Troy's POV
Ay, umuulan na naman. Pano kaya ito, malamig na nga dito tapos lalo pang lalamig.
"Meng, tara na. Matulog na tayo!" Sabi ko.
"Wait lang Hon, may tinatapos lang ako, sunod na lang ako sa kwarto." Sabi niya.
"Ah ganon ba, sige bilisan mo na lang." Sabi ko.
Pumunta na akong kwarto at humiga, talagang malamig na malamig, parang may 3 aircon kami dito sa kwarto pero isang aircon lang ang gumagana. Nagkumot ako kasi hindi ko kinaya yung lamig, perfect nasa ito pag summer pero hindi eh, November na kasi eh. Ano na nga ba ngayon? November 11, 2003, Wednesday. Sa bagay kasi ber months na eh kaya malamig pero iba ang lamig ngayon kaya nagkumot ako, nagtalukbong ako hanggang sa wala nang parte ng katawan ko ang hindi napapasok ng lamig hanggang may biglang may dumaan sa tapat ng paa ko. Agad kong tinanggal yung kumot ko pero wala naman si Meng, wala namang tao. Tinignan ko yung bumbilya yung medyo pundi na pero hindi naman, sino kaya yun? Baka namalikmata lang ako kaya nagtalukbong ulit ako. Papikit na ako nang biglang bumukas yung pinto ng kwarto, hindi ko agad tinanggal yung kumot para di halatang gissng pa ako, pinagmamasdan ko muna kung sino yun, hindi ko maaninag kung sino yun. Palapit siya ng palapit hanggang sa hinawakan niya ako sa paa.
"Ahhhhhhhhhh!" Sigaw ko.
"Ano ba Hon, akala ko tulog ka na. Masyado ka namang matatakutin." Sabi ni Meng
"Akala ko kasi iba eh." Sabi ko.
"Bakit, ano ba meron?" Tanong niya.
" May dumaan kanina eh, akala ko ikaw yun eh." Sabi ko.
"Ano ka ba, ngayon lang ako pumasok dito." Sabi niya.
"Ah, tara tulog na tayo." Sabi ko.
Pinatay na niya yung ilaw at humiga sa kama, nagkumot na din siya. Mukhang pagod siya kaya ang bilis niyang makatulog, hindi ako makatulog dahil sa sobrang lamig. Nakatulala lang ako sa kisame hanggang sa may naramdaman akong may gumagalaw sa sahig, tumayo ako para silipin pero wala naman akong nakita, humiga na ukit ako pero may naramdaman ako sa ilalim ng kama. Tumayo ako at sumilip sa ilalim ng kama nang biglang...
"Hon, ano ba yung sinisilip mo diyan?" Tanong niya.
"Ah, wala Hon, may naramdaman lang ako." Sabi ko.
"Ah bilisan mo at matulog na tayo." Sabi niya.
Tumalikod siya sa akin at tinuloy ako ang pagsilip, tumingin na ako sa ilalim ng kama pero wala ako makita kaya bumalik na ako sa kama. Saan kaya yung kumalabog kanina?
Bakit may kumakalabog sa sahig kanina?
BINABASA MO ANG
The Living Death
Misterio / SuspensoMay dalawang klase ng desisyion, desisyong maganda ang kalalabasan o desisyong masama ang kalalabasan. Ano kaya ang naging desisyon nila? Magiging maganda ba o masama?