Angel of Love
*****
"Hindi kita minahal, Dea. Ginamit lang kita."
Isang malakas na sampal ang nakuha niya sakin.
"Manloloko." Iniwan ko siya dun tas pumunta sa park. Ang sakit sakit. Ayoko nang magmahal lagi na lang akong iniiwan. Una, nambabae tas ngayon ginamit lang ako?! Anong klase to? Ano bang problema sakin?
"Kulang ka kasi ng oras sa kanila."
"S-sino k-ka?!"
"Guardian angel mo."
"Guardian angel?! Weh?! Bakit nakikita kita?!"
"Oo nga. Pinadala Niya ako dito."
"Naniniwala ako kay Lord at sa angels pero pwedeng wag guardian angel? Gasgas masyado eh."
"Bakit naman? Ang arte mo!"
"Hoy di ako maarte no. Ngayon mo lang ako—,"
"Lagi kitang tinitingnan mula sa taas."
"Sabi ko nga." Pinunasan ko ung luha ko. Sabi na eh walang naidudulot na mabuti ang love na yan.
"Meron naman."
"Hah?"
"Merong naidudulot na mabuti ang pag-ibig di lang puro sakit."
"Bakit ang dami mong alam?"
"Gwapo ako eh."
"Pati pala anghel mayabang din ano?"
"Hindi naman. Sadyang ganto ang binigay ni Lord. Kagwapuhan."
"Grabe! Ang alam ko kagwapuhan hindi kayabangan." Nakakastress ang isang to. Lord, guardian angel ko po ba to? Bakit ganito? Bakit ang yabang?
"Hindi ako mayabang! Ang kulit."
"Mayabang ka." Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sakin. Pinitik niya ung noo ko.
"Aray." Hinampas ko naman siya pero bakit di siya nasaktan?
"Immortal ako. Utak nga."
"Grabe ha! Edi ikaw na matalino, anghel!"
"Di anghel ang pangalan ko. Matthew."
"May kapangalan ka medyo hawig mo din siya actually."
"Sino?"
"Secret."
"Edi secret. Tsk." Nakakainis na angel to! Ang epal at arogante. Nakakairitaaaaa! Iniwan ko siya dun tas naglakad papuntang bahay. Bwiset. Nagulat nung nasa harap ko na siya.
"San ka pupunta?"
"Sa bahay, uuwi na ako."
"Hah? Wag muna. Maggala tayo."
"Mag-gala? Seriously? Kakaibang anghel ka. Pagod ako okay? Masakit ang puso at paa ko. Gusto ko magpahinga." Nagulat ako ng bigla niya akong hilain. Mas ikinagulat ko ng makarating agad kami sa bahay ng mabilis. Grabe ang powers niya. Pumasok na ako ng bahay namin at syempre, nakasunod siya sakin. Pumasok ako ng kwarto ko. Ganun din siya.
"HANGGANG DITO BA NAMAN?!"
"Dea, sinong kausap mo dyan?"
"Ah wala po, manang. Nagpapractice lang po ako." Natawa naman si Matt. Sinamaan ko siya ng tingin. Peste. Bwisit na anghel to.
Umupo ako sa kama ko.
"Bakit ka pinadala dito ni Lord?"
"Para mahanap mo ang soulmate mo."
