Chapter 2 - Searching Is On

9 0 0
                                    

Troy's POV

Today is another day, ganda ng gising ko ahh. Eh si Meng?

Pagkatingin ko sa tabi ko, wala siya. Asan na yun?

Bumangon na ako at pagbukas ko ng kwarto, bumungad ang sandamakmak na gagamba.

"Ahhhhhhh!" Sigaw ko.

"It's payback time my love! Hahaha!" Sabi ni Meng habang tumatawa. "Diba niloko mo ako kahapon pwes ako naman ngayon!" Dagdag niya.

"Hindi magandang biro yan Meng, it is not funny at all." Sabi ko.

"I know, gusto ko lang naman makita kitang ganyan, nakakamiss eh." Sabi niya sabay yakap sa akin.

"Well, oo nga." Sabi ko

Naligo na kami tapos ay nag ayos na kami at pumunta sa kotse.

"Excited ka na ba Hon?" Tanong ko

"Syempre oo naman kaya lets go!" Sabi niya.

Agad na kami naghanap ng bahay, mga 4 na oras din kami naghahanap ng bahay hanggang nakakita din agad ako ng bahay. Nakita ko ang isang karatula na nagsasabing...

FOR SALE!!!
URGENT!

Kung sino ang gustong bumili nito, call this number.
627-****
400 sqm.

"Hmmmm, malaki tong bahay. Tawagan mo nga itong number." Utos ko kay Meng.

"Sige hon." Sabi niya sabay tawag.

Nakipagkita ang seller sa amin.

"Ano, bibilhin niyo ba? 600 per month, 24 month pay, oh malawak pa yan. Mahirap nang maghanap ng ganitong offer." Tanong ng seller.

May duda ako dito sa seller kasi pag ganyan kalawak ang bahay, syempre mahal din pero ang nakakapagtaka kasi sobrang mura. Ano kaya, payag ba ako o hindi?

Ah di bale ang importante ay magkaroon kami ng sariling bahay kaya sige.

"Sige, payag ako." Sabi ko

"Hon, dahan-dahan sa pagbibitaw ng salita." Sabi ni Meng

"Hon, hindi ako magdedesisyon kung saan tayo mapapahamak." Sabi ko.

"You just did." Pabulong ng seller.

"Anong sabi mo?" Tanong ko sa seller.

"Ang sabi ko ay deal na po ba kayo?" Sabi ng seller.

"Ahh, deal ako." Sabi ko.

Nakangiti ang seller pero parang may ano sa kanya, hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko, parang may gumugulo sa akin, nakikita ko ang mga sikreto niya sa kaniyang mga ngiti at mata.

"Hoy Troy! Kanina ka pa tulala sa kanya, ano ba meron?" Tanong ni Meng.

"Ahhh, wala lang." Sabi ko. "Ah sir, ano nga po pala pangalan niyo po?" Usisa ko sa seller.

"Just call me Jason." Sabi ng seller.

Umalis na kami ni Meng pero parang may mali kay Jason, mali na pag lalo mo pa inusisa ay lalo ka pa mapapahamak.

Naguguluhan ako.

The Living DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon