Lame one-shot. Hahaha. Sabaw ng utak ko.
*****
"Friendzone"
© Lenmerch
*****
"Janine!"
Bumangon ako sa kama ko. Ang aga naman manggising ni Nay Linda. Kainis! Napuyat ako kagabi dahil tinapos ko ung pesteng reaction paper dun sa Romeo and Juliet na play. Peste talaga yung baklang teacher namin dun sa Literature. Bwisit. Wala namang pasok eh. Bat ba ako ginigising agad?! Dumiretso akong banyo at naghilamos tas nagmumog tas bumaba na ako.
"Anong itsura yan Janine? Ganyan pala ang Ms. Saint John Academy! Naka oversized t-shirt tas Spongebob na shorts." Napalaki yung mata ko. Tiningnan ko ung nagsalita. Sh*t! Si Sara! Anong ginagawa niya dito at ng buong barkada?!
"A-anong ginagawa niyo dito?!"
"Obvious namang pinuntahan ka namin. Nakakahiya pala ang itsura mo bakla!"-Zack (Bakla yan)
"Eh kasi naman po pupunta kayo dito ng walang pasabi. Tsaka duh? Kakagising ko lang! Alangan namang pagkabangon ko nakadress ako!"
"Teh feeling ko dapat umakyat ka muna. Wala kang bra eh."-Graze
Parang lahat ng dugo ko ay napunta sa mukha sa sobrang hiya. Umakyat agad ako para mag-bra. Naligo na agad ako baka kasi may pupuntahan kami. Nagsuot lang ako ng green shirt tas tokong tsaka flats.
"Oh bat ka nagbihis?"-Will
"May pupuntahan tayo diba?"
"Wala tayong pupuntahan. Tatambay lang kami dito,mag-oovernight na rin."-Kent.
Hay,Kent! Ang gwapo mo talaga! Kainis naman oh! Kahit naka simpleng black shirt at shorts tas gray na bonnet ang lakas ng dating niya. Tiningnan ko yung mukha niya. Yung mata nya brown tas ang haba ng eyelashes niya. Yung ilong niya sobrang tangos tas yung lips niya mamula-mula. Walang bahid ng pimples ang mukha niya.
"Tapos mo ng isa-isahin ang features ng mukha ko? Anong masasabi mo?"-Kent
"Gwapo." Ah sh*t. Ano yung sinabi ko? Distracted na naman ako sa presence niya. Nagtawanan ang barkada namin tas nagsalita si Graze. Babae nga pala si Graze.
"Ayiie. Ikaw Janine ha! Baka mamaya naiinlove ka na dyan kay Kent. May girlfriend pa man din yan."-Graze
Hay! Janine itigil mo na ang pagpantasya kay Kent. May girlfriend na yan. At wala kang panama sa girlfriend niyang si Christen. Ano bang panama mo sa katulad niyang matalino,maganda,malambing? Talino lang ang meron ka. Tch. Isang hamak na kaibigan lang naman ang tingin sayo ni Kent. Hanggang dun na lang iyon kaya tigilan mo na ang pag-asa Janine. Masasaktan ka lang.
"Huy! Bakla ka! Bat ka umiiyak?"-Zack
Pinunasan ko na ung luha ko. Pakshet bat ba ako umiiyak? Kainis naman oh.
"W-wala lang. Hehe." I laughed a fake one. "Nood na lang tayo ng movie. Papaluto ako kay Nay Linda ng pancakes."
Nagsiupuan sila dun sa sofa. Tas ako nagpunta ng kusina para sabihan si Nay Linda na magluto ng pancakes. Bumalik din naman agad ako. Umupo ako dun sa tabi ni Kent. Yun na lang kasi ang bakante. Bwisit tong mga kaibigan ko. A Walk To Remember pala ang pinapanood nila.
Nilapag ni Nay Linda yung juice tas pancakes tas umalis na siya. Dumating na yung nakakaiyak na part dun sa movie. Iyak din kaming mga babae including Zack. Babae daw siya.
