Chapter 14

2K 117 7
                                    

THIRD PERSON'S POV

Umalis din sila nang araw na iyon. Kahit ang mga kapatid nito ay gustong sumama pero hindi pede dahil kakaumpisa pa lang nang pasukan nang mga ito ay hindi din maari.

Sa isang private plane sila sumakay dahil na din madaming tao ba na pagtitinginan sila sa eroplano at sabi din ni Alden ay ayaw nya nang madaming tao dahil mawawalan daw silang privacy. Hindi na din sya nagulata nang may private plane na itong nakahanda.

Ilang oras lang ay nakadating na agad sila sa airport at may coaster na naghahantay para sa kanila.

"So.... san tayo bibili nang damit?" napalingon sila kay Henry dahil silang dalawa ni Alden ang magkatabi at sa likod ang dalawa.

"Manong? may malapit bang mall dito?" tanong ni Alden sa driver.
"Ay oho ser! Deretso ho ba tayo doon?" sabi nito.
"Yes manong. Para naman manahimik na ang isang tao dito." sabi ni Alden at ibinalik ang tingin sa labas nang coaster. Habang ako ay eto walang makausap. Mas mabuti pa atang asa kwarto lang ako. Atleast doon kausap ko yung pader at may nauumpugan ako ng ulo.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko sa bintana... matutulog na lang ako... Hindi din kasi ako masyado nakatulog sa eroplano.

Hindi ko din alam kung gaano ako katagal nakatulog basta ang alam ko lang ay komportable ako sa hinihigaan ko.

"Masyado ka naman ata natutuwa sa pagakap sa braso ko?" hmm... kelan pa nagsalita ang unan ko? tsaka bakit matigas?

Dahan dahan kong nilingon kung san nanggaling iyong nagsalita at napangiwi ako nang makita ko ang sarili kong akap akap pa si Alden... braso ni Alden...

"Ah... eh... sorry..." Binitawan ko din sya agad at inayos ko ang buhok ko at damit. Inayos naman nito ang damit nya at inikot ikot pa ang braso. Nangalay ata.

Tinignan ko kung asan na ba kami... Nasa parking lot.

"Asan na sila Chris at Henry?" tanong ko kay Alden. Pati si manong wala.

"Nauna na sila sa loob. Sasama na din sana ako sa kanila kung hindi lang may tukong ang higpit nang kapit sa braso ko." sabi pa nito. Lumabas na din itong sasakyan at nagunat. Sumunod na din ako sa kanya at inayos ang aviators at sumbrero ko. Baka may makakilala sa akin.

Si alden din ay may suot na cap at aviators. Nauna na syang lumakad kaya nakasunod lang din ako sa kanya.

Entrance pa lang ay madami nang tao kaya medyo nahuhuli ako nang lakad kay Alden. Matangkad kasi ito at mabilis maglakad habang ako napagiiwanan.

Bigla akong nagulat nang may humawak sa kamay ko. Tinignan ko kung kanino iyong kamay.

"Baka mawala ka pa." sabi lang nito at hinaltak na ako sa paglalakad.

Nakatingin lang ako sa likod nito na magkahawak ang kamay namin. Gusto kong kuhanan nang picture!!! Alam kong namumula na din ako at kinikilig. Shocks! I need to picture this!

"Alden!" napahinto kami nang sumigaw si Henry. Napatingin din naman kami sa gilid at nakitang madaming tao ang nakatingin sa amin. Nagbubulungan.

Agad kaming lumapit kila Henry at Chris na may mga bitbit ng mga plastic.

"Wag mo ngang pinagsisigawa ang pangalan ko! Pgaka may nakakilala pa sa akin dito nunka! Manager pa man din kita!" sabi nito. Kinamot lang naman ni Henry ang ulo nya.

"Here." may inabot sa aking plastic si Chris.
"What's in this?" binubuklat ko pa ito.
"Ah... Bikini? Also a slippers." sabi nito. Bigla akong pinamulahan.
"You shouldn't buy me one. I can just wear a shrist and a shorts." sabi ko pero inilingan lang ako nito.

Getting Back Mr. Richards (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon