Chapter 2

653 19 1
                                    

[Take me to your heart again]

Chapter 2

"Get ready na po para sa mga abay at mga principal sponsors, ayusin na po natin ang entourage. The wedding is about to start dahil nandiyan na po kasi ang bride.", nabaling ang atensyon ni Stacy sa babaeng nagsalita. Naisip niyang sa wakas ay magsisimula na rin ito. Ang tagal-tagal niyang naghintay sa simbahan at kanina pa nga siya naroroon. Ayon kasi sa invitation, one o’clock in the afternoon magsisimula ang wedding, but unfortunately they took almost thirty minutes after they finally said that it was about to start. To the fact na pagod siya sa biyahe noong isang araw dahil kauuwi lamang niya mula sa America. Dapat kasi noong nakaraang linggo pa siya nakauwi kaya nga lamang ay may kailangan siyang tapusin na photoshoot ng mga model doon. Isa na kasi siyang World Class photographer at sa America na siya ngayon nagta-trabaho at nakatira.

Tumayo na siya at pumunta sa dapat niyang puwesto. It's her cousin's wedding at isa siya sa mga abay, nakasuot siya ng pink overflowing dress na siyang motif ng kasal, mas lalong tumingkad ang ganda at kutis ng balat niya nang dahil sa damit. Hinanap na rin ng kanyang mga mata ang kanyang partner, hindi niya pa kasi ito nakikita magmula pa kanina. At lalong hindi siya napadalhan ng invitation dahil masyadong rush ang kasal ng pinsan niya kaya hindi niya kilala ang partner niya.

"Excuse me Miss, ikaw ba ang isa sa maglalagay ng veil?", narinig niyang tanong ng tumabi sa kanyang lalaki.

"Yeah.", tanging sagot niya. Hindi na niya pinag-aksayahan pang tingnan man lamang ito.

Nagsimula na ang seremonya at kumapit na siya sa braso ng partner niya. Hindi niya pa rin ito tinitingnan kahit nakaupo na siya. Paano naman kasi ay talagang naasar siya.

Naaasar siya sa photographer ng kasal. Hindi ito magaling at accurate kumuha ng litrato. Kanina pa niya ito tinitingnan at nakikita niyang laging mali ang paraan nito.

"Sophie, dapat on the first place ako na lang ang ginawa niyong photographer. Libre naman ang gagawin kong serbisyo sa inyo eh. Hindi kasi magaling ang nakuha niyo, believe me.", sabi niya sa pinsan noong inilalagay na nila ng partner niya ang veil sa dalawang ikinakasal. Tinawanan lamang siya nito, napasimagot tuloy siya.

Nagsimula siyang kumuha ng litrato noong nasa reception na sila. Wala na siyang pakielam kahit nakagown siya basta lamang ay makakuha lang ng litrato. It's her passion anyway, at walang makakapigil sa kanya kahit na sino.

Isa-isa niyang tiningnan ang mga litrato noong makakuha na siya ng medyo marami. Na-focus naman bigla ang paningin niya sa isang lalaki na naka-tuxedo. Isa ito sa mga abay at kung hindi siya nagkakamali, ito ang partner niya. Pamilyar ang hitsura nito para sa kanya pero parang hindi rin naman. Malayo kasi ang kuha nito kaya pinagwalang bahala na lamang niya.

Maya-maya ay tumabi sa kanya ang bride, ang pinsan niya. Nagulat na lamang siya nang bigla siyang hatakin nito.

"Hey Sophie, what are you doing?"

"Relax cousin, required ang mga abay dito.", hindi na lamang niya pinansin ang sagot nito at nagpatuloy na lang sa pagpapahila dito.

"Okay, ang tradition na pagsalo sa bulaklak ng bride ay lalagyan natin ng kaunting twist. Imbis na sasaluhin niyo ito, bubunutin niyo ito. May mga bulaklak akong hawak dito na nai-ready na namin kanina pa at kung sino ang makakakuha ng may pinakamahabang stem, siya ang mananalo.", sabi ng host sa kasal. To make the story short, siya ang nanalo. Ngunit nanalo nga bang maituturing? Basta kasi ang alam niya, naaasar ulit siya. Ang haba-haba pa naman kasi ng sinasabi, maaari naming tapusin na lamang para makapagpahinga na rin siya sa wakas.

Take me to your heart again [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon