hinampas ko yung braso niya.

"Ikaw kasi eh. Cade?"

"Hmm?"

"I'll never regret that I'm marrying you."

"Me too, Jacey."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Nov 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AnthologyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon