Chapter 9 - New pet

11 0 2
                                    

Meng's POV

Kawawa na naman si Troy, palaging stress, palaging lutang, at palaging pagod. Mukhang pinipilit lang niyang maging okay pero hindi niya kayang itago sa akin ito. Kailangan niya nang may aaliw sa kanya.

"Hon, eh kung bumili tayo ng bagong pet para malibang ka naman kasi parang lagi kang mukhang pagod eh." Sabi ko.

"Ahmm, sige para may mapaglibangan ako." Sabi niya.

"Sige, hanap at bili tayo mamaya." Sabi ko.

Naligo na ako at nag-ayos. Naligo na rin siya at nagbihis.

"Hon, ano excited ka na?" Tanong ko.

Sinuklian naman ako ng ngiti ni,Troy, nagdrive na siya at naghanap. Ikot dito, ikot doon, liko dito, liko doon, ay nakakahilo kasi pasikot-sikot yung daanan hanggang sa may makita akong pet shop. Ang daming aso at pusa. I'm sure na marami siyang pagpipilian dito.

"Hon, halika na." Sabi niya.

"Tara, pasok na tayo." Sabi ko.

Alam ko namang mahilig sa aso si Troy kaya pumunta kami sa dog section.

Ang daming klase ng aso dito. May German Shepherd, Shih Tzu, Bulldog, Pug, Golden at Labrador Retriever, at marami pang iba.

"Hon, ang dami!" Sabi niya habang nakangiti.

Ngayon ko lang ulit nakita yung mga ngiti sa labi ni Troy. Sobrang saya niya na parang batang nakakita nang nagtitinda nang taho tuwing umaga. Masaya sa pakiramdam na makita ko siyang ganyang kasaya.

"Hon, tignan mo yung isa. Ang cute kasi ang haba ng tainga." Sabi niya sabay turo sa isang Beagle.

Nagikot-ikot muna kami para makita namin yung mga iba pang uri ng aso. Dumiretso na kami sa seller.

"Sir, may i help you?" Tanong ng seller.

"Itatanong ko lang kung magkano yung German Shepherd at Beagle?" Tanong ni Troy.

"Para saan mo po sila gagamitin for some security purposes?" Tanong ng seller.

"For guarding, parang K-9. Don't worry, ititrain ko silang dalawa." Sabi niya.

"Ok po sir, 1,800 pesos po yung German Shepherd at 1,450 pesos po yung Beagle." Sabi ng seller.

"Thank you." Sabi niya.

"Follow me." Sabi ng seller.

Sinundan namin yung seller at napunta kami sa dog section.

"Pumili na po kayo ng aso." Sabi ng seller.

Tinuro ni Troy yung medyo malaki na German Shepherd na parang 8 months old na at yung medyo malaki na Beagle na parang 7 months old na.

"Okay po sir, pakipirma na lang po yung papeles at okay na po iuwi yung mga aso." Sabi ng seller.

Pinirmahan na niya yung papeles at umalis, grabe ang ngiti ni Troy na kulang na lang ay ako pa yung pagdrivin ni Troy at siya naman ang manghaharot sa aso.

Nang dunating na kami sa bahay, walang pakundangang dinala ni Troy yung mga aso papunta sa bahay pero ang nakapagtataka ay biglang tumahol ang mga aso.

"Hon, tignan mo. Bakit kaya sila nagsitaholan?" Tanong niya.

"Ewan ko, baka gusto lang nilang bulabugin yung bahay." Sabi ko.

Pumasok na kami sa bahay pero tuloy-tuloy parin sa pagtahol ang mga aso.

Bakit kaya nagsisitaholan ang mga aso dito sa bahay?








The Living DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon