Chapter 8

1.9K 114 7
                                    

DAHLIA'S POV

After that night, hindi ko na nakita si Alden pagkalabas ko nang restaurant. Hindi na ako nagtataka nagalit ko nga. Pero nagulat ako nang may humintong taxi sa harapan ko.

"Kayo po ba si Ms. Dahlia Maxwell?" sabi noong mamang taxi driver.

"Ako nga ho... bakit po?" ngumiti naman yung driver.

"May tumawag ho kasi sa amin kanina na nagpapasundo ho sa inyo." eto ata yung mga pwedeng tawagan o itext na mga taxi drivers para maghatid at sundo sayo.

"Wag ho kayong magalala, ihahatid ko po kayo nang ligtas." nakangiti pa nitong saad sa akin. Mukha namnag mabait yung taxi driver kaya hindi na ako nagpatumpik pa at sumakay na. Dumiretso na lang akong opisina para matapos na ang mga tatahiin. Isang buwan na lang kasi fashion show na.

Dalawang araw na ang nakakalipas at hindi muna ako ngapunta kahapon kasi alam kong nagalit ko si Alden. Pero ngayon ay balak ko uli itong puntahan. I have no choice. Pagkatapos na din kasi nang isang dmait na tinatahi ko ay sya na ang kailangan. Wala pa din akong sukat nya.

"Chris? Where is the measuring tape?" tanong ko kay Chris. Naghalughog naman ito at maya maya lang ay naibigay na sa akin ang tape. Inilagay ko ito sa bag ko at isinukbit na ito.

"Where are you going mam?" takang tanong ni Chris.

"Ahhh.... kay Alden... Kailangan ko syang sukatan." sabi ko dito. Napailing na lang ito at natawa.

"Anyway Chris... make sure that the dresses and suits are secured in the plastics and take them to the dressing room. Your the only one allowed in there ok? The usual." sabi ko at tumango naman ito at lumabas na ako.

Sya lang kasi ang pinapayagaan ko sa dressing room kung san special na nakastore ang lahat nang mga damit. Kahit alam nang mga taga design at taga tahi ang itsura ay kay Chris ko lang hinahayaan na magtabi nito or mag ayos.  Mahirap na.

Hindi na ako nagkotse at nagcommute na lang ako. Hassle kasi mukhang traffic na at baka walang parking lot sa building nila tsaka pagod na ako sa pagpupuyat. Baka makatulog pa ako sa kalsada.

Pagkadating ko ay pinagtitinginan nanaman ako... Well lagi naman kasi akong naghihintay dito kahit minsan hindi ako binababa ni Henry or kahit wala sila ay naghihintay ako. Pero ok lang din naman. Di naman sila ang pinunta ko dito.

"Oh... Ayun na ulit sya!"napaangat ako nang tingin at nakita ko si Henry at Alden na kakapasok lang sa building. Tumayo naman ako at naglakad palapit sa kanila.

"H... Hi.." sabi ko dito. 

"Hi Dahlia! Bakit ngayon ka lang dumating? May isa ditong nagaalala sayo!" napatingin naman ako kay Alden at nagulat ako nang binatukan ni Alden si Henry. Nagumpisa na ding maglakad si Alden. 

"I... I mean. Nagaalala kasi ako sayo no... Haha... Kamusta ka na?" Unti unti na din kaming naglakad ni Henry.

"Okay naman... Puyat lang talaga... Anyway... wala ba talagang chance na maging modelo ko si Alden?" hindi na ako nahiyang magtanong pa dito. Nwala naman ang masaya nitong awra at ngumisi na lang.

"Welll... ewan ko ba sa isang iyon. Matagal na nyang gusto na maging bahagi nang Lium Fashion Show pero nagulat na lang ako dahil bigla syang umayaw... Maybe because of you." sabi nito. Napatungo naman ako at mapait na napangiti... Nga naman... may kasalanan pa ako sa kanya... Sa pagtaboy ko sa kanya.

"Pero don't worry... magiging modelo mo pa din ang isang iyon... I'm his manager remember?" nakangisi nitong saad. Napakunot namna ako nang noo at bumaling dito... Ano bang tinutukoy nito?

"May kapalit nga lang... Wanna hear it?"

HIndi ko alam kung tama nga ba ang ginawa ko.... Siguradong magagalit sa akin iyon.

"Yan... pumasok ka na ok? Pilitin mo na din iyang isang yan... Here..." tinulak pa ako nito papasok sa loob nang opisina ni Alden na kinagulat ko.

Nagulat pa kami parehas ni Alden dhail sa pagtulak sa akin ni Henry. Kaya imbes na kausapin ko ito ay lalabas na lang ako... Kailangan kong maging prepared... 

Pe...Pero lock ang pinto...

"He... Henry?! Buksan mo ito! Henry!" sigaw ko pa at kinakalampag ang pintuan pero nadidinig ko lang ang tawa nito.

"Enjoy!" sigaw pa nito at maya maya ay hindi ko na nadodinig ang boses nito.

"Stop that. Hindi yan bubuksan ni Henry hanggang hindi nya trip buksan yan. " napasandal na lang ang noo ko sa pinto. Ayokong humarap kasi naiilang ako. Sigurado namang nakakunot nanaman ang noo nito at baka pagalitan nanaman ako. Mas ok nang natalikod. Less ang kaba kasi boses lang nya ang naririnig ko at hindi ko nakikita mukha nya.

"Baka mabutas mo pa yang pinto ko kakasandal mo nang noo mo dyan. Maupo ka muna kaya." sabi nito pero iling lang ang sinagot ko.

"You know it's bad habit when someone is talking too you at nakatalikod kang makipagusap. Come on Dahlia... Hindi na ako galit..." sabi nito. Kaya dahan dahan kong itinaas ang ulo ko sa pinto at nilingon ito.

Prente lang itong nakaupo sa swivel chair nya at nagbubuklat nang folder. Nagulat ako dahil nakasalamin pa ito. Shet dumagdag sa kapogiaan nya ang pagsusuot nang salamin.

"Take a picture. It will last." sabi nito. Hindi ko alam kung natatawa ba to o ano kasi nga natatakpan nung folder.

Umiling na lang ako at naupo dun sa couch kung san dati ako nakahiga. Convertible kasi ito pede maging bed.

"You look good. Hindi ka na masyadong payat." maikli nitong sabi at napangiti na lang ako at least he's civil.

"Thanks. Pinipilit kasi ako ni Chris kumain on time... Anyway so... sorry bout last time... Sa pagiging makulit ko and thank you for that taxi driver." sabi ko dito. Binaba na nito ang folder at tumayo. Naglakad na din ito palapit sa akin  at naupo sa katapat na single couch.

"Dapat hindi ako nag walkout that time. Iniwan pa kita doon. Delikado pa naman at gabi na." sabi nito pero iling lang sinagot ko. Kasalanan ko naman.

"Hindi ka ba napapagod. You're consistent sa pagpunta dito. Except yesterday.  " tinitigan ko na ito.
"No... hindi lang to about sa nakaraan but I wnat what's best for the company and a model like you would benefit the show." sabi ko dito at tumango tango lang ito.
"But... why me? I mean tinaggihan ko na ito. Bago pa man ako mainterview ay umalis na ako." sabi nya.
"Well... kailangan namin nang expert models at isa ka sa mga top dito sa pilipinas and please... let's put the past on our backs first... I'm here as an designer asking for a model." deretsong sabi ko. Trabaho muna...

"I see... Pure business... Ok..." sabi nito.
"A... anong ok?" takang tanong ko dito.
"Ok... I...I'll be your model." sabi nito na kinatuwa ko naman!
"Really?! Then tayo ka!" sabi ko dito. Nagtaka naman ito sa sinasabi ko pero tumayo na din. Dumukdok ako sa bag ko at hinahanap ang measuring tape.








Getting Back Mr. Richards (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon