Meng's POV
Malapit na akong matapos dito sa hagdanan, konting punas na lang. Teka, bakit parang may pinto doon sa likod ng hagdanan. Tignan ko nga, medyo malamig dito ah. Bubuksan ko na para tignan hanggang sa...
"Meng, halika na. Kumain na tayo, alam ko namang pagod ka eh." Sabi ni Troy
"Sige hon." Sabi ko.
Lumapit ako sa lamesa at umupo.
"Meng, ano ba tinitignan mo diyan?" Tanong ni Troy.
"Ah, may pinto pala diyan sa likod ng hagdanan." Sabi ko.
"Ahh, nakita mo ba yung laman?" Usisa niya.
"Di ko pa nakita eh." Sabi ko.
"Sige, tignan ko mamaya." Sabi niya.
Kumain na kami, sobrang tahimik na parang hangin lang ang naririnig naming sumisipol. Malamig at parang bodega ang pakiramdam ko.
Troy's POV
Ano kaya laman ng pinto na yun? Bakit tago? Ay ewan, malalaman ko na lang mamaya pagkatapos naning kumain.
Natapos na kami kumain at pumunta na ako sa pinto sa likod ng hagdanan. Medyo masikip dito na parang isang tao lang ang makakalusot dito. Malamig na hangin ang lumulusot sa may luwang sa ilalim ng pintong ito. Binuksan ko ito, madilim na parang pag pumasok ako, ang makikita ko lang ay blanko.
"Hon, pahiram nga ng flashlight." Sabi ko kay Meng.
"Sige hon." Sabi niya.
Inabot niya sa akin yung flashlight. Binuksan ko ito. Maagiw at puro sapot ng gagamba. Naalala ko tuloy yung prank sa akin ni Meng. Isa pala itong basement, may hagdanan pababa na parang isang maling tapak mo ay mahuhulog ka sa kawalan. Ingat na ingat akong bumaba. Inikot-ikot ko ang aking paningin, madumi at maraming karton. Kanino kaya itong karton? Siguro naiwan ito nang mga tumira dito dati. Naglibot ako hanggang sa may nakita akong maliit na pinto, sinubukan kong buksan pero nakalock. Doon na ako nagpasyang umakyat.
"Anong nakita mo Hon? Tanong ni Meng?
"Mga karton at maraming sapot at agiw." Sabi ko.
"Parang basement." Sabi niya.
"Oo, basement kaya bukas ay linisin natin yun para matambakan ng mga gamit nating iba." Sabi ko.
"Sige Hon, magpahinga na tayo. Pagod na ako eh." Sabi niya.
"Sige, tara na." Sabi ko.
Pumunta na kami sa kwarto at nagpahinga pero bago ako makatulog, may mga gumulo sa utak ko. Bakit kaya ganon ang basement ng bago naming bahay?
Bakit hindi siya pareho?
Bakit maraming akong tanong tungkol dito sa bahay?
Bakit naiiba ito hindi tulad ng iba pang bahay?
Bakit ito kakaiba?
BINABASA MO ANG
The Living Death
Mystery / ThrillerMay dalawang klase ng desisyion, desisyong maganda ang kalalabasan o desisyong masama ang kalalabasan. Ano kaya ang naging desisyon nila? Magiging maganda ba o masama?