Chapter 9

1.9K 127 6
                                    

DAHLIA'S POV

"OK... Angelina! Walk faster! Sophie move the dress a little to the sidee... there..."sigaw nang organizer para sa fashion show. Nakahanda na ang lahat kaya ngayon ay rehearsals na nang mga modelo. Pero hindi pa sa actual na lugar ang practice kundi sa isa sa mga kwarto nang Lium Fashion Inc. eto na ang pinakamalaki sa lahat kaya dito nila napagpasyahan na ipractice ang mga modelo.

 eto na ang pinakamalaki sa lahat kaya dito nila napagpasyahan na ipractice ang mga modelo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

As usual hands on si Dahlia at nanunuod lang ito sa gilid. Nakaayos na din ang mga damit at nakatago na. Kangina pa din ito napapangiwi sa kadahilanang ayaw nitong may nakikitang may nakalingkis sa mga braso ni Alden... Wala naman syang magawa at baka sermunan sya ni Mother Mae, yung organizer. Pero ayaw nya talaga sa idea na may ibang babaeng lumalapit kay Alden at mukhang hindi naman nito pinapansin at patuloy lang sa pakikipagusap sa mga babaeng modelo.

"I bet those women are already dead in your mind right?" napabaling ako kay Chris nang nagsalita ito. sobra ba ang pagkakatitig ko dito at nahalata na ni Chris? Pero totoo naman kasi. Kangina pa may namurder sa utak ko. Andoon na nga din ang mga pulis eh.

"Yeah right. Good thing your here. I thought you already melted because Henry's looking at you all day." nakangisi ko pang sabi dito. Tinignan lang nito si Henry na hanggang ngayon ay nakatitig pa din sa kanya at inalis din nito ang pagkakatitig.

"It feels that there is something happening between the two of you... Care to share?" Binalik ko na din ang titig ko kay Alden na ngayon ay may humahawak hawak pa sa dibdib nya. Aba hindi ko na napigilang tumayo. Hindi ko na din nadinig ang sagot ni Chris dahil nagumpisa na din akong maglakad rather takbo palapit sa mga ito. Nadidinig ko naman si Chris na tinatawag tawag pa ako.

Pagkalapit ko sa mga ito. Tinitigan lang ako nang babae at ni alden pero ang babae ba naman ay tinaasan lang ako nang kilay at inirapan pabalik kay Alden. Si Alden naman ay mukhang naaasiwa na sa makulit na babaeng to.

"Excuse me... this place is a working area. Kaya kung wala kang balak tigilan iyang ginagawa mo mas mabuti pang sa club ka maghanap nang kakamot sa kati mo at willing magpahimas sa dibdib. " naka taas kilay ko pang sabi. Tila nainis naman ito at binitawan nga si Alden pero ako naman ang hinarap at pinamewangan.

"Sino ka ba miss? Staff? Organizer? Bakit ka ba nangangailam?!" sabi pa nito nagngingit ngit. Tuloy nakikita ko ang hindi pantay pantay na ngipin nito at manilaw nilaw pa.

Also... walang nakakakilala na ako si Ms. DM. Tanging mga director, mga assistant ko at ilang friends ko dito ang nakakaalam.

"Kung sino ako ay wala ka nang pakialam. Kaya please lang kung ayaw mo mawalan nang trabaho ay umayos ka. Also... minsan try mo din magtoothbrush. Akala ko nakita ko si spongebob sa ngipin mo. Madilaw kasi." mas lalong namula ang babae sa inis at nakita ko namang natawa si Alden sa gilid pero binawi din ito nang lingunin sya nung babae.

"Ha! How dare you! Don't you know me?! I'm Elize Turner. Isa akong sikat na modelo para lang pagsalitaan mo nang ganyan. Hampaslupa!" nagpantig ang tenga ko sa sinabi nito. Mukha namang natuwa ang babae sa reaksyon ko. Madami na ding nagbubulong bulungan sa paligid. Meron pa nga akong narinig na hanapin daw si direk.

Getting Back Mr. Richards (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon