Alyanna's POV
Andito kami ngayon sa bahay nina Kimberly para nanaman sa isang paguusap kuno nila. Mga pakulo namaman nila makapaghiganti lang.
"Tita Kim, asan po sila?" Tanong ko sa mama ni Kim pagkapasok ko sa bahay, este mansion nila.
"Andun sila sa rooftop hija, gumamit ka nalang ng elevator ng hindi ka mapagod sa kakaakyat." Oh diba? Yayamanin, nagpagawa pa ng elevator dahil limang floors ang bahay nila. Kung mayaman kami, ano pa kayang tawag sakanila?
Napabuntong hininga nalang ako.
Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang 5th floor.
Matagal ko nanaman gustong itigil ang paghihiganti eh, simula nung nalaman kong masaya na sila James sa buhay nila, gusto ko nang itigil 'to. Miske sila Prinnie. Si Vianca at Kimberly nalang naman ang gustong tumuloy. Kaso, ayaw namin sila pagtaksilan kaya kahit anong ipagawa ni Kimberly, sinusunod namin.
Pagdating ko dun, seryoso silang naguusap usap. Hindi naman kami ganito dati, nagkakasiyahan pa kami palagi, nakakapagasaran at kung ano ano pa.
"Yanna, you're late." Sabi ni Vianca. Tumango lang ako.
"Ano na bang plano natin?" Tanong ni Anna. Umupo nalang ako sa tabi ni Prinnie.
"Let's just watch them. May pakulo na kaming plano, right Vianca?" Sabi ni Kimberly at ngumisi sabay lingon kay Vianca. Ano nanamang pakulo 'to?
"Since wala pa tayong dapat pagusapan, you may all leave, except for Vianca." Sabi ni Kimberly kaya tumayo na kaming lahat at sabay sabay bumaba.
"Girls, tambay muna tayo, tayong apat ang may dapat pagusapan eh." Nakangiti kong sabi.
"Magpapalibre ka lang eh." Pambabara sakin ni Prinnie.
"Well in fact, ikaw pa nga ang dapat manlibre dahil ikaw ang pinakamayaman sating apat." Pasa ko nang pambabara kay Anna.
"Baka nga yung isa talagang nanahimik dyan yung dapat manlibre eh, sila yung mayari ng dalawang pinakasikat na ospital dito sa Pinas eh." Pagpaparinig ni Anna kay Kaitlin. Nanlaki naman ang mata nito.
"Dinadamay niyo ako, nanahimik na ako dito ah! Aba!" Sigaw niya na nagpatawa saming apat. I miss this grabe ilang months na ba since huli namin to nagawa? Ang matawa ng kami kami lang.
Nakarating na kami sa baba at nagpaalam na kami kay Tita Kim.
Aba ang mga gaga walang dalang sasakyan, buti nalang talaga nagdala ako kung hindi, malamang ba namumulubi na kami ngayon.
"Ikaw na magdrive, Anna." Sabay bato ko sakanya ng susi ng kotse ko.
"Ay gaga!" Napasigaw siya. Napalingon naman ako sakanya at nakita kong sa mukha niya tumama ang susi. HAHAHAHAHAHA tanga mo Anna!
"BAKIT NAMAN SA MUKHA MO PA BINATO YUNG SUSI?!" sigaw nito.
"SORRY NA! MALAY KO BANG SA MUKHA MO PALA TATAMA YUN HAHAHAHAHA TANGA MO KASE!" Sigaw ko sakanya kaya hinabol niya ako habang yung dalawa naman dun nakasalampak na sa kalsada kakatawa.
"Ako pa tanga ah?!" Sigaw nya habang naghahabulan kami.
"TAMA NA GAGA KA! PAGOD NAKO!" Sigaw ko sakanya habang hingal na hingal na. Pano nakaabot na kami sa gate ng subdivision namin at paikot na namin 'to.
"BABATUKAN LANG NAMAN KITA GAGA KA!TAKBO KA NG TAKBO AYAW MO TUMIGIL KAYA DI DIN AKO TITIGIL!" Sigaw niya sakin, tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa bahay nila Kimberly. Huminto ako don.
Hindi nagtagal nakarating din si Anna kaya agad ako nitong binatukan.
"Aray!!!" Sigaw ko. Napasobra kase eh, kumalog ata utak ko sa batok niya eh.
BINABASA MO ANG
A Battle: Friendship VS. Love
Ficțiune adolescențiBakit nga ba ito ang title ng storyang ito? Hindi dahil sa hindi makapili si Mark sa kung anong gagawin niya, kung aamin ba siya o magmomoveon nalang. Ito ang title nito, sa kadahilanang sa storyang ito, labanan ang magaganap. Labanan sa pagkakaib...