"DAMN!" Inis na bumaba ng kotse si Camille i-check ang gulong ng kotseng na-flat. At ng matiyak ng dalaga na nabutas nga ang gulong ng sasakyan ay galit na galit na sinipa niya ang naturang gulong.
"Hey, miss...!" Buhat sa isang kotseng huminto ay sumungaw sa bintanang bumukas ang isang lalaking naka-shade ng madilim.
"Hindi naman lalaban iyang gulong, huwag mong awayin!" wika nito sa namimilyong tinig. Bumaba na rin ng kotse at humakbang palapit sa kanya ang naturang lalaki.
Matalim na irap ang itinugon niya. So what if he is tall and even he is wearing shade ay halatang gwapo? She really doesn't care kung bakat sa suot nitong hapit na t-shirt ang malapad at mamasel na mga braso. At ano ang pakialam niya kung mukha itong greek god sa unang panahon?
