Chapter 7 - The Black Shirt

9 1 0
                                    

Meng's POV

Kawawa naman yung asawa ko, bakit kaya siya ganyan? Bakit simula nang pagkalipat namin dito sa bahay na ito ay marami na siya nararamdaman? Bakit nga ba?

"Hon, nakita mo ba yung damit kong isa, yung color black. Nasa labahan lang yun eh kanina?" Tanong niya.

"Ewan ko Hon, nilagay ko yan kanina sa labahan kasama yung mga bagong laba." Sabi ko.

"Imposible, eh dapat nasa labahan lang yun." Sabi niya.

"Hindi ko nga alam eh, edi hanapin mo. Malay mo nasa tabi-tabi lang yun." Sabi ko.

Naghanap na si Troy, wala sa sala, wala rin sa kusina, wala rin sa banyo, wala rin sa kwarto, at wala rin sa terrace.

"Nakakapagod Hon, asan na kaya yun?" Tanong niya.

"May isa pa tayong hindi napupuntahan, sa basement." Sabi ko.

Tumawa lang si Troy.

"Ano? Sa basement? Hahaha!" Sabi niya habang tumatawa."

"Anong nakakatawa. Eh di naman natin makita dito eh, baka andoon." Paliwanag ko.

"Imposible, paano mapupunta doon yun?" Tanong niya.

"Malay ko." Sabi ko. "Paano natin malalaman kung hindi natin sisilipin? Diba? Siguro kaya ayaw mong pumunta ng basement kasi takot ka noh?" Sabi ko.

"Hindi ah." Sabi niya.

"Edi tara na." Sabi ko.

Pumunta na kami sa likod ng hagdanan kung saan ang pinto papuntang basement. Lumusot na si Troy sa makitid na daan sa likod ng hagdanan pero nang habang dumadaan ako ay biglang may kumalabog sa loob ng basement.

"Ano yun?" Gulat na sabi ni Troy.

"Ewan, baka may natumba lang na gamit." Sabi ko pero nagtataka rin ako kung bakit may kumalabog.

Nang makarating na kami sa pinto, malamig na malamig na parang morgue ang pakiramdam. Matibay itong pinto kaso medyo weird nga lang.

"Ikaw na magbukas ng pinto." Sabi ni Troy.

"Bakit ako?" Tanong ko.

"Ako na nga nauna eh." Sabi niya

"Bakit? Natatakot ka ba?" Tanong ko.

"Hindi ah." Sabi niya.

Hindi naman mahirap kausap si Troy kaya siya rin ang nagbukas ng pinto.

[Krrrrrrrrrrrrr...]

Makalawang na rin yung bisagra ng pinto kaya may tunog. Bumaba na kami ni Troy, habang bumababa kami ay parang may gumagalaw, hindi ko alam ko saan nang biglang...

"Ahhhhhhhh!" Sigaw ni Troy.

Napaupo siya sa hagdanan.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko.

"Ahhh, parang may dumaan sa paa ko eh." Sabi niya.

Pagkatayo niya ay bigla may nakita kaming daga sa tabi ng paa ni Troy.

"Ay, bwisit na daga." Sabi niya.

Tuloy-tuloy na kaming bumaba hanggang sa marating namin ang malamig na sahig. Nilibot ko ang paningin ko ngunit wala ako makita pero buti na lang ay may dalang flashlight si Troy kaya kahit papaano ay may liwanag kami nakikita. Tinuloy na namin ang paghahanap ng damit niya.

May napansin akong isang maliit na butas doon malapit sa likod ng hagdanan na kailangan mo lang gumapang upang makapasok dito.

"Hon! Nandito nga yung damit ko!" Sabi niiya.

Tinignan ko yung damit niya, bakit may punit? Punit na parang sinadya at teka, bakit parang may dugo?

"Hon, tignan mo bakit parang may dugo?" Tanong niya.

"Hindi ko alam." Sabi ko.

"Ah, basta ang importante ay nahanap na natin yung damit ko." Sabi niya.

"Ah okay, tara akyat na tayo, nilalamig na ako eh." Sabi ko.

Umakyat na kami hanggang sa marating na namin ang pinto. Sinara na namin ito.

"Hon, bakit kaya nasa basement kaya yang damit mo?" Tanong ko.

"Di ko alam eh, paano kaya napunta dito doon, parang may mali." Sabi niya.

Bumalik na kami sa sala. Hindi maalis sa isip ko yung butas at yung damit. May ugnayan ba itong dalawa?

Kami lang ba dalawa ang nakatira sa bahay na ito?



The Living DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon