Angel's POV
Kasalukuyan akong nakatunganga sa phone ko dito sa classroom, konti palang ang mga tao dito, sila Aaron palang with his gang.
Hay! Bat ba kase hindi ko binigyan ng chance si John non? Balita ko kase playboy. Mamaya kase baka fling lang ako non eh. Pero eto ako ngayon nagpapaktanga sa taong may girlfriend na.
"Ang lalim naman ng iniisip mo, Hindi ko mareach." Eto naman, si James. Lagi siyang andyan palagi saken, nakaantabay, nakagabay at nagiintay.
"Di kase ako makalook forward eh." Matamlay kong sabi.
"Pano ka makakalook forward kung hindi ka makapagmoveon?" Aray! Tagos yun ha. Napansin niyang tahimik ako kaya napangiti siya at ginulo ang buhok ko.
"Alam mo? Ientertain mo ang sarili mo. Wag mong ikulong ang sarili mo sa sakit ng nakaraan. Nung iniwan ako ni Alyanna ng walang warning. Ganyan din ako, miserable. Kami may memories kayo wala. Kaya dapat mas madaling makamoveon para sayo. Just entertain yourself at wag mong hayaang umiyak ka pa gabi gabi dahil sa parehong rason. Umiyak ka, yung huling iyak na. Siguraduhin mong wala nang sakit pagkatapos ng iyak na yun." Sabi niya at iniwan nakong nakatunganga, grabe words of wisdom yun ah? Hindi ko kinaya.
Pero may point naman siya eh, habang tumatagal na kinukulong ko ang sarili ko sa hinanakit, mas lalo lang akong nasasaktan. Torturing ba. Napabuntong hininga ako. Ngayon lang kami nagaway magkakabarkada. Mga walanghiya kase, hindi inalam ang katotohanan.
"Sorry na Gel!" Ay palaka! Si Ace to for sure. Di ko siya pinapansin kase sinaktan niya ang bestfriend ko! Mas pipiliin ko si Audrey, kesa kay Ace noh!
"Tumigil ka na Ace Fortalejo, kase balik baliktarin man natin ang mundo may kasalanan kayo." Cold kong sabi. At tumayo na at tumabi kay Zhaila. Buti wala yung Mark na yun! Baka masapok ko siya! Bestfriend siya ni Auds pero walang kaalam alam si Auds tungkol sakanya! Hinayupak sila! Nagsama sama.
Pagkakita ko kay Zhaila, ayon. Nakikipagtalo nanaman kay Patrick. Eto namang kaibigan ko may pagkamanhid at kalahati din eh! Si Pat naman nuknukan ng torpe!
Hindi nalang ako tumuloy at pumunta kay Lea at Joy. Nahalata nilang nakabusangot yung mukha ko."Oh bakit nakabusangot yang mukha mo?" Tanong ni Joy. Nginuso ko si Zhaila at Patrick.
"Selos ka?" Tanong ni Lea kaya nakatanggap siya ng batok mula sakin. Taena, selos ako? Sawi nga ako magseselos pa, tuktukan ko kaya to!
"Manhid at Torpe." Sagot ko. Napatango naman sila.
Nagsoundtrip nalang ako. Wala din akong makukuha sa mga to, pinoproblema kase sila Gab tapos eto si Lea malay ko ba.
"Okay class, please go back to your proper seats." Andito na pala si Ma'am napatayo naman ako at bumalik na sa upuan ko kahit na hindi ko pa gusto.
"Class, I'll divide you into two groups, tutal 30 naman kayo. Audrey, Hail, Grace, Zhaila, Angel, Lea, Joy, Ace, Mark, Gab, James, Nate, Patrick, Andre and Aaron. That's the group 1 and for the rest na hindi pa natatawag, kayo ang magkakagrupo." Tangina. Mapapamura ka nalang sa inis eh, bakit ba sa dinami daming pwedeng igrupo samin sila pa?! Nagkasala ba kami? Hindi naman dibuhhhh.
"Ang project niyo is about doing your own story. Pero kailangan niyong iact ang story na yon." Napalingon ako kay Audrey and Hail na kumikinang ang mata. They love making stories. Partner sila dyan. And if it's about dancing, si Audrey at Grace na yan. Well kami namang apat singing. Joy, Zhaila and Lea is on arts.
"Pumunta na kayo sa grupo niyo and excuse kayo sa afternoon classes niyo kaya wag niyong sayangin ang oras na yun para makapagpractice. Go to your group and discuss, after that sagutan niyo ang ilalagay ko sa board. Copy the notes and you may go." Tumango naman kami at pumunta sa harap kase dun nakapwesto sila Auds, andun na din naman sila.
Saglit na nagkaroon ng katahimikan kaya napabuntong hininga si Audrey."Hindi sa nagmamagaling ako pero, I can write stories, same as Hail. Nagvovolunteer kami on doing our own story, is it okay?" Cold niyang tanong. The old Audrey I know, mapaaca man o kung ano basta hindi niya kasundo ang tao magiging cold pa rin siya.
"I agree. But do you mind if isama din si Ace and Mark? They also good at writing stories, diba?" Mapangasar na tanong ni Gab. Kutusan ko kaya to?! Sinamaan ko siya ng tingin. Matinag ka sana!
"I don't mind." Cold paring sabi ni Audrey, na ikinagulat namin. But yeah, she's Audrey Domingo for pete's sake. A grade concious.
"Pwede sa bahay nalang tayo gumawa mamaya?" Mahinahon pero cold na tanong ni Hail.
"Walang problema." Sabi ni Ace. Madali lang naman pala magplano eh. Tatayo na sana kami at aalis kaso biglang nagtanong si Ma'am kung sino ang leader namin kaya napaupo kami. Since daw 15 kami per group, 2 representatives na leader.
"Pwede bang si Audrey at Ace nalang?" Tanong ni Lea kaya napalingon ako sakanya at pinandilatan siya. Napansin ko din na napatitig si Ace sakanya. Well.
"It's fine with me." Cold na sabi ni Audrey, tanging si Nate lang ang nakakapagbago bago ng mood niyang babaeng yan eh.
"Okay lang." Sabi ni Ace.
"Settled na? Pwede na bumalik sa upuan?" Mataray kong tanong na tinanguan nila. I don't have time for fake peoples.
Hail's POV
Ayaw ko mang papuntahin sila Mark mamaya sa bahay pero wala din akong magagawa. I must admit, magaling naman talaga sila eh.
Eto kami ngayon naglalakad papuntang cafeteria. Mukha kaming nanlulumo dahil sa mga kagrupo namin."Whoa. So balak talaga nilang manggulo with their sh*tty lies." Mataray at cold na sabi ni Grace dahilan para mapalingon ako sa tinitignan niya. So, Nasa iisang table pala ang mga nanloko at nagpaloko. Sila nakatayo padin ako dire diretso lang with the same table, but not the same person. Ganun din ang ginawa ni Audrey, at nagsunod sunod na sila. Wow ha. Galing nila. Ang lakas ng loob nilang pumasok dito sa paaralan nila Tita Emily. Buti pinapasok pa sila.
Nawalan nako ng gana gumawa ng storya.
Audrey's POV
Mabilis lang ang takbo ng oras, parang kanina lang mukha kaming ewan kase pinagmamasdan namin sila na nakaupo sa table nila Kimberly pero ngayon, eto na papunta na kami sa bahay nila Hail. At eto na nga oh! Magdodoorbell na si Hail HAHAHA.
"Mama! Andito po sila Audrey, gagawa kami project." Sigaw ni Hail pagkapasok namin. Effective! Lumabas si Tita.
"Good afternoon po tita." Bati namin ako, lumapit para makipagbeso beso.
"Ma, dun nalang kami sa music room ah." Paalam ni Hail, ayaw niyang nagpapapasok sa kwarto niya eh.
"Sige baby girl, papadalhan nalang kita ng food okeh?" Tumango lang si Hail at dumiretso na nga kami sa music room nila.
Dumiretso ako sa may table sa pinakagilid at umupo dun.
"Gawa nalang tayo ng kanya kanyang stories tas pagbotohan nalang natin kung alin ang gagamitin bukas." Sumangayon naman sila.
This is going to be hell, being their groupmates? Goodluck to me.
--
Mark's POV
Andito kami, nagawa ng story sa music room nila Hail. Grabe, cold treatment talaga si Audrey."Hail, Audrey. Sorry na please?" Pangungulit ko. Napairap lang si Hail pero si Audrey napabuntong hininga. Di nagtagal, nagsalita na siya.
"Kung hihingi lang kayo ng sorry ngayon, mas mabuti sigurong umuwi nalang ako. Eto lang naman gagawin eh." Cold niyang sabi at dumiretso na pababa. Naiwan samin si Hail.
"Ang tanga niyo pareho. Pareho niyong gusto pero pareho niyo ding sinaktan. Magisip nga kayo, palibhasa kase puro sarili niyo lang ang pinapakinggan niyo. Grow up, guys. Sa halip na tumunganga kayo at magsorry bat di kayo gumawa ng effort? Sa word kase ng sorry dapat may sincerety. Pero yung sainyo, wala."
And with that, she left us.
BINABASA MO ANG
A Battle: Friendship VS. Love
Teen FictionBakit nga ba ito ang title ng storyang ito? Hindi dahil sa hindi makapili si Mark sa kung anong gagawin niya, kung aamin ba siya o magmomoveon nalang. Ito ang title nito, sa kadahilanang sa storyang ito, labanan ang magaganap. Labanan sa pagkakaib...