[Take me to your heart again]
Chapter 7
Narinig niyang tumawa muna ang binata bago ito sumagot. Hindi niya kasi ito tinitingnan dahil nahihiya siya rito dahil na rin sa mga ginagawa ng mga magulang niya ngayon.
"Technically we are. But the truth is, we're not Tita.", nakita niyang nagkibit-balikat na lang ang kanyang mga magulang.
"Stacy, you love him right?", hindi siya nakapagsalita sa sinabi ng Mommy niya. Hindi siya nakasagot ngunit ramdam niyang namula ang mukha niya.
"Oh, i already know the answer. Ikaw naman Troy, mahal mo si Stacy hindi ba? Alam na namin iyon, matagal na."
"Mom, please stop.", siya na mismo ang pumigil sa mga ito. Alam niya kasing hindi titigil sa kakaasar sa kanila ang mga magulang niya. Kung umakto naman kasi ang Mommy niya ay para itong pari na naghihintay na lamang ng palitan nila ng binata ng "I Do."
"Alyssa, tigilan muna ang mga bata.", her daid said pertaining to her Mom. Alyssa ang pangalan nito.
"Why? Hindi mo ba nakikita Ricardo? Bagay pa rin silang dalawa ng anak mo."
Napahawak na lamang siya sa noo niyang sumasakit na. Hindi niya inaasahan na magiging ganito kakulit ang magulang niya. To think na pinag-uusapan pa ng mga ito ang ganoong bagay sa harap nila mismo.
"Alam ko naman Alyssa na bagay pa rin silang dalawa, pero hayaan na lamang nating silang dalawa ang tumuklas nito."
"But you know what, we should help them. Pareho silang hindi nagsasalita tungkol sa nararamdaman nila para sa isa't-isa, Ricardo."
"Sige gawin mo iyan Alyssa, baka kapag umalis si Stacy ay maulit muli ang nangyari dati na bago siya bumalik dito ay aabutin pa ulit siya ng sampung taon. Hindi ko na makakaya pa iyon."
Sukat doon ay sumingit na siya sa usapan ng kanyang mga magulang. Hinawakan niya pareho ang mga kamay nito.
"Mom and Dad believe me, hindi ko na po uulitin iyon. Alam ko pong nahirapan tayo pare-pareho dahil sa ginawa ko kaya hindi ko na po ulit gagawin iyon." puno ng kasiguraduhan na sinabi niya.
"Oh Ricardo, hindi naman na pala gagawin ng anak natin iyon. I think we should contact Troy's parents, magpatulong na tayong gumawa para sa wedding invitations nila." napuno na lamang ng tawanan ang muling biro ng Mommy niya.
"Bago ko makalimutan." narinig niyang sabi ng Daddy niya. Natuon rito ang buong atensyon nila. "Sa akin naipadala ang invitation para sa reunion niyo ng High School batchmates niyo, Stacy." kaagad naman siyang napalingon kay Troy na noon ay umiinom sa baso nito.
"May reunion tayo Troy?" tumango lang ito bilang sagot sa kanya.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" inilapag nito ang baso bago sumagot sa tanong niya.
"Noong isang araw ko lang din naman nalaman dahil nga busy din ako and besides hindi ko pa nabubuksan iyong invitation." napatango na lamang siya. Bigla niyang naalala ang sinabi ng ama tungkol sa reunion at kaagad na napakunot-noo siya.
"Paano nga po pala napunta sa inyo ang invitation?" tanong niya sabay baling sa mga magulang. Nakita niyang kaagad na nataranta ang hitsura ng ama niya. Ang ina naman niya ay parang natatawa.
Naisip niya kasi na napakaimposible itong maibigay sa mga magulang niya dahil halos lahat naman ng naging batchmates niya ay hindi kilala ang mga ito. Kung sa pinsan niyang si Sophie pinadala ito, baka sakali pang hindi siya magduda.
BINABASA MO ANG
Take me to your heart again [FIN]
DragosteFinished ǁ Let's deepened their curiosity until they say, Take me to your heart again.