[Take me to your heart again]
Chapter 5
"Bakit ang bagal mo magmaneho?", maya-maya ay tanong niya kay Troy. Para ba kasing wala silang pupuntahan ngayon, to think na late na sila para sa party.
"Maaga pa.", iyon lang ang tanging isinagot sa kanya ng binata.
"Maaga pa? Are you serious Troy? Ang nakasulat kaya sa invitation, 5:30 in the afternoon ito magsisimula. Anong oras na? It's already 6 o'clock na kaya."
"Don't you trust me?"
"Huh?"
"Stacy, nasa Pilipinas ka. Wala sa America. Believe me, don't you remember filipino time?", agad siyang natigilan sa sinabi nito. Pagkaraan ay nakitango na rin siya, naisip niya na may punto rin naman kasi ito.
"Sabi ko nga, tama ka eh."
"You still act like a little child Ms. Stacy."
"I am not Mr. Troy."
"You are."
"I am not."
"You are."
"What ever.", she said and then she rolled her eyes.
"See? Para ka talagang bata."
"Nakakainis ka."
Napansin na lamang niya na biglang huminto ang sasakyan. Tumingin siya sa paligid, nandito na pala sila ngayon sa venue.
Saktong paglingon niya sa binata, agad nitong hinawakan ang ulo niya at ginulo ang buhok niya. Pagkaraan, mabilis itong lumabas ng sasakyan.
Naiwan siyang nakatulala sa loob ng kotse. Nang mahimasmasan naman siya, bigla siyang lumabas ng sasakyan at sinigawan bigla ang hindi pa nakakalayong binata.
"I really really hate you Troy!", humarap ito sa kanya at kumaway pa habang pinagtawanan lamang siyang muli nito. Inayos naman niya ang konting gulo sa buhok niya, pagkaraan ay sumunod siya rito at kumapit sa braso nito. In the end of their conversation, she found herself laughing also, and finding his gestures, really sweet.
"Kanino nga ulit na party ito?", pagtatanong niya kay Troy nang makapasok sila sa loob ng isang hotel kung saan idinaos ang pagdiriwang.
BINABASA MO ANG
Take me to your heart again [FIN]
RomanceFinished ǁ Let's deepened their curiosity until they say, Take me to your heart again.