Nate's POV
Taena! Aga aga! May nambubulabog! Bakit? May tumatawag saken! Napakalakas pa naman ng ringtone niyan! Jusko. Sinagot ko naman.
[Nate, please meet Kaitlin in the Starbucks near Audrey's Village. Then go to our house. We have a meeting.]
Si Ace lang pala. Kikitain ko lang pala si Kaitlin eh. Yun lang. Makatul--
WHATTT?! Nakabalik na yung babaeng yon? Pinatapon na namin sila sa Canada ah?!
Napatayo naman ako at dumiretsyo sa banyo. Ang hirap nento!
Ang bilis ko maligo paglabas ko, nagsuot lang ako ng jeans and shirt.
Then sneakers and boom! Kinuha ko lang mga gamit ko, at dumiretso na sa sasakyan. Wala sila Mama at Ate. Business.Pagdating ko dun, pumasok agad ako.
Nakita ko nanaman siya. It hurts. Bumalik yung sakit. Naging cold agad ang expression ko."Why are you here?" Tanong ko na ikinagulat niya.
"Hindi mo ba ako namiss?" Tangina mo, Kaitlin.
"Pagkatapos mo akong iwan, mamimiss pa kita?" Pambara ko.
Nagulat naman siya sa sagot ko, pero nakarecover agad."We're back. Gusto ko lang malaman mo yon." Alam ko, pano? Kase hindi naman siya babalik kung hindi niya kasama sila Kimberly.
"Alam ko. Manggugulo nanaman kayo. Hindi na nagsawa?" Tanong ko. Nakakainis. Bumalik pa sila kung kailan masaya na kami
"May present love na kayo diba?" Tanong niya. Ako? May napupusuan lang pero yung mga ugok? Merong mahal yan.
"You don't have the rights to know something about our lovelife." Sagot ko with the same expression.
"Alam ko naman yung sagot, sinisigurado ko lang. Siguro yung sayo ay yung ex bestfriend ko na si Lea." Yeah totoo ex bestfriend niya yon.
"Oh tapos? Kung wala kang matinong sasabihin aalis nalang ako ha. Nagaaksaya lang ako ng laway sayo, Kaitlin." Sabi ko at umalis na.
Iniwan nila kami, 2 years ago. Meaning, 1st year palang kami.. Kami nila Ace, Mark, James, Gab, Andre at ako. We have the best barkada. Kasama dun si Audrey. Kase childhood bestfriend siya nila Mark at Ace. Nung nagsecond year lang namin nalaman na magkakakilala pala sila nung friends ni Audrey. Bestfriends. Nagalit sila kase iniwan sila ng hindi nagpapaalam. Kami din. Nagalit sila for us, kase ginawa nilang miserable yung buhay namin. Not until they came in the picture. Si Lea, childhood bestfriend ko. Si Joy, magchildhood bestfriend sila ni Patrick and Aaron. Para nga kaming pinagtagpo tagpo eh. Those good and happy days. Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako, damn. Andito na din ako sa bahay nila Ace.
Pinunasan ko yung luha ko at lumabas na. Nagdoorbell ako. Si Manang pala to.
"Ay, sir Nate, iniintay na po nila kayo." Sabi ni Manang.
"Sige po, asan sila?" Tanong ko.
"Nasa living room, hijo." Tumango nalang ako at pumasok na.
Andun sila, mga nakaupo, at nagiisip ng malalim. Tumabi lang ako kay Ace."Nakabalik na sila diba?" Tanong ko. Mukhang wala silang balak magsimula eh. Tumango lang si Andre.
Wala ni isang nagsalita kaya nagsalita na ako, "Nakabalik na sila. Hindi naman kayo magiging ganyan kahit na nakabalik na sila. May tinatago ba kayo?" Tanong ko. Napatingin naman si Ace at Andre. Gotcha.
"May alam kayo diba? Ngayon sabihin niyo na samin. There's no point on hiding it." Cold kong sabi. Nanlaki naman ang mga mata ni Andre.
"Wag niyo nang itago, pwede ba?! Wag niyo kaming pagmukhaing tanga!" Sigaw ko. Inawat naman ako ni Gab at James. Si Mark tensyonado padin.
"Nate, tama na. Huminahon ka nga." Sabi ni Gab saken. Sinunod ko naman siya at umupo ulet sa kinauupuan ko.
"Umalis sila, kase may sakit si Kimberly at Anna." Pagsisimula ni Andre na ikinagulat ko.
"Retograde Amnesia, Nate. Kilala nila tayo pero hindi nila naaalala yung pagrerelasyon nila satin. Pano namin nalaman? Tinawagan kami ng Mama nila, 2 months after they left." Sabi ni Ace. Tangina.
"They became bitches. Kase nalaman nila na kasalanan nila kung bakit tayo nawala sakanila." Sabi naman ni Mark. So ako nalang pala ang walang alam dito.
"I'm protecting Anna. Kase hindi siya pwede mastress, maaaring bumalik ang cancer niya, Nate." Sabi ni Andre. Putangina din netong kaibigan ko eh, hindi naisip si Grace?!
"Same with the rest of us." Sabi ni Gab.
Tinignan ko sila isa isa. Si James lang ang walang alam. Halata kase napakamot siya ng batok niya.
Napalingon ako kay Ace.
"It looks like you're choosing Kimberly against Audrey, huh?" Lumingon ako kay Gab. "You're choosing Vianca against Joy?" Patanong kong sabi. Lumingon ako kay Andre. "You're choosing Anna against Grace?" Lumingon ako kay Mark. "As for you Mark. Wag mong sabihing ipagpapalit mo si Prinnie kay Audrey. Kase if ever? Ako papalit sa pwesto mo." Sabi ko, and for the last. Kay James, "C'mon James. Let's go." Tumayo naman agad si James at lumabas na kami."Wala ka ring alam, pre?" Tanong ko kay James. Tumango siya tila naguguluhan.
"Alam ko naguguluhan ka. If you'll going to choose Alyanna. Tanga ka na pre, iniwan ka? Because of John, wake up pre. It's now or never. Angel or Zhaila."
"Hindi ko naman babalikan si Alynna, naguguluhan lang ako kung bakit hindi man lang nagsabi saken yun. And sa huli mong statement! Pano mo nalaman yon?!" Napangisi naman ako. HAHAHAHA kung hindi ba naman siya tanga't kalahati eh.
Inakbayan ko siya at sinabing, "Kung hindi ka ba naman tanga't kalahati para maiwan yung wallet mo sa room nung nagmamadali kang umalis eh! May tinatago ka palang sulat at picture ko edi pinakielamanan ko!" Sigaw ko habang tatawa tawa. Sumama naman ang tingin niya saakin. Kaya lumayo ako sakanya at naghands up. Inosente kaya ako!
"Chill, bro." Sabi ko. HAHAHAHA nakasulat kase dun na naguguluhan siya kaya ayun.
"Walanghiya ka! Pakielemero kalalaki mong tao!" Sigaw niya habang naghahabulan kami dito sa mga sasakyan ng ugok.
"Nakakahiya naman sayo!" Sigaw ko pabalik. Ng mapagod na kami, huminto na kami habang hingal na hingal.
May bigla naman akong naalala.
"Anong plano mo?" Tanong ko.
"Edi ang sabihin kina Angel ang lahat. Alangan namang itago pa natin to."
Napatango naman ako."Tara na?" Aya ko.
What will be their reaction? Will they ever forgive Ace, Mark, Andre and Gab? Whatever it is, Me and James will stay by their side. It just means that we chose to tell the truth. We just chose to wake them up in... Reality.
BINABASA MO ANG
A Battle: Friendship VS. Love
Teen FictionBakit nga ba ito ang title ng storyang ito? Hindi dahil sa hindi makapili si Mark sa kung anong gagawin niya, kung aamin ba siya o magmomoveon nalang. Ito ang title nito, sa kadahilanang sa storyang ito, labanan ang magaganap. Labanan sa pagkakaib...