Troy's POV
[Asan na ba ako, bakit ang dilim at malamig. Bakit nandito ako sa gitna ng basement nakahiga. Ah, ang sama naman.
"Troy, buti naman ay nagkamalay ka na, matagal ko din itong hinintay. Hindi mo ba ako kilala." Sabi ng isang misteryosong tao sa likod ko.
"S-sino ka? A-anong kailangan mo sa akin? B-bakit mo kailangang gawin ito?" Pautal-utal na sabi ko.
"Ay, ang dami mong satsat! Eto na lang, simplehan lang natin. Gusto ko lang naman kayong takutin hanggang sa hindi niyo na kayanin!" Sabi niya.
"Hindi! Guni-guni ko lang ito! Hindi ito totoo!" Sabi ko.
"Hindi, hindi, hindi. Kasi totoo ako! Hahaha!" Sabi niya.
Bigla kong tinakpan ang tainga ko pero naririnig ko parin siya na paulit-ulit na sinasabing "Totoo ako!" hanggang sa...]
"Troy! Gising! Binabangungot ka! Gising!" Sabi ni Meng.
"Ahhh, ang sama ng panaginip ko grabe!" Sabi ko.
Pawis na pawis ako nang gumising ako. Buti na lang ay ginising ako ni Meng.
"Ano ba yung napaginipan mo Troy?" Tanong ni Meng.
"Napaginipan ko na nagising ako sa gitna ng basement tapos may nakita akong tao doon sa likod ko, mukhang misteryoso..." Sabi ko.
"Ano hitsura?" Usisa niya.
"Hindi ko maaninag eh. Madilim." Sabi ko. "May sinabi siya eh, Gusto daw niya tayong takutin." Dugtong ko.
"Hayaan mo na Hon, diba nga kabaligtaran nang mangyayari ang panaginip." Paliwanag niya.
"Paano kung pahiwatig yun? Paano kung totoong tatakutin tayo?" Sabi ko.
"Ay nako, wag tayong mag-isip niyan. Lalo tayong mapapahamak eh." Sabi niya.
"Alam ko basta mag-ingat na lang tayo sa susunod. Teka, anong oras na ba Meng?" Tanong ko.
"3:13 Troy, bakit?" Tanong niya.
"Ah, sige matulog ka na." Sabi ko.
"Ikaw? Bakit, hindi ka pa ba matutulog?" Tanong niya.
"Hindi na ata, di maalis sa isip ko yung panaginip ko." Sabi ko
"Ah sige Hon, gisingin mo na lang ako pag may kailangan ka ah." Sabi niya.
Natulog na si Meng tapos gising pa ako. Hay nako. Pero bakit kaya ganito panaginip ko? Hindi ko alam. Hmmm, eh kung mag-isip kaya ako ng mga idea kung bakit ganon yunh panaginip ko? Sige. Ang mga pumasok sa akin na ideas ay...
(Dark, Nippy, Mysterious, Basement, Dirty, Man.)
Bakit kaya ito yung mga nabuo sa isip ko, ano kaya ang pahiwatig nito? Ano kaya ang meron dito? Bakit ganito ang naiisip ko? Ang daming pumapasok sa utak kong mga bagay-bagay.
Siguro dahil sa pagod ko kahapon, kailangan ko na magpahinga. Pahinga lang kailangan ko.
BINABASA MO ANG
The Living Death
Mystery / ThrillerMay dalawang klase ng desisyion, desisyong maganda ang kalalabasan o desisyong masama ang kalalabasan. Ano kaya ang naging desisyon nila? Magiging maganda ba o masama?