Chapter 4

463 20 4
                                    

[Take me to your heart again]

Chapter 4

"Pakibawasan naman ng kaunti ang ilaw diyan sa kaliwa dahil masyadong nakakasilaw ehh, thank you.", sabi niya sa mga taong nandoon. So far ay so good naman ang trabaho niya rito ngayong araw. Naisip niyang ibang-iba talaga ang Pilipinas kaysa sa bansa kung saan siya nagta-trabaho at nakatira ngayon, walang masyadong reklamador. Kahit gaano katagal ang oras na gusto niya, walang ku-kuwestyon sa kanya at walang gaanong nagrereklamo.

"Okay, break muna tayo for 10 minutes. After that, paki-set-up na ang stage and iyong mga models dapat ready na. Pagbalik ko dapat tapos na iyan.", sabi niya sa mga nandoon pagkatapos niya sa isang model, pagkaraan ay tumalikod na siya. Pumunta siya sa pwesto ng binata dahil nandoon ang mga gamit niya.

"I can't believe that you have another side when it comes to photography. Nakakatakot ka Stacy.", natawa na lang siya sa komento ng binata. Tama nga naman kasi ito. Pagdating sa trabaho, sobrang seryoso talaga siya.

"Iyong inumin ko?", sabi niya habang kinakalkal ang laman ng bag niya.

"Heto oh, kanina ko pa iyan hawak pero hindi mo man lamang napansin." May himig na pagtatampo sa boses nito ngunit hindi na niya iyon pinansin.

"Thank you.", sabi niya at kinuha ang inumin. Nagpahinga pa siya ng ilang minuto doon bago muling tiningnan ang relong pambisig niya.

"Time to get back at work. Kung gusto mong pumunta sa pwesto ko, pumunta ka na lang okay? May isa pang upuan doon, pinalagay ko."

"Sige. Mamaya na lang ako lalapit. Ayos pa naman ako dito."

"Okay."

Pumunta na siya sa pwesto niya at s-in-et-up na ang camera niya. Napatingin siya sa stage at sa mga model, for a teen magazine and a love issue naman ang kukuhanan niya ngayon. So ang kailangan ay umarte na parang magkasintahan ang gagawin ng dalawang model na nandoon.

Nakuha naman niya ang tamang anggulo at posisyon para sa dalawang model ngunit pakiramdam niya pa rin ay parang may kulang. Parang kailangan ng karagdagan mula sa mga ito.

Connections naman ang kaagad niyang nakitang kulang sa mga ito.

"Please show some connections between the two of you. Parang magkaibigan lang kayo eh.", puna niya na may himig na pagkainis sa boses niya sa mga ito. Nakakailang ulit na kasi sila ngunit parang wala pa ring nangyayari.

"Hey what's wrong?", napalingon siya ng marinig ang tanong sa kanya ni Troy. Mabuti na lamang at lumapit ito sa kanya dahil kaunti na lamang ay mapuputol na talaga ang pasensiya niya.

"Can you see what's wrong with them?", turo niya sa dalawang model.

"Love issue iyan right? Pansin ko lang, hindi sila mukhang magkasintahan."

"Yeah, that's it! Bakit hindi nila iyon magawan ng paraan!" Kulang na lang talaga ay maihilamos niya sa buong mukha ang hawak-hawak na papel para mailabas ang pagkainis niya.

"Sorry po Miss.",  hinging paumanhin sa kanya ng dalawang models kaya kaagad namang napapreno ang katarayan niya.

"I think I have a better idea.", napatingin siya sa lalaki.

"Why don't we act as the models?", dugtong nito at literal na napanganga siya rito.

"Seriously?"

Take me to your heart again [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon