Chapter 16- Mall with him.

2 1 0
                                    

Audrey's POV

It's been 3 days. Since nagkausap usap kami, they kept on saying sorry pero iniignore lang namin sila. I'm not an heartless person pero pag nasasaktan nako nagiging ganun ako. They know that.

At eto ako ngayon, kasalukuyang nagmamall kasama si Nate! Don't get me wrong! Bestfriends lang. Naging close kami simula nung nangyari ang incident ajaja.

"San ba kase tayo pupunta Auds? Ako pa talaga hinigit mo dito ah." reklamo ng katabi ko. Kanina pa to nagtatantrums kung sapukin ko kaya to?!

"Busy kase sila, eh ikaw naman wala kang magawa sa buhay mo kaya ikaw na ang sinama ko, wag ka nalang magulo dyan pwede?" Naiirita kong tanong ng mahinto na ang kaluluwa niyang may lahing pagkamakulit.

"Chill. Osige na! Sige na! Hindi nako magrereklamo, pero pwede kain muna tayo? Tanghaling tapat hinigit mo ako di pako nakakapaglunch!" Reklamo niya. Jusko!

"Oo na oo na! Kalalaki mong tao ang daldal daldal mo." Sagot ko. Dumiretso na kami sa greenwich, nagcracrave ako sa lasagna eh.

"Audrey Domingo! Bakit sa Greenwich? KFC NALANG!" sigaw niya sa may pintuan ng greenwich. Di ba siya nahihiya?
Lumapit ako sakanya at hinila siya sa KFC sawang sawa nako sa pagrereklamo ng isang to. Pagdating namin dun bigla nalang siyang nagyehey! Napailing nalang ako at napasapo sa noo ko sa pagiging childish neto ni Nate, minsan naman napakaseryoso. May pagkabipolar din eh no?

"At dahil sa KFC tayo kakain, treat ko nalang, anong order mo?" Tanong niya. Nagtwinkle naman ang eyes ko dun, yes! Hindi ko kailangan gumastos. Dinamihan ko yung order ko. Napatango nalang siya.

Habang nagiintay ng order, nagphone nalang ako. Twitter as usual. Dumating naman agad si Nate.

"Alam mo Audrey, ang ganda mo sana eh.. Kaso.." Pabitin niyang sabi habang kumakain kami.

"Kaso?" Tanong ko. Shempre nakakagdagdag ng self confidence pag may nagsasabi na maganda ka no.

"Kaso ang maldita mo eh!" Sabi niya at humagalpak ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Alam mo Nate, magugustuhan na sana kita eh.. Kaso.." Pabitin ko ding banggit. Dahilan para matigil siya sa pagtawa.

"Kaso ang pogi ko masyado para sayo?" Tanong niya, inirapan ko lang siya.

"Kaso kase masyado kang panget para saken!" Sigaw ko at humagalpak ng tawa. Hah! Serves him right.

Sinamaan niya lang ako ng tingin pero hindi ako nagpatinag, asar talo kase eh.
Kumain nalang kami pagkatapos ng asaran. Tapos pumunta kami sa arcade. Nyay!

"Pataasan ng points sa basketball?" Hamon ko. Napataas naman ang kilay niya at nagsmirk

"Nate tumigil ka nga! Mukha kang bakla!" Iritado kong tanong. Mukha kase siyang tanga seryoso.

"Game ba! Ang matalo, manlilibre sa SB" hamon niya tumango na ako at bumili ng tokens, ganun din siya. Pagkatapos ay pumunta na kami sa may Basketball.

Sabay naming hinulog yung token. Shoot lang ako ng shoot wooo! 75 points na ako! Si Nate, 67! Isang minuto nalang! Kaso palpak lahat ng shoot ko sa last minute siya tuloy nanalo!

"Bleh! Hamon hamon ka matatalo ka din naman!" Asar niya saken at nagbelat.

"Whatever!" Sigaw ko at nagcross arms. Bakit ba!
Nililibot ko lang ang paningin ko habang inaasar ako ni Nate. Sakto namang may nakita ako na nagpakinang ng mata ko kaya hinila ko agad si Nate.

Pagdating namin don nagtaas ng kilay si Nate at nagsalitang, "Anong gagawin natin dyan?"

"Kakanta Nate! Kaya nga tyo nasa Photo booth kase kakanta tayo eh." Pamimilosopo ko sakanya. Napasimangot naman siya.

A Battle: Friendship VS. LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon