Chapter 5

2K 120 5
                                    

DAHLIA'S POV

Matagal din bago ito umimik, nakatitig lang kasi ito sa akin akala mong nakakita nang multo.

"Ehem... Mr. Richards?" pormal na sabi ko at mula doon ay bumalik na ang tingin nito sa akin.

"Swe... D-Dahlia.... Anong ginagawa mo dito?" wala sa sariling sabi nito. Alam kong muntik na nya masabi ang sweetheart which is ang tawag nya sa akin dati. Pero parang bago sa pandinig ko ang tawagin nya ako sa tunay kong pangalan.

"So... pinakilala na ako ni Chris kanina. Di mo ba maalala?" sabi ko dito. Nangunot naman ang noo nya.

"I... Ikaw si Ms. DM?"tanong nito at tumango na lang ako. Bakit parang mahirap nyang iabsorb na ako si Ms. DM.

"Impossible!" nagulat ako sa pagsigaw nya at sa paghampas nya nang mesa kaya napalayo ako dito at bumalik sa upuan ko.

Naglakad lakad ito sa opisina ko at kung ano ano ang sinasabi. Napailing na lang ako, galit na galit ito sa akin.

"Pwe... Pwede bang maupo ka muna? Ano gusto mo coffee, juice or water?" sabi ko dito. Napahinto naman sya sa pagpapabalik balik at masama ang pagkakatingin nito sa akin.

"Wala akong panahon sa mga iyan! Aalis na lang ako!." sabi nito at dinampot ang portfolio ata nya na naibagsak nya kanina at nagsimulang maglakad sa pintuan. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at tinakbo ko na ang space na namamagitan sa aming dalawa at niyakap ito patalikod.

Bigla naman itong natigilan sa ginawa kong pagyakap  Natuwa ako sa hindi nya pagtanggal nang pagkakapulupot nang kamay ko sa kanya pero sandali lang pala iyon.

"Stop this! Stop what your doing!" napangiwi ako dahil mabilis nyang nakalas ang pagkakayakap ko sa kanya at mahigpit na nitong hawak ang braso. Ayoko namang ipakita na nasasaktan na ako.

"A... Alam kong ga...lit ka sa nangyari noon... Pero ginawa ko iyon dahil ayokong maging pabigat sa buhay mo. Inaalis ko sayo ang kasiyahan mo sa showbiz na napapabayaan mo na nang dahil sa akin... Lalo na ginawa ko iyon para sa kasiyahan mo!" sabi ko dito. Mabilis nitong binitawan ang braso ko na ngayon ay sapo sapo ko.

"Kasiyahan? Nino ba? Kasayahan ko o kasiyahan mo?! Bakit sa tingin mo ba hindi ako masaya sa piling mo noo? Hindi mo ba naisip na kaya ako nandoon sa tabi noon eh dahil masaya akong kasama ka?! Na masaya ako na sa paggising mo at pagtulog mo ako ang una't huli mong nakikita?! Sa tingin mo ba hindi talaga ako naging masaya?!" sabi nito habang hinahabol ang hininga. Halata sa kanyang mga mata na galit na galit sya sa akin... Kahit ayokong umiyak eh may ilan paring luha na kumawala... Dahil hindi ko naisip na tama sya...

"Gi... ginawa ko iyon para sa iyo. Maniwala ka man at sa hindi ang kagustuhan ko lang ay bumalik ka sa mundo kung san ka nabibilang at hindi iyon sa tabi ko dahil pag ka nandyan ako sa tabi mo puro kamalasan lang ang hatid ko sayo, puro kapahamakan ang dinadala ko at dahil din sa akin kaya nagawa iyon nang lola mo. Kahit hindi ko pa alam ang mga bagay na iyan nang mga panahon na iyon. Alam ko na oras na noon para bitawan mo na ako." deretso kong sabi sa mata nito. Pero tinalikuran lang ako nito at tinawanan.

"Ayos lang naman sa akin noon ang mapahamak Dahlia eh. KAsi in the first place ako ang nag aya sayo noon para magpanggap tayo at responsibilidad kong protektahan ka... Pero hindi lang iyon ang rason. Pinili kita kasi  mahal kita Dahlia... Mahal kita!" sabi nito. Nagulat ako sa direkta nitong sinabi. Noon kahit hindi nya sabihin at kahit hindi ko naaalala ang lahat nararamdaman kong mahal nya ako. Pero iba pa din talaga pag direkta sinasabi.

"Mahal din naman kita!" sabi ko dito pero inilingan lang ako nito.

"Hindi mo ako mahal Dahlia... Hindi mo ako minahal. Kasi kung sakaling mahal mo nga ako, sana naging selfish ka man lang. Sana hindi mo na lang ako pinagtulakan. Tell me Dahlia, after all those months bakit bigla mo man lang ako pinagtulakan? " sabi nito at halata ang lungkot sa mata pero nawala din ito agad.

"Hindi kasi ganoon kadali iyon noong mga panahon na iyon. Kahit sabihin ko iyon sayo ngayon baka hindi mo maintindihan at ayokong maging selfish Alden. Kahit mahal k... kita ayokong itali ka sa akin. Ayoko." sabi ko dito. Napangisi na lang ito.

"You don't know the meaning of love Dahlia... Kaya please lang wag mong paulit ulit sabihin ang salitang yan nakakarindi na." nagulat ako sa sinabi nito

"It's all in the past anyway. Kalimutan na natin iyan. Meron na tayong iba't ibang buhay at nagbabago din naman ang nararamdaman" malamig na sabi nito at sinagot ang telepono nya nang bigla itong tumunog.

"Yes... Palabas na ako... sasabihin ko na lang sayo mamaya... Bye." sabi nito at nilingon na ulit ako.

"Thank you for the invitation Ms. DM. But I guess being in Lium Fashion is not for me. Good day." sabi nito at tuluyan nang isinara ang pinto.

Naiwan akong nakatanga sa harap nang pintuan at nakatulala.


 ' It's all in the past anyway. Kalimutan na natin iyan. Meron na tayong iba't ibang buhay at nagbabago din naman ang nararamdaman'  


Ano pa nga ba ang ineexpect ko? Na ganoon pa din sya sa akin... Na mahal nya pa din ako... I'm so pathetic right now...


"Mam?" nag angat ako nang tingin. Si Chris pala.

"Are you ok mam?" tanong nito at inalalayan akong makatayo at inaakay paupo sa swivel chair ko.

"Ye... Yeah I'm fine." sabi ko dito. Pumunta naman ito sa pantry at lumabas na may dalang tubig. Inabot na din nito sa akin at dali dali ko iyon ininom.

"Does it hurt?" sabi nito. Nagtaka naman ako at kung ano ang tinanong nito at tinuro naman nya ang braso ko. Tinignan ko naman ito at nakita kong naguumpisa na itong magkapasa. Binaba ko na lang ang sleeves ko at hinarap ito.

"I'm fine. Is the venue already ok?" tanong ko dito at binalik ang pagpirma ng mga papers para sa event na kailangan nang approval. 

"Yes, just a few more location siting and they will send the papers for you to sign." sbai nito at tumango na lang ako. Ang problema lang ngayon ay wala na yung main model. Isa lang sa dahilan kung bakit ko sinama si Alden sa Fashion, bukod sa he deserve it at iyon din ang napagbotohan nang ipresent ko sya. Gusto ko lang talaga makausap nang masinsinan si Alden... nang walang galit. Pero mukhang impossible iyon ngayon.

"We still have many candidates to be the main model this year. Here's their files." sabi nito at nilapag ang isang clear book sa gilid nang table ko.

"No... Hindi tayo magbabago nang main model." diretsang sabi ko. Kumunot naman ang noo nito.

"But mam... The main model itself doesn't want to be the model." sabi nito. No that's just his cover. Nakita ko sya sa CCTV kanina and he's admiring the main models we had for the past five years. Galit lang siguro sya kaya ganoon and the fact na ako si Ms. DM.


"He's still our model and that's final." sabi ko dito at binalik na ang atensyon sa pagpirma.


If I have to chase you on my own power. Gagawin ko. 



Getting Back Mr. Richards (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon