Chapter 19- First Practice

2 1 0
                                    

Audrey's POV

"Princess! Gising naaa!" Kanina pa sigaw ng sigaw si kuya pero hindi nakikisama ang mga mata ko. Antok pako eh.

"Kuya let me rest! Puyat ako oh!" Sigaw ko pabalik. Napuyat ako sa kakagawa ng story, kahit na anong pilit kong ibahin yun nalang talaga ang choice ko, wala nang pumasok sa utak ko eh.

"HINDI KA PWEDENG HINDI PAPASOK!" Sigaw niya, of course hindi siya papayag. Siya ang principal dun eh. Tuhray no.

"Oo na kuya oo na! Papasok naman ako, patulugin mo lang ako." Sabi ko at nagtalukbong ng kumot.

"Fyi lang kalapatid ha. 7:15 na ho. 45 minutes before your class, at baka sapian ka pa ni katamaran at kabagalan kaya bumangon ka na dyan!!" Sigaw ni Kuya. Napabangon naman ako! Anong ligo kaya ang gagawin ko sa 15 minutes? Bwiset! Padabog kong kinuha ang twalya ko at naligo na jusme. Paglabas ko, nagsuot nalang ako ng black shirt na ang design is panda, and then black jeans with black sneakers. Sorina, black lover eh. Naupo ako dun sa may salamin ko, at tumingin sa ora--

7:10 palang? Walanghiya si Kuya! Sabi 7:15 na! Masasapak ko yun pagbaba!. Aish!
Sinuklay ko ang buhok ko at blinower, kinulot ko din yung dulo ng buhok ko.

And then tinali ko, yung ano bang tawag dun? Fishtail? Pero manipis lang. Then konting foundation and lip gloss. Baka kase magdry nanaman lips ko at pagalitan ni Papa.

Kinuha ko yung bag kong baymax at nilagay ang mga kailangan ko, sabi ni Ma'am we're going to practice in the afternoon so morning classes lang. Nilagay ko ang story, phone at wallet ko din sa bag. Tinangay ko na yung susi ng kotse ko. At bumaba. Pagkababa ko sinamaan ko ng tingin si kuya, nagpeace sign lang siya.

"Pa, Ma, baka po malate ako ng uwi. May practice po kami nila Hail." Sabi ko habang kumakain.

"Okay baby, basta wag 10pm ah? Wag kang gumaya sa isa dyan." Parinig ni mama kay kuya kaya binelatan ko siya.

"Ma naman!" HAHAHA buti nga sayo kuya.

"What? Masyado ka namang defensive, malay mo papa niyo yung tinutukoy ko." Sabi ni mama kaya nanlaki ang mga mata ni Papa.

"Dinamay niyo pako dyan eh si Audrey naman yun!" Aba at dinamay pa talaga ako.

"Bakit ako? Si Kuya nga yun eh kase may ni-" hindi ko na natuloy ang dapat kong sasabihin ng takpan ni kuya yung bibig ko HAHAHA.. Di pa nga pala alam nila papa yun. Tinanggal ko yung kamay ni kuya sa bibig ko at uminom ng tubig at umalis na ako. Si kuya na bahala dun.

Nagdrive lang ako papunta ng school, I'm glad dahil walang traffic. Pagdating ko andun na sila. Kumpleto. Walang labis walang kulang. Di naman nagtagal at dumating na si Ma'am.

"Okay class, baka pala may ilipat na group of girls sainyo, sa susunod na month, is that clear?" Masama ang kutob ko dito ah, pero tumango lang kami.

--

Mabilis lumipas ang oras, parang ngayon naglulunch nalang kami tapos diretsyo practice na.

"Parang nababagot ako." Banggit ni Lea habang kumakain kami na sinangayunan ng lahat.

"No choice tayo eh." Sabi ko at nagpatuloy sa pagkain. Bumili na din ako ng mentos at iba pang mint candies para incase uminit ang ulo ko, hindi ko sila masisigawan.

Nagbell na. It's hell time.

--
Patrick's POV

Habang naglalakad akong papuntang gym, naririnig ko na ang pagtatalo nila.
Pagpasok ko dun lang sila natahimik. Pero nagpatuloy padin nung nakarecover na. Tumabi lang ako kag Zhaila na katabi si Hail at Audrey. Pinapanood ang away na nagaganap sa harap nila.

"Anong nangyare?" Tanong ko sakanila.

"Nagtatalo kung kaninong story ang gagamitin. Samantalang yung mga gumawa ng story, walang kapaki pakielam." Banggit ni Zhaila kaya napalingon ako sa boys, andun lang sila Ace, Mark, James at Nate. Pfft.

Napalingon ako sa dalawang leader na nagpipigil ng galit sa napapanood nila. Napasapo sa noo si Ace at napahilot sa sentido niya si Audrey.

Tumayo ako at pumagitna sakanila.
"Huminto na nga kayo. Wag niyong idamay ang away niyong personalan, sa academics." Awat ko, aalma na sana si Angel pero pinahinto ko siya.

"Maupo na kayo pwede? Tignan niyo yung mga gumawa ng story, hindi naman nagaaway eh kayo? Kayo ba gumawa? Ibigay niyo saken ang story at pagbobotohan natin." Tumango sila, buti naman. Nababagot akong awatin ang nonsense nilang away, pero kailangan.

Ako ang unang nagbasa, napili ko yung kay Audrey. Kaya sinulat ko yun sa papel at nilagay sa gitna.

Ganun din ang ginawa nung iba, miske ang mga gumawa ay bumoto. Kami ni Zhaila ang magbibilang.

"3 votes for Hail." Banggit ni Zhaila tumango ako.

"2 for Mark." Sagot ko.

"3 din kay Ace eh." Sagot niya. So si Audrey ang nanalo! Yehet.

"Audrey's story." Sigaw namin ni Zhaila.

Tumango naman sila. Alam nila yung storya kaya pumwesto sila. By partners ang storya. So ang nangyare.
Angel-James
Zhaila- Ako
Hail- Mark
Joy- Gab

Natitira nalang yung anim. Mukhang nagaalanganin pa kung sino kaya nagsalita na ako.

"Project lang yan. Para walang away ako na magdedecide. Lea and Nate, Ace and Audrey, Grace and Andre. Wag na kayong umangal kase wala ako sa mood makipagtalo sainyo." Casual kong sabi. Hindi ako ang leader pero sumusunod sila sa sinasabi ko.

By partners kase ang pagprapractice, sa dulo pa kase namin iprapractice yung pagsasama sama as a barkada tutal hindi pa din naman kami or should I say sila ayos ayos. At dahil sa may pagkalakihan ang Practice Room na napili nila, may kanya kanya kaming side. Sa pinakadulong side pumwesto si James at Angel. Sa katapat nilang side pumwesto si Joy at Gab. Nasa may gitnang side naman si Andre at Grace. Sa pinakadulong side si Lea at Nate. Kabilang side si Ace at Audrey. Andito kami sa gitna ng magpartner na si Ace at Audrey at Joy and Gab, sa gitna naman pumwesto si Hail at Mark.

Nagkaron ng saglit na katahimikan. Kase lahat kami seryoso sa pagbabasa ng script.
Kaso, biglang sumigaw si Grace.

"Damn you! Kung paulet ulet ka lang magsosorry magpapalit nalang ako ng partner!" Sigaw niya kaya napatayo ang girls. Kaming mga boys wala lang.

"Ako na nga yung nagsosorry at gumagawa ng paraan eh!" Sigaw din ni Andre, tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Nate na nasa tabi ko na pala.

"Let them be." Sabi niya lang, gaya gaya ng line kay Auds. Tsktsk.

"Ah? SO AKO PA PALA MAY KASALANAN! WOW HA!" Sigaw ulet ni Grace.
Napagulo naman ng buhok si Andre sa pagkafrustrate. Wala naman kaseng alam ang mga girls eh.

"DAMMIT GRACE! YOU'RE BEING IMMATURE AGAIN! GROW UP!" Sigaw niya. Napatayo na ako dun, this time pati ang iba ay pumunta na din.

"WALA KANG KARAPATANG SABIHAN NG IMMATURE ANG KAIBIGAN KO! IKAW NA NGA ANG MAY KASALANAN EH!" Sigaw ni Audrey na nanggagalaiti sa galit. Pinuntahan siya ni Nate at pinakalma.

"AKO IMMATURE? SO IKAW NA PALA YUNG UNDERSTANDING NGAYON? ABA? BUMALIGTAD ANG MUNDO NATIN? DI KO NAMALAYAN AH." Sigaw ni Grace. Hindi papatalo, fighting spirit.

"PARANG PINAPALABAS MO NA IKAW LANG ANG UNDERSTANDING SATING DALAWA AH? EDI AKO NA AKO NALANG PALAGI!" Sigaw ni Andre at lumabas na. Lumabas na din ang girls. Tanging naiwan dito ay si James, Ako, si Mark at Ace.

Lalapitan na sana nung dalawa si James, pero lumabas lang din siya. Di pa siguro handa.

"Sa susunod kase, wag na kayo magtago. Magpapalabas pa kayo ng kwento na hindi naman totoo. Goodluck, bros. wala akong kinakampihan ni isa sainyo kase wala namang dapat kampihan. Pero kung meron mang mali dito sainyo, kayo na yun." Sabi ko at tinapik sila sa balikat at lumabas na.

So, the first practice, failed.

A Battle: Friendship VS. LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon