Chapter 3

627 19 3
                                    

[Take me to your heart again]

Chapter 3

Namangha siya sa nakita. The word beautiful was only an understatement to describe the place, because for her it was really great and gorgeous. Nasa kilalang Ocean Park sila, dito siya dinala ng binata. Kahit sabihin pang mas higit pa ang nakita niya rito lalo na at sampung taon siyang nanirahan sa America, she's still going to say that it was still the best here. Ipagmamalaki pa rin niya ang bansang kinalakihan niya. Marahil ay nadagdag na ang katotohanan na si Troy ang kasama niyang namasyal ngayon dito kaya masasabi niyang mas maganda rito.

"Bakit mo ako dinala dito?", pagkaraan ay tanong niya sa binata. Lumingon ito sa kanya na noon ay busy sa pagtingin sa buong lugar. Matagal itong sumagot bago ito lumingon habang nakapamulsa sa kanya.

"Wala lang. Iniisip ko lang na kahit sampung taon ka ng nanirahan sa ibang bansa at nakakita ka na ng maraming ganito doon, you're still going to choose here. Dahil mas maganda pa rin dito.", lihim siyang napangiti sa sagot ng binata. Lagi kasi talaga silang pareho kung mag-isip.

Naglakad siya nang naglakad habang tinitingnan ang iba't-ibang uri ng lamang dagat. Kumuha rin siya ng maraming litrato dahil balak niyang isali ito sa susunod na exhibit niya sa America.

Natutuwa siya dahil para siyang bumalik mula sa pagkabata. Ang mas masaya lang ngayon ay dahil kasama niya ang binata. To say the truth, she never experienced these kind of happiness noong nasa America siya. Bihira rin kasi siyang lumabas ng bahay doon. Lumaki siyang independent. Nakakapunta lang siya sa iba't-ibang lugar because of her passion and also her job.

Sa ganoong tagpo, naisip niyang nais niyang kamustahin ang binata. Nais niyang tanungin kung ano na ang nangyari rito. At higit sa lahat ay kung may nobya na ba ito. Gusto rin niyang humingi ng tawad para sa lahat-lahat ng nagawa niya. Kahit alam niyang ten years ago na iyon, para sa kanya ay parang kahapon lamang ito dahil sa bilis ng panahon.

Hindi siya baliw para sabihing wala na siyang nararamdaman para rito because she still have and she will always have. Hindi niya pinapansin ang mga lalaking nagpaparamdam sa kanya at ang mga lalaking laging nangungulit sa kanya sa ibang bansa dahil okupado na ng isang tao ang puso niya. Paano pa nga ba niya mapapansin ang ibang may balak manligaw sa kanya if after all these years, nakulong na lamang sa puso niya ang binata? But still, may isang bagay at isang katanungan pa rin ang gumugulo sa utak niya, "Ako pa rin kaya?"

"Kamusta ka na?", nagulat siya sa biglaang pagsulpot ng binata sa tabi niya. Hindi niya agad ito napansin, marahil masyado siyang naging abala sa pag-iisip ng maraming bagay.

"Okay lang.” Ngumiti siya rito. “Kung tungkol naman sa America, hindi naman masyadong boring. Nandoon ang passion at ang trabaho ko eh, ang photography. Pero nakakamiss pa rin, lalo na at masyado akong naging independent doon. Ikaw?" pagdudugtong niya.

"Better.", bigla siyang nasaktan sa sagot nito. Better nga ba dahil umalis siya?

"Naging independent din ako. Masyado kasi akong naging dependent sa iyo eh.", tumawa ito pagkatapos. Nakitawa na rin naman siya kahit ramdam niyang peke iyon. May gusto pa siyang marinig mula rito ngunit hindi niya naman alam kung papaano ito malalaman.

"A-ano nga pala ang ginagawa mo sa Mall kanina? Paano mo nalaman na nandoon ako?", Pagkuwan ay tanong na lamang niya sa binata.

"Best friend instinct." Napataas naman ang kilay niya.

Best friend instinct, bestfriend instinct, patuloy na gumugulo sa utak niya.

Pesteng best friend instinct iyan. Ngumiti na lamang ulit siya rito.

"Gusto mong totohanin ang 30 day na in-a relationship natin?", maya-maya ay pagtatanong niyang muli.

"Why not Stacy, besides we’re an item before. Sabi nga nila kagabi, katuwaan lamang. Wala namang masama kung gugustuhin ko rin na makasama ang best friend ko hindi ba? Oh, before i forgot, may pupuntahan nga pala tayo bukas. I mean, kasama ako dahil binigay sa akin ni Sophie ang schedule mo dito sa Pilipinas sa loob ng isang buwan."

Biglang kumulo ang dugo niya pagkarinig sa pangalan ng pinsan. Si Sophie talaga! Naisip niya. Humanda ito sa kanya pagbalik nito. Mukha kasing may balak itong i-pair-up siya kay Troy. How she wishes na nasabi niya noon dito kung sino ang best friend niya.

Because it's just great. Mukhang stock nga siya kay Troy sa loob ng isang buwan. Kung gaano niya gustong iwasan at layuan ang lalaki, mukhang mas lalo lamang silang pinaglalapit.

"Oh just great Stacy. Maghanda ka na.", usal niyang muli sa sarili.

"Hey Stacy hurry up!", narinig niyang kalampag ni Troy sa pintuan ng banyo niya. Naroon kasi siya ngayon at nag-aayos na lamang.

Mag-a-ala-sais pa lamang ng umaga. Hindi niya alam kay Troy kung bakit ang aga nitong pumunta gayong alam nitong alas-otcho pa ang trabaho niya.

Yeah, ito ang nakasulat sa schedule niya. Maski sa Pilipinas ay dinadala siya ng trabaho niya. Marami kasing nakaalam na umuwi siya ng bansa so marami rin ang gustong kunin agad siya. Knowing that, they're proud of her dahil sa sumikat nga siya kaya kinuha nila ang pagkakataon na iyon habang nandito siya. Si Sophie marahil ang pumayag sa mga ito kaya heto trabaho agad ang sinasabakan niya.

Mas lalo niyang ikinagulat na tototohanin nga ng binata ang sinabi nito kahapon. Bigla na lamang kasi itong sumulpot sa harap ng pintuan sa silid na pinagtutuluyan niya ngayon. Nakapameywang pa nga ito sa kanya, nakawagayway ang kalendaryong naglalaman daw ng gagawin niya for the whole month at pinapaalala sa kanya ang magiging schedule niya ngayong araw na ito.

Nagsuot na lamang siya ng signatured pants and t-shirt. This is her usual clothes when she have her work, but then, she make sure that she looks presentable. Ayaw niyang magmukhang kahiya-hiya sa harap ng binata.

Pero ano nga ba ang ikinakahiya at itinatago niya? Dati-rati naman ay kahit anong suot niyang damit ay ayos lang dito. Kung hindi lamang siya kalahating dakilang lokaret at gaga, nahihiya na kasi siya sa binata lalo na at alam niyang mas guwapo na ito ngayon. At ayaw niyang may masabi ang ilang tao na makakakita sa kanila na magkasama.

"Let's go.", utos sa kanya ni Troy pagkalabas niya ng banyo. Halos manlumo siya sa narinig, hindi man lang siya nito pinansin? Or kahit pinuri man lang sa hitsura niya? Ilang beses siyang tumingin sa salamin at sinigurado niyang maganda siya tapos ganoon lamang? Nagdadadabog siyang pumasok sa sasakyan nito.

"Hey what's wrong?", pagtatanong nito sa kanya.

"Wala."

"Kung wala, what's with that face?"

"Umalis na lang tayo Mr. Sarmiento.", biglang napatawa ng malakas ang binata dahil sa sinabi niya.

"Bakit mo ako pinagtatawanan?", angil niya rito.

"You're still the stubborn girl na kilala ko noon. Don't worry, sorry kung hindi kita pinuri. You look elegant kahit simple lang ang gayak mo. Hindi lang ako nagsalita kanina, sorry."

Tuluyan na rin siyang natawa. A true laugh indeed. Naging komportable na rin kasi siya sa wakas dito. Tila nawasak na ang napakalaking pader na nakaharang sa pagitan nilang dalawa.

Sa totoo lang ay nasisiyahan siya sa mga pangyayari. Mukhang naibabalik na kasi ang dati nilang pagkakaibigan. Kahit ang totoo ay gusto niyang mas higit pa doon ang mangyari, pinili niya munang pawiin ang iniisip na ganoon. Ang alam lang niya kasi ngayon, masaya siya.

"Let's just forget what happened before Stacy. Besides 10 years ago na rin naman iyon. Friends?" Napangiti siya sa tinuran nito.

"Let me rephrased it, best friends?", agad niyang dugtong dito.

"Best friends.", sagot sa kanya ng binata at nakipagkamay. Pagkaraan, nag-focus na ito sa pagmamaneho.

"The word best friend really sucks.", huling komento niya sa isip niya kasabay ng marahang pagpukpok ng mahina sa ulo niya bago siya nakatulog sa loob ng kotse nito.

--

Take me to your heart again [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon