Somewhere under the Rain

13 1 0
                                        

Napatingin ako sa labas ng classroom namin. Madilim ang langit, nagbabadya na naman ang pag-ulan, wala pa naman akong payong. Tsk. Dinismiss na kami ng professor namin. Lumabas agad ako ng classroom namin. Naghintay muna ako saglit sa building namin. Marami ring mga nag-iintay, tumila ang ulan, marahil wala rin silang payong katulad ko.

Summer na summer naman kasi, umuulan. Pati ba naman panahon paiba-iba, hindi lang pala yung ex kong magaling. Imbis na tumila, lalong lumakas yung ulan. Ang gara naman oh. Kung kailan kailangan kong umuwi agad saka naman uulan. Jirits. Ang dami ko pa namang sulatin ngayon. No choice ako kundi maglakad sa ulan dahil parang walang balak makisama ang panahon sakin, patagal kasi ng patagal, palakas ng palakas. Pero bakit yung ex ko, imbis na lumakas yung pagmamahal habang tumatagal lalo lang nabawasan. Naalala ko na naman yung araw na yun.

Flashback (2 months ago)

Busyng-busy ako sa pagsusulat ng bigla siyang magtext.

From: Chief

Let's talk. Sa park malapit sa subdivision niyo.

Lumabas naman kaagad ako ng bahay namin at nagpunta sa park. Inantay ko siya doon dahil ako ang naunang dumating. Ang masama umulan, wala pa naman akong payong. Hindi kasi ako mahilig magdala. Dagdag bitbitin pa.

Sa wakas, dumating na siya. Agad ko naman siyang niyakap.

"Anong pag-uusapan natin, Chief?"

"Bettina," Medyo kinabahan ako kasi di niya ako tinawag sa tawagan namin.

"Ano ba yun?"

"Let's break up." Tatlong salita lang yun pero ramdam na ramdam ko ung sakit. Parang yung masayang diwa ko biglang namatay. I knew it, nung tinawag pa lang niya akong Bettina, alam ko ng may mali eh.

"Pero Nico, bakit? Ano bang ginawa kong mali?! Lahat naman binigay ko. Ginawa ko lahat para sayo. Hindi pa ba yun sapat?"

"No. Wala kang ginawang mali. It's just that, you're too perfect for me. It not you, okay? It's me."

"Tangina naman, Nico! Gasgas na yang linyang yan. Wala ka na bang maidahilan?! Nico naman. Akala ko ba hindi mo ko sasaktan? You promised that!"

"I-i'm sorry."

"Sorry?! Maiaalis ba nyan lahat ng sakit sa puso ko ngayon?! Hindi, Nico! Hindi mo maiialis yun. Ano bang problema?! Sabihin mo naman sakin. Nico, mahal na mahal kita. Minahal kita higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko pero bakit sinaktan mo pa rin ako?! Kahit pa rebound ako sayo, minahal pa rin kita! Pero b-bakit Nico? Bakit kailangan mo akong saktan?!" sabi ko habang sinusuntok yung dibdib niya.

"I'm really really sorry, Bettina."

"Aminin mo, minahal mo ba ako kahit katiting man lang?!"

"Yes, I love you, Bettina but some things were not meant for each other. Mahirap rin sakin tong ginawa ko. You're a wonderful girl but Bettina, I'm a mess. You don't deserve me. Nakabuntis ako. Ayokong masaktan ka that's why I'm breaking up with you."

"Sa ginawa mo, hindi ba ako nasasaktan?! Nico, handa naman akong tanggapin eh. Wag ka lang mawala sakin."

"Sorry Bettina. But I can't do that. My child and Lea, they need me."

"Kailangan rin naman kita Nico! You've been my bestfriend since then."

"I'm really sorry, Bettina. I know you can't forgive me but please forget your feelings for me. You deserve someone better. Yung hindi nakabuntis. Yung maibabalik lahat ng pagmamahal na binibigay mo. I love you. G-goodbye."

AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon