Troy's POV
"Meng, gising na. Diba pupunta pa tayo kanila Mama?"Sabi ko habang tinatapik yung braso niya.
"Eh, anong oras na ba?" Tanong niya habang naghihikab.
"Ayy nako, alas-diyes na! Lagot tayo kay Mama niyan!" Sabi ko para bilisan niyang kumilos.
"Ano! Wait, maliligo na ako. I-text mo si Mama at sabihin mo sorry." Sabi niya habang nagmamadaling kinukuha yung mga damit niya.
Dali-dali siyang pumasok sa banyo. Ayos! Solo ko ang kwarto, tinignan ko ulit yung cellphone. 7:36 palang nang umaga. Ayos, gumana prank ko.
Habang naliligo si Meng, binuksan ko yung fb account ko, tinignan ko yung mga comment sa post ko. "Waw, congrats pre. Sana magtagal pa kayo." Sabi ni Russel, bestfriend ko nung highschool. "Troy, nice one. Kung sino pa yung hopeless romantic, ayun pala siya pa ang mauuna! Congrats." Sabi ni Drake, pinsan ko. Ayyy, andami namang comment na "Congrats" at "Best Wishes." Back ko na nga lang. Pagkaback ko, nag scroll lang ako nang nagscroll hanggang sa may nakita akong article. Binuksan ko ito at binasa.
"Isang pamilya ang nakitang patay matapos pagsasaksakin ng hindi pang nakikilalang salarin sa isang bahay sa..."
"Hoy Troy, pakiabot nga nang tuwalya, nakalimutan ko eh sorry." Sabi ni Meng
"Opo Madam Basag Trip!" sabi ko na medyo pang-asar.
"Sorry na nga eh, dagukan kita diyan eh!" Iritadong sabi ni Meng.
Inabot ko na yung tuwalya. Sayang hindi ko nalaman kung saan yung bahay, bwisit kasi si Meng eh!
"Hon, tapos ka na maligo? Teka, joke time ka ahh. 7:40 palang eh!" Sabay turo sa wall clock na nakasabit sa condo namin.
"Para bilisan mo kumilos, ang bagal mo eh Meng!" Patawang sabi ko.
"Ewan ko sayo!" Inis niyang sabi.
Ganyan kami, mag-aaway tapos bati na ulit tapos away tapos bati and so on...
Nagbihis na siya at ako naman ang naligo, hindi mawala sa akin yung article na nabasa ko. Bakit kaya? Hindi ko alam.
Pagkatapos kong maligo, nadatnan ko siyang nag-aayos ng bag. Nagbihis na din ako at umalis.
Meng's POV
"Hon, bakit parang nababalisa ka, may iniisip ka ba?" Tanong ko na may pag-aalala.
"May nabasa kasi akong article, may minassacre eh, di ko alam kung saan eh." Sabi niya habang nag-dadrive.
"Ah sige hon, wag nuna intindihin yun baka mabungo pa tayo eh." Sabay tingin sa kanya.
"Dont worry." Sabi niya.
Nakarating na din kami kanila Mama, sinalubong naman kami ni Mama.
"I miss you my dear Troy and my dear Marie! Tara pasok kayo." Sabi ni Mama na tuwang-tuwa.
Pumasok kami ni Troy, wala paring pinagbago, simple parin like nung bago kami ikasal, mga 8 months na din ako di nakabalik.
"Ma, parang may kumakatok." Sabi ko kay Mama.
Pumunta kaming tatlo sa pinto at binuksan.
"Kayo po ba sila Troy Alexander Reyes at Marie Paulina Zamora-Reyes? May delivery po kayo galing sa uhmm kay Isagani Zamora." sabi ng delivery boy.
"Padala ni papa." Sabi ko.
"Maam, pakipirma na lang po." Sabi ng delivery boy.
Pinirmahan ko na yung papeles at kinuha ang delivery. Hindi naman malaki ang box, hindi rin maliit. Ano kaya?
"Nak, buksan mo na." Utos ni Mama.
Binuksan ko ang box at puro letters ang laman, letters na puro congratulations ang laman. Binasa ko yung letter ni papa.
[To: Marie
Anak, I am sorry kung bigla rin akong umalis ng bansa, hindi tuloy tayo nakapagbonding nang buong pamilya. Yung mga letter na yan ay galing sa mga kasamahan ko dito sa London. Sana maappreciate mo ito. I love you my only daughter.
From your dad..]
Naiyak ako pero ito ang realidad ng buhay, kailangang magpakatatag. Kumain na kami at namiss ko ang luto ni Mama.
"Ok, bakit nga pala kayo nakadalaw?" Tanong ni Mama.
"Yes ma, plano kasi namin magkaroon ng masayang pamilya." Sabi ni Troy.
"Kaya anong desisyon niyo?" Tanong ni Mama.
"Desisyon naming maghanap ng malaking bahay ngunit kasya sa budget namin mag-asawa, may alam po ba kayong bahay?" Tanong ni Troy.
"I'm sorry Troy pero wala akong alam na available eh." Sabi ni Mama.
"It's okay ma, kami na lang ni Troy ang maghahanap ng bahay." Sabi ko
Pagkatapos namin kumain, nagpasalamat kami kay Mama at nagpaalam. Habang papunta kami sa kotse, biglang nagsalita si Mama.
"Sana hindi kayo nagsisi sa desisyon niyo. Mahirap na. Sige mag-ingat kayo at sana gabayan kayo ng Diyos." Pahabol na sabi ni Mama.
BINABASA MO ANG
The Living Death
Misteri / ThrillerMay dalawang klase ng desisyion, desisyong maganda ang kalalabasan o desisyong masama ang kalalabasan. Ano kaya ang naging desisyon nila? Magiging maganda ba o masama?