New One-shot ulit! Walang ma-iupdate e.
*****
"Teasing Her"
© lenmerch
*****
"Oo na! Oo na! Ang kulit mo! Sige pasok na ako bye!"
Sinara ko na ung laptop dahil kakatapos lang namin mag-chat nung kuya ko sa Canada. Halos mapatalon ako sa kaba ng makita ang bestfriend kong baliw pagkaharap ko. Oh well,parehas lang kaming baliw.
"Sinundo na kita. Bagal mo e,"
"Hoy! Excuse me! Ikaw ang pagong satin noh!"
"Tss,tara na baka mapagalitan pa tayo ni Mam San Diego kapag nalate tayo,"
Tumango ako sa kanya. Lumabas na kami ng bahay at nag-abang ng tricycle papuntang school. Di kami ganun kayaman para magkotse. Average lang ang family ko. Sumakay na kami ng tricycle at nagpunta ng school. Pagkababa namin syempre pumasok na kami at naglakad sa hallway.
Habang nagkukwentuhan kami ni Lorien may lalaking sumulpot sa harap namin.
"Good Morning Lorien!"
"Good Morning din,"
"Hoy! Andrew andaya mo! Kay Lorien ka lang nag-good morning!"
"Alam mo Clarrisse," Sabay akbay kay Lorien. "Magpataba ka nga. Mukha kang tingting. Payat payat mo," Sinamaan ko siya ng tingin. Akmang hahampasin ko na siya ng hawak ko ng bigla siyang kumaripas ng takbo. Naghabulan kami dun sa hallway kaya pumunta na si Lorien sa classroom. Muntik na kaming makabangga ng teacher kaya ayun pinagalitan kami. Mga naturingang 4th year na daw habulan pa rin ng habulan. Pumasok na kami ng room dahil baka makabangga na naman kami ng teacher. Buti na lang wala pa ung adviser namin,terror un e.
***
"Goodbye class,"
"Goodbye Ma'am!" Lalala~! Uwian na. Kung tatanungin niyo kung ano ung nangyari kanina? Wala naglesson lang kami. Puro pang-aasar na naman ang inabot ko kay Andrew.
"Hoy! Yhats sabay ako sayo," Yhats means payat daw. Kaya yan tawag niya sakin. Kulang na lang masakal ko na siya kanina sa pang-aasar sakin.
"OO NA!" Lumabas na kami ng room. Di naman kami cleaners e. Week by week kasi palitan ng cleaners namin. Naglakad na kami pauwi. Nagkatamaran sumakay ng tricycle e.
"Yhats libre mo nga ko!"
"Hoy! Andrew kapal ng mukha mo matapos mo akong asar-asarin kanina,papalibre ka ngayon? Hah! asa!"
"Damot neto!"
"Aba't ako pa ang madamot ngayon? Ibang klase ka rin no? Bahala ka nga dyan!" Naglakad na ako palayo sa kanya. Di pala nakasabay si Lorien,may di pa daw silang natatapos na group activity. Bwisit talaga un si Andrew! He is always teasing me. Walang araw na hindi ako inasar nun. Since elementary magkaklase na kami ng mokong na un kaya medyo sanay na ako kaso minsan he's getting on my nerves! Ansarap sakalin! Urghhh! Nagulat ako nung may humawak sa braso ko.
"Uy Clarisse,sorry na,"
"Hmp,bahala ka dyan sa buhay mo,"
"Sorry na please? Yhats naman,"
"Nagsosorry ka ba talaga o hindi?"
"Nagsosorry,"
"Tss,hindi halata,"
"Sorry na talaga,"
"Oo na!" Naglakad na kami. Binuhat niya ung bag ko para makabawi siya sakin. Nakauwi na din naman ako tsaka siya. His house is beside our house.
***
Umaga na naman. Bumangon na ako ng kama para gawin ang daily routines. Pagkatapos bumaba na ako.
"AyPusangGala!"
"HAHAHAHA!"
"Ang aga mo mambwisit ano?"
"Hahaha! Hindi naman!"
"Tsk! Ang aga mo ata ngayon. Himala,"
"Naman! Tara na!"
"Teka si Lorien?"
"Wala. Di daw papasok may sakit siya,"
"Uh okay," Lumabas na kami ng bahay para mag-abang ng tricycle.
***
"Bago nga pala ang lahat. Maiwan ang class officers mamayang uwian. May pag-uusapan pa tayo,You may now have your lunch," Lumabas na ung adviser namin. Hoo,lunchbreak na~! Pumunta na kami ni Andrew sa canteen para maglunch.
"Dami-damihan mo nga ang pagkain Clarisse mukha kang bangkay,"
"Leche ka talaga! Alam mo un?"
"Oo,"
"Urgh!!!" Kung pwede ko lang sapakin to!!
"Ang flat chested mo din pala!" Nagpantig ung tenga ko sa narinig ko.
"Ano bang problema mo sa buhay mo?! Lagi mo na lang ako inaasar! Wala naman akong ginagawa sayo!"
***
8 days. Yeah,8 days na kaming di nagpapansinan ni Andrew. Nagtataka nga nung una si Lorien kung bakit di ako inaasar ni Andrew. Kaya sinabi kong na-offend ako dun sa sinabi niya. Pero alam niyo ung weird? Namimiss ko ung pang-aasar niya. Nung Wednesday bati na sana kami kaso nung biglang nagtapat sakin si Dylan sa mismong harap niya bigla siyang umalis tas kinabukasan di niya ako pinansin. Nagtataka nga ako kung bakit e. Pero di ko naman pinatagal ung panliligaw ni Dylan kasi di ko naman siya gusto. Ayoko paasahin siya kasi si Andrew ang gusto ko. Oo si Andrew.
Naglalakad ako papasok ko sa campus ngayon. Nakakapagtaka bakit puro pula ung paligid. Di naman valentine's day tas walang mga tao sa mga room pero bawat room na madaanan ko may nakasabit sa pinto ng mga letters tas may rose. Kinuha ko naman ung rose ang cute kasi iba-iba ung color. Nagtataka ako kung bakit meron nun hanggang sa makarating ako sa dulo. Ang dulong letter ay R tas may white rose. Bakit naman R? At bakit white rose? Dahil malapit naman na to dun sa covered court pumunta na ako dun.
Halos mapanganga ako dun sa nakalagay sa may stage. Ang nakalagay dun ay
'ILOVEYOUFOREVER,CLARISSE'
Take note paper roses ang ginamit dun sa may mga letters para mabuo yon. Nagulat ako nung biglang may magsalita sa unahan. S-si A-andrew.
"Hello Clarisse. Sana magustuhan mo ung ginawa kong surprise para sayo. Sorry nga pala kung na-offend kita nung nakaraang linggo. Akala ko kasi natutuwa ka tuwing inaasar kita kaso sumobra na pala ako. Sorry din kung di kita pinansin ng ilang araw. Nasaktan kasi ako nung nagtapat sayo si Dylan lalo na't sa harap ko pa siya nagtapat. Dun ko lang narealize na mahal na pala kita. Kaya Clarisse,mahal kita,"
Biglang nag-give way ung mga tao. Di ko alam kung bakit hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa harap ni Andrew at nakayakap sa kanya.
"Mahal din kita,"
*END*
*****
10/21/13
