Chapter 10 - The Bark

12 0 0
                                    

Troy's POV

Ang cute ng mga aso! Kung pwede nga lang ay katabi namin sila sa pagtulog eh! Teka, pwede naman yun eh!

"Meng, tabi natin yung mga aso sa atin sa kama." Sabi ko.

"No." Sabi niya.

"Please?" Sabi ko sabay paawa effect.

"Ay, sige na nga pero sa gilid mo ah, hindi sa gilid ko at sa gitna." Sabi niya.

Wooh, di naman siya mahirap kausap si Meng, kaya excited na ako.

Ay oo nga pala, di pa kami nakabili ng dog food at mga sabon at shampoo nila.

"Hon, may nakalimutan tayo." Sabi ko.

"Ano Hon?" Tanong niya.

"Hindi tayo nakabili ng mga dog food, sabon, shampoo, at iba pa." Sabi ko.

"Ay oo nga pala, ano tara na." Sabi niya.

"Uhm, paano yung mga aso? Iiwan ba natin o isasama?" Tanong ko.

"Ikaw bahala." Sabi niya.

"Sama na natin para alam natin kung may itatanong sa atin kasi kasama natin yung mga aso." Sabi ko.

"Ah sige." Sabi niya.

Pumunta na kami sa kotse, sinakay ko na yung mga aso sa likod ng kotse, kasya naman sila kasi AUV naman yung kotse namin kaya pwedeng umupo yung mga tao sa likod.

Inistart ko na yung kotse at umabante pero tahol parin ng tahol yung mga aso sa kotse at nakaharap sa bahay, siguro may nakikitang multo. Normal naman sa bahay ang may multo kaya siguro yun ang dahilan kung bakit sila tumatahol.

"Hon, eh kung doon tayo bumili nang mga gamit sa pinagbilhan din natin ng mga aso?" Tanong niya.

"Pwede rin naman." Sabi ko.

Pumunta na kami sa pinagbilhan namin ng mga aso, nagtanong kami sa seller.

"May kailangan po ba kayo sa akin?" Tanong niya.

"Actually yes, meron ba kayong dog food, sabon, at shampoo dito? Tanong ko.

"Sir, yes po meron po kami niyan lahat." Sabi niya.

Sakto. Bumili na kami ng isang sako ng dog food, isang box ng sabon, at isang bote nang shampoo.

"Hon, sabi ko na nga ba eh. Sakto na doon tayo pumunta." Sabi niya.

"Oo nga eh, ang galing mo." Sabi ko.

Sumakay na kami nang kotse at umuwi na kami. Pagdating namin ng bahay, biglang nagsitaholan yung mga aso. Ano ba meron?

Pumasok na kami pero yung aso, hindi parin tumiligil tumahol kaya nabahala ako.

Nag-ayos na kami nang mga gamit, hapon na rin kasi kami nakadating ng bahay. Nagbihis na ako at pumunta sa sala, pagkapunta ko ay nakita ko yung mga aso na tumatahol sa harap ng pinto nang basement.

"Tshh!" Sabay tingin sa mga aso.

Bakit ba ang ingay nila? Bakit ba sila tahol ng tahol simula nang binili namin sila?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Living DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon