Soulmates
© Lenmerch
*****
"You may now kiss the bride." sabi nung pari.
Ngumiti ako at nagsimulang maglakad palabas ng simbahan. Kasal ka na ngayon sa babaeng mahal mo. Alam kong masaya na kayong bubuo ng sarili niyong pamilya. Sana maging masaya kayo.
Bago ako maka-alis sa simbahan muli akong lumingon. Naalala ko pa ung pangako natin dito mismo sa harap ng simbahan na to. Yung mga pangakong tinupad mo kasama ng iba.
Naalala ko nung una tayong pagtagpuin ng tadhana. Third year highschool tayo nun. Unang araw ng pasukan. Kasama ko ang mga kaibigan ko nang makita ka namin sa may bench. Napatingin ka samin pero tiningnan mo lang kami ng masama. Transferee ka nung mga panahon na un. Sobra mo ring sungit kaya walang ganong lumalapit sayo kaya naging ilag rin ako sayo nun.
Nung First grading lagi ka lang natutulog sa klase. Nagtataka nga ako nun kung bakit di ka pinapagalitan ng mga teacher natin. Pero kahit lagi kang natutulog lagi pa ring ikaw ang pinakamataas sa exam. Naisip ko nga minsan napapanaginipan mo ba ung tinuturo ng nga teacher natin. Una tayong nag-usap nung magkaron ng group activity,kagrupo kita non. Ako ang na-assign na leader. Ayaw mo kasing maging leader non. Ikaw pa nga ang unang kumausap sakin. Tinanong mo ako kung ano ang ipapadala ko sayo. Sa sobrang spaced out ko nun nasabi ko sayo na 'ikaw'. Tawa ka nga ng tawa nung mga panahon na iyon. Napakagwapo mo pag tumatawa ka. Mas bagay sa iyo ang tumatawa kesa palaging poker face.
Ung usapan na un nasundan pa. Hindi ka naman pala ganun kasungit. Naging close tayo nun. Nung second grading dahil sa mga trip nung mga kaklase natin tayo ang naging seatmates. Mas lalo tayong naging close. Madalas na tayong magkasama sa lunchbreak. Andami ko na ring nalaman tungkol sayo. Wala ka na palang tatay,namatay na. Naawa ako sayo nun pero sabi mo wag kitang kaawaan.
Yung mga kaklase natin inakala nila na tayo na. Tawa nga tayo tawa kasi hindi naman iyon totoo. Pero di ko alam unti-unti na pala akong nahuhulog sayo. Kaya nga tuwing inaasar tayo iniisip ko na sana totoong tayo na lang. Sabi nga ng iba good influence daw ako sayo bihira ka na kasi magsungit madalas ka ng nakangiti. Iniisip ko ako ba ang dahilan ng mga ngiti mo.
Nung JS Prom natin nung Third year inaya mo ako nun. Sobrang tuwa ko nun. Nagpaganda pa talaga ako. Nung araw na un dun ka umaming mahal mo ako. Kulang ang salitang saya para ilarawan ung nararamdaman ko nung araw na un. Nagpaalam ka saking manliligaw ka. Pumayag naman ako. Nagpaalam ka nga sa parents ko.
Nanligaw ka ng ilang buwan. Fourth year tayo ng sagutin kita. Inannounce mo pa nga sa buong eskwelahan un. Sobrang sweet mo nun. Lagi mo akong hinahatid sundo tas tuwing may activities inaantay mo ako o kaya itetext mo si Mommy o kaya si Daddy. Gustong gusto ka nga ng parents ko kaya nung nalaman na tayo na natuwa sila. Pinakilala mo rin ako sa pamilya mo. Natawa pa nga ako sa sinabi ng mama mo na hindi ka na torpe. Sa gwapo mong yan,torpe ka pala.
Pero di maiwasan na may maiinggit sa akin. Hearthrob ka kasi nun,madami kang fangirls. Nung minsang may magtangkang mang-away sakin. Sinabihan mo agad na itigil na nila yun dahil ako ang mahal mo. Grabe akong kinilig nung araw na un.
Natatawa pa nga ako sayo dati kasi pati ung teddy bear na binigay mo sakin pinagseselosan mo. Sabi mo un na palagi ang binibigyan ko ng pansin. Para kang bata nun kung magmaktol.
Nung Valentines nung Fourth year tayo sobra akong natuwa sa surpresa mo. Naiyak pa nga ako sa sobrang tuwa nun. Ginamit mo pa nga ung pagpapractice natin sa play sa surprise mo. Dinaig ko pa nga daw si Rapunzel sa haba ng buhok dahil sa surpresa mo.
Sinamahan mo rin ako sa pagiyak ko nung nawala ung aso kong si Twinkle. Kinabukasan nga birthday nating dalawa parehas tayo ng birthday. Binigyan mo ako nun ng stuff toy na aso para di ko mamiss si Twinkle. Ang regalo ko naman sayo nun ay scrap book ng mga memories nating dalawa. Napadaan tayo sa isang simbahan nun tas nangako tayo sa tapat nun na dun tayo magpapakasal kapag nakatapos na tayo sa pag-aaral.
Nung lumabas ung resulta dun sa exam na kinuha natin sa isang eskwelahan. Tuwang tuwa ako nun kasi parehas tayong pumasa. Inisip ko soulmates talaga tayo kasi biruin mo parehas tayo ng initials sa pangalan. Liz Michaela kasi ang pangalan ko ikaw naman Lance Micael. Parehas pa tayo ng birthday pati na rin ng mga hilig. Pero di pala lahat ng soulmates tumatagal.
College tayo nun. Ilang taon na rin tayo. Sweet ka pa rin pero di na katulad ng dati. Nung una sabi ko baka busy ka lang dahil parehas tayong graduating. Medyo lumalamig na ang pakikitungo mo sakin. Akala ko busy ka pero yun pala may iba ka na.
Magcecelebrate sana tayo nun ng anniversary natin. Balak kitang surpresahin pero ako ang nasurpresa. May kahalikan ka nun. Naibagsak ko pa nga ang regalo ko nun sayo. Kaya parehas kayong napatingin sakin. Di mo ako pinansin. Dun ako natauhan. Siguro nga di na ako ang mahal mo,nagsawa ka na kaya ako na mismo ang nakipaghiwalay sayo.
Gabi-gabi akong umiiyak dahil sayo. Dumaan ang graduation. Natanggap ako sa isang networking company ikaw naman natanggap sa isang malaking kumpanya. Pagkatapos natin grumaduate ng kolehiyo nawalan na ako ng balita sayo. Mabuti na rin un para mapabilis ang pagmomove-on ko. Ilang taon ang lumipas nakamove-on na ako sayo ng magkaron ulit tayo ng komunikasyon. Magkakaron kasi tayo ng highschool reunion. Nagsorry ka sakin nun kaya pinatawad kita.
Dumating ung araw na reunion ng batch natin. Akala ng mga kaklase nating tayo pa pero ang sabi mo hindi na dahil may fiancé ka na. Akala ko nakamoveon na ako pero nasaktan ako nung nalaman ko un. Pero pinakita kong di ako nasasaktan. Naging magkaibigan ulit tayo nun. Inimbita mo pa nga ako nun sa kasal niyo.
Dumating ung araw na un at ngayon un. Kasal na kayo ng babaeng mahal mo. Siguro nga soulmates tayo pero di tayo ang itinadhanang magkatuluyan. Tumalikod na ako naglakad palayo sa simbahan. Masaya na ako para sayo.
*END*
02/25/14
