Chapter 6

466 18 2
                                    

[Take me to your heart again]

Chapter 6

"Wow!", parang batang bulalas niya ng makalabas sa sasakyan at makita ang ang buong paligid.

Nasa isang mataas na lugar sila at kitang-kita niya ang buong dagat. Kung hindi siya nagkakamali, mukhang nasa Batangas sila. Indeed, hindi sayang ang halos dalawang oras na biyahe nila ng masilayan niya ang buong lugar.

Totoo nga talaga ang sinabi ng binata sa kanya. She find this place really peaceful. Parang isang sanctuary. Malayo sa syudad. Malayo sa nakaka-stress na mundong kinagagalawan nila.

"Ang lamig!", sabi niya habang kinikiskis ang dalawang palad. Nakalimutan niyang nakadress siya at malaki talaga ang posibilidad na ginawin siya, to think na dagat pa ang pinuntahan nila.

Naramdaman na lamang niya na may nagpatong ng damit sa balikat niya. Napalingon siya. Pinatong sa kanya ng binata ang coat nito.

"Thank you.", nakangiti niyang sabi niya rito. Ngumiti lamang din ito sa kanya at tinabihan siya. Pareho nilang tiningnan ang napakagandang lugar na nasa harapan nila.

"How did you discover this beautiful place?", pagkaraan ay tanong niya rito. Ngumiti muna ito sa kanya bago sumagot habang hindi nito inaalis ang tingin sa buong lugar.

"I discovered this place by an accident.", sagot nito sa kanya.

"By an accident? You mean, naaksidente ka?", biglang ginulo ng binata ang buhok niya. Nagulat siya sa inakto nito.

"Nakakainis ka! Ginulo mo na naman ang buhok ko! Ano bang mali sa sinabi ko? Ano bang problema mo? Ang bayolente mo na masyado Troy.", tuloy-tuloy na sabi niya. Kay-seryo-seryoso naman kasi ng usapan nila pagkatapos bigla na lamang nitong gagawin ito? One thing is for sure, he's definitely unbelievable!

"Ikaw! Ikaw ang problema ko."

"Bakit ako?"

"Mali ka ng interpretasyon sa sinabi ko."

"Eh ano ba kasi ang ibig mong sabihin? Siyempre kahit sino sabihan mo ng linyang 'I discovered this place by an accident' 'tapos hindi mo pa dinugtungan, iisipin nga nila na naaksidente ka!" naiinis niyang sagot dito.

"Okay, okay. It's my fault. What i mean is, i discovered this place by an accident, nag-da-drive lang ako nang nag-da-drive noon hanggang sa mapunta ako rito. Now, you understand?", ngunit tinawanan lamang niya ng pagkalakas-lakas ito.

"Anong nakakatawa?"

"Ikaw! Hindi bagay sa iyo ang naiinis! Mukha kang bata!", pagkaraan, tumawa siyang muli.

"I'm trying to be serious here, Stacy"

Huminga siya ng malalim para hindi na muling matawa, baka kasi bigla na lamang siyang itulak ng binata sa dagat dahil sa pagkainis sa kanya. Masyado pa namang mataas ang kinalalagyan nila ngayon. Saka, mahal pa niya ang buhay niya at marami pa siyang gusting gawin.

"Hindi na po ako tatawa, mahal na hari.", muli na lamang siyang sumandal sa balikat nito.

"Promise Troy, napakaganda ng lugar na ito.", pa-maya-maya ay seryosong sinabi niya.

"Sabi na nga ba eh. Alam kong magugustuhan mo rito." Hinapit siya nito at inakbayan.

"Kailan ka ba huling pumunta rito?"

Take me to your heart again [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon