Angel of Love Pt. 2

34 3 0
                                        

"SERYOSO?!" Shet, b-bakit ung lecheng ex ko pa?! Bakit ung napakamanlolokong si Jude pa?! Badtrip! Pinagtitripan ba ako neto?

"Siya nga. Kulit neto."

"Baka naman pinagtitripan mo lang ako! Pano mo nalaman na soulmate ko yan? Susme! Niloko lang ako niyan."

"Second chance. Bigyan mo siya ng ganun."

"Lul lang. Second chance? Asa pa.  Ayoko ng maloko ulit."

"Mali kasi ung panahong naging kayo kaya walang pinatunguhan, naloko ka pa. Dapat kasi matuto kayong mga tao na antayin ung tamang oras para sa mga bagay bagay. Tss."

"Whatever. Hindi yan ang soulmate ko."

"Siya nga! Ang kulit mo naman!"

"Pero bakit siya? Susme naman!"

"Malay ko ba. Eh siya ung soulmate mo eh." Lord, ano po bang kasalanan ang nagawa ko sa past life ko? Pwede po bang iba na lang? Bakit si Jude pa?

"Hindi ko matanggap Matthew. Yung manloloko kong ex ang soulmate ko." T___T

"Tss. Maniwala ka nga sa kasabihan niyong mga tao na 'Love is sweeter the second time around'"

"Ewan. Bwisit ung nagimbento ng kasabihan na yan!" Tinawanan niya naman ako. Nakakairita ang anghel na to!

"Uh, Dea andito ka pala. Hi."

"Hi din. Kamusta?"

"Ayos lang naman. Sige una na ko.  Inaantay ako ni mama."

"Sige. Ingat. Ikamusta mo ako kay Tita Sabel!" Tumango siya tas nginitian ako. Shaks. Ang gwapo niya pa rin.

"Oh ano? Kamusta ang pakikipagusap kay ex?"

"Peste ka! Hoy bakit di ka napansin ni Jude?"

"Anghel ulit ako. Maiksi lang ang oras namin para maging tao."

"Ahh. Pero seryoso, nasan ang pamilya mo?"

"Bawal naming sabihin."

"Okay. Sayang naman." Pinagpatuloy ko ang pagkain. Naglibot kaming dalawa. Naisipan naming tumambay muna sa bookstore para magbasa. Kinuha ko ung isang teen fic book. Nagstart ako magbasa.

"Mahilig ka sa teen fiction book?"

"Ay panget! Makapanggulat  naman Matthew! Peste ka talagang anghel ka." Wala namang nakakapansin samin dahil medyo likod na part to ng bookstore. Nakakahiya kung may makakita samin dahil mukha akong baliw na kumakausap ng hangin.

--

Umuwi na kami at peste!! Ayoko ng kasama yang anghel na yan. Jusme kung san san nagsususuot. Bumili lang ako ng pabango tas biglang nawala na naman. Tss. Tapos nakakainis kasama sa arcade!

"Hoy! Dea!"

"Ano naman?!"

"Wala lang."

"Argh! Bwiset! Peste kang anghel ka!"

"Grabe ang sama!"

"Bwiset! Bahala ka na nga dyan! Matutulog ako."

Pinikit ko na ung mata ko pero di talaga ako dinadalaw ng antok dahil nagplay bigla sa utak ko ung paghihiwalay namin noon ni Jude.

Flashback

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Inayos ko ung buhok ko tas nagpaalam na ako kay manang. Pupunta kasi ako sa mall para bumili ng ibibigay kay Jude sa first anniversary namin. Madalang na kami magkita dahil college na. First year to be exact.

AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon