Chapter 6 - The Whisper

10 1 0
                                    

Troy's POV

Ahhh, asan na nga ba yung cellphone ko. Naku! 9 na pala, akala ko kasi 6 pa lang eh, ang dilim kasi eh. Asan na si Meng?

"Hon, asan ka?" Hanap ko sa kanya.

"Dito Hon! Bakit?" Sigaw niya.

"Ah wala lang, hinahanap lang kita." Sabi ko.

"Sige Hon, bumangon ka na at kumain ka na dito." Sabi niya.

Bumangon na ako, bubuksan ko na sana yung pinto nang biglang...

"Tsk!"

"Sino yan? Hon, ikaw ba yan?" Usisa ko.

"Hon, bakit? Anong meron?" Pagsisiyasat niya.

"Eh, parang may bumulong eh." Sabi ko.

"Ano? Impossible na ako yun, nag-aayos ako ng plato." Sabi niya.

"Ahh, baka guni-guni ko lang yun." Sabi ko.

Sino kaya yun? Nilibot ko ang paningin ko pero wala naman ako makitang kahina-hinala kaya lumabas na ako ng kwarto.

"Hon, mukhang late ka na nagising ah." Sabi ni Meng.

"Eh diba nga, nagising ako ng alanganing oras." Sabi ko.

"Ahh sige, kumain na tayo." Sabi niya.

Nagsimula na kami kumain,tahimik na tahimik pero may bumasag ng katahimikang ito.

"Psst!"

"Hon, sino yun? Tanong ko.

"Anong ano yun?" Tanong niya.

"Parang may nag-psst ehh." Sabi ko.

"Ah eh wala naman ako narinig." Sabi niya.

"Sige kain na ulit tayo." Sabi ko.

Tinuloy na namin ang pagkain hanggang sa...

"Hoy!"

"Sino yun?" Sabi ko.

"Bakit na naman Hon?" Sabi niya.

"May narinig na naman ako eh." Sabi ko.

"Hon, baka kulang ka pa sa tulog, mukhang pagod ka eh." Sabi niya.

"Siguro nga, tulog na lang ako ulit pagkatapos kumain." Sabi ko.

Natapos na kami kumain at wala na akong narinig na mga bulong. Nanood ako ng T.V. upang malibang ako at si Meng naman ay naghuhugas ng mga plato. Habang nanonood ako ng T.V. ay bigla na lang nag-brownout.

"Hon, bakit biglang nag-brownout?" Tanong ko.

Pagkatanong ko ay bigla nang bumalik ang ilaw.

"Ayan oh, hindi na." Sabi niya.

Nanonood ulit ako at hinanap ang remote para ilipat nang biglang...

"Hoy Troy!"

Hindi ko lang siya pinansin, ngunit naulit ulit hanggang sa...

"Masaya ba dito?"

"Ano ba!" Sigaw ko

Simula nang sumigaw ako, hindi na ulit ako nakarinig ng bulong.

Bakit kaya may bumubulong?

Bakit ako lang ang nakakarinig ng bulong?

Hindi ko maintindihan.

The Living DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon