Chapter 9

461 18 2
                                    

[Take me to your heart again]

Chapter 9

Sumbat. Sumbat na siguro ang pinakaayaw niyang marinig sa buong buhay niya. Ang sumbatan siya ng isang taong wala rin naman alam sa mga nangyari at pinagdaanan niya sa buhay niya. Mas gugustuhin pa niyang murahin na lamang siya o hindi kaya ay saktan na lamang kaysa marinig ito sa taong pinagkakatiwalaan niya, at higit sa lahat sa taong mahal niya. Ang sumbatan siya ng taong kahuli-hulihang iisipin niya na gagawin sa kanya ang mga bagay na iyon ang pinakaayaw niyang mangyari.

She's trying to mend her broken heart from the most evil person she ever met, Troy Sarmiento. Wala na siyang balak magpakita rito, para saan pa nga ba iyon? Para ipakita ba rito na matatag siya? Na kaya niyang harapin ito? Masyado siyang nasaktan para gawin ang mga bagay na alam niyang to-torture sa buong pagkatao niya. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Napakabigat ng pakiramdam niya. Siguro nga at napakasama niya ten years ago kaya iyon ang naging kabayaran niya ngayon. Siguro nga, she deserves it. She really deserves it.

But still, she can't believe that she can still manage herself after all these things that had happened to her. Nakuha pa rin niyang mag-trabaho himbis na mag-isip-isip muna. Maybe, the reason why she can do her job again was her cousin Sophie. Nandito na ito kaagad sa bansa kasama ng asawa nito, at pagkalapag na pagkalapag pa lamang ng eroplanong sinakyan ng mga ito, pinuntahan kaagad siya ng pinsan niya.

Isa sa mga taong nagpatatag sa kanya sa loob ng sampung taon na hindi niya nakasama ang magulang ay ang kanyang pinsan, kaya hanggat maaari ay ayaw niyang madi-disappoint ito at madadamay sa mga problema na kinakaharap niya.

"Closer, on my count 1, 2, 3." tiningnan niya ang litratong nakuha niya. Hindi masyadong maganda ito at sobrang layo nito sa inaasahan niyang magiging resulta ngunit kahit papaano ay maayos pa rin namang tingnan. Besides, wala na rin naman na siyang balak na magpaulit-ulit kaya hahayaan na lamang niya. She’s tired physically and most of all, she’s tired emotionally. Ganoon din ang nangyari sa ibang mga models na kinuhanan niya. Palaging hanggang tatlong take lamang ang ginagawa niya, malayong-malayo sa dating kinagawian niya. Marahil napansin ng kanyang pinsan na si Sophie ang ginagawa niya, nilapitan siya nito at kaagad na kinuha ang camera mula sa pagkakahawak niya.

"What is this Stacy?" tumingin naman siya sa pinakita nito sa kanya.

"Sophie, malamang litrato iyan." hinawakan niya ang sentido niya at marahang minasahe ito.

"Don't state the obvious Stacy. Alam kong litrato iyan, what i mean is, anong kuha ito? Alam nating dalawa na malayo ito sa inaasahan mong anggulo na makukuha mo mula sa mga models. Seriously Stacy? Puro three takes lang?" kinuha na lamang niya ang camera niya mula rito.

"I don't care. Ayusin mo na lamang ang mga models."

"No." matigas na turan nito.

"What?" ngunit hindi siya pinansin nito. Tinalikuran siya nito at kaagad na sumigaw.

"Let's call it a day. Magpack-up na kayo." hinablot niya ang braso nito.

"Ano bang problema mo Sophie?"

"Mali ka ng tanong. Dapat, ano bang problema mo Stacy?" natahimik at natigilan naman siya bigla sa sinabi nito. "You're not the Stacy that i used to know before. Hindi ikaw iyan kapag nasa trabaho ka. Hindi ikaw iyan kapag hawak mo ang camera mo. At higit sa lahat, hindi ikaw iyan kapag ang sinasabi mong passion na ang pinag-uusapan natin." Matagal siyang nanataling tahimik bago muling nakasagot.

Take me to your heart again [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon