Chapter 8

457 17 0
                                    

[Take me to your heart again]

Chapter 8

"Seriously? Wow, that's really nice." papuri niya rito kasabay ng ngiti niyang aabot na hanggang sa tenga niya. Huminga siya ng malalim at nilanghap ang sariwang hangin.

"Do you stil remember before that you always brought me to different places just to surprise me?" pagbabalik-tanaw niyang sabi rito.

"Oo naman, palagi kong naaalala iyon. Just to make happy the crying Stacy before, kailangan ko pang mag-hanap ng iba't-ibang lugar at mga bagay na magaganda para mai-suprise ka at maging masaya ka na." Tinulak niya ng mahina ang balikat nito.

"Hey, i am not a crying Stacy before okay?"

"You are. Naalala mo ba noon nang mga bata pa tayo? Noong una tayong magkakakilala, pinakita ko lang sa iyo iyong mga nakaitim na mga lalaki noon ay tumakbo ka na kaagad sa likod ko, biglang umiyak at sumigaw ng 'Mommy!'" tumawa pa ito pagkatapos sabihin iyon.

"Nagsalita ang hindi umiyak nang araw na iyon." ganting sabi niya rito at tumawa rin siya.

"Yeah, but that was before. Eversince na naging magkasama tayo, kahit kalian ay hindi na ako umiyak hindi ba?" tila seryosong sagot nito sa kanya.

"Oo nga ano?" pagsang-ayon na rin niya rito, kasabay ng pag-iisip niya ng mga nangyari pagkatapos nang araw na iyon. Idagdag pa kung ano pa ang mga nangyari pagkatapos ng ilang taon nilang pagiging magkasama. "Hindi na kita nakitang umiyak noon, though naging mahina ka pa rin dahil may asthma ka." dugtong niya. Matagal itong napatigil bago sumagot sa sinabi niya.

"Nagbago ako dahil sa isang tao, binago ko ang lahat ng alam kong mali sa sarili ko dahil sa kanya. Para maisip ko na mapapantayan ko na rin siya sa wakas sa kung ano man ang meron siya. Alam mo ba kung sino ito?" pagtatanong nito na diretsong nakatingin sa mga mata niya.

"S-sino?" sagot niya habang mas lalong nararamdaman ang malakas na kabog na nagmumula sa dibdib niya. Tumingin muna ito sa ibang direksyon bago sinagot ang tanong niya.

"Ang pangalan niya ay Stacy Aquino."

Kahit alam niya sa sarili niya na siya ang tinutukoy nito, hindi pa rin siya nakapagsalita ng sumagot ito. Na-pipi siya, paulit-ulit na napi-pipi siya dahil lamang doon. Huminga na lamang muli siya ng malalim.

"Bakit siya?" Siguro nga ay maaari siyang magmukhang tanga dahil himbis na sabihin ang salitang 'ako' para tukuyin ang sarili niya ay 'siya' pa rin ang ginamit niya. Marahil, doon siya mas komportable upang mas makausap pa ang binata.

Napansin niya ang pagkunot ng noo nito. Hindi siguro nito inaasahan ang isinagot niya. Sa sinagot kasi niya, nagmumukhang ibang tao siya at hindi niya kilala ang may pangalan na Stacy Aquino.

"Bakit siya? Simple lang, because she is the only one who I loved the most inspite of the fact that she only treated me as her best friend. Na kahit anong pilit kong baguhin at kung anong pagbabaligtad ko ng pangyayari ay hanggang doon na lamang pala iyon. At higit sa lahat, dumating na pala sa puntong hindi na pala ako nagtira para sa sarili ko." napatawa siya ng mapakla ng sinakyan nito ang ginawa niya. "Siguro nga tama sila na kung magbabago ka, dapat para sa sarili mo at hindi para sa ibang tao. Dahil mas masasaktan ka lang pala oras na iyong dahilan ng pagbabago mo ay biglang umalis na wala man lamang kahit isang pasabi para sa iyo."

"Lahat ng bagay may dahilan. Inalam mo man lang ba kung bakit bigla siyang umalis?" sagot niya rito. Tutal naroon na sila sa puntong pinag-uusapan ang nakaraan nila, panahon naman na para ipagtanggol niya ang sarili niya. Ang hindi lamang niya inaasahan ay ang mga sinasabi nito, na sa pakiramdam niya ay para bang sinusumbatan na siya nito sa lahat ng nagawa niya.

Take me to your heart again [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon