Sending......
(Yan ang relationship status ko ngayon, sending. Pitong letra pero nakakasakit ng damdamin.)
*SCREEEEEEEECH*
"Malapit na...malapit na....Please sana ma-send ka.." kanina ko pa hinihiling na sana ma-send na ang mga litrato na kinuhanan ko para sa trabahong gusto kong aplayan mamaya.
Pinapangarap kong magtrabaho bilang isang photographer kahit na wala pa ako sa tamang edad para magtrabaho,atsaka isa din ito sa mga dahilan para makaipon sa pagaaral ko next year.
Huminto muna ako dahil sa financial problem, simula ng mawalay ako sa pamilya ko, wala akong maasahan kundi ang sarili ko lang.
Ilang araw na kasi ang nakakalipas nang magsimula yung pasahan ng mga litrato sa website nila kaso heto pa rin ako umaasa at nakatunganga na lang, inaantay ang katagang 'Your pictures has been sent'. Jusko! Sana naman ma-send na 'to para wala nang bumabagabag sa isip ko gabi-gabi.
Connection Error
"Grrrrrrahhhhhoooh!!" Humiga ako at ginulo gulo ang buhok habang nagpapapadyak sa inis. Narinig ko bigla ang mga kalabog ng paa papalapit at ang pagbukas ng pinto.
"HOY! BRIANA CERVANTES! ANO NA NAMANG ELEMENTO ANG SUMASAPI SA 'YO?!" Si Naomi, ang aking bestfriend. Binigyan ko syang nang isang napakatamis na ngiti at nagpiece sign sa kanya bago pa sya makareak ng sobrang o-ey.
Kinuha ko ang tuwalya ko at pumasok sa banyo para maligo. Kundi ba naman kasi bulok yung wifi nila eh, hays.
Ako si Briana Cervantes, isang normal na tao na naghahanap din ng isang normal na taong magmamahal sa kanya ng buo pero sa 'palagay ko mukhang malabo nang mangyari yun, sa panahon kasi ngayon wala nang normal na tao.
Pagkatapos kong maligo't magbihis ng 8 minutes. Tumapat ako sa electric fan upang patuyuin ang buhok ko habang hawak hawak ang suklay. Sobrang kalat na nang kwarto namin ni naomi, siguro dapat maglinis ako ngayon. Hmm, mamaya na lang pag-uwi ko. Alam ko namang di magmamagandang loob si Naomi maglinis ng kwarto kaya ako na lang gagawa mamaya.
"BRIANA! BRIANA!" Minadali ko ang pagsusuklay ng buhok nang marinig ko na yung boses nang kaisa-isang babaeng amazona sa maynila. Bubuksan ko na yung pinto kaso hindi ko nabuksan sa sobrang hirap hilain ng sliding door.
"Oy! Buksan mo yung pinto" iritang sambit ni Naomi.
"Saglit lang! Di ko mahila eh, sobrang tigas eh." Sigaw ko naman habang patuloy na hinihila yung sliding door pakaliwa. Namumula na yung mga daliri ko sa kakahila sa pesteng sliding door na 'yan.
"Ay tanga!" Gulat akong napatingin sa bintana nang marinig ko ang boses ni Naomi mula sa likod ko. Hindi na ako nagulat na nandito sya dahil noon pa ma'y madaling lang umakyat sa puno sa harap ng bintana ng kwarto na'to.
"Shunga shunga!" Pinatabi nya ako sa gilid atsaka walang hirap na hinila ang sliding door pakanan. "Sa susunod matuto kang gamitin yung utak mo ha?" Idinutdot nya ang hintuturo nya sa nuo ko. "Oo na!" Sambit ko naman at sinundan sya papunta sa hapagkainan.
"Iha, Briana. Halikana't kumain na tayo." pagaya sa akin ni Tita Nelia.
"Ma! Ako dapat ang niyayaya mo! Hindi si Briana" bulalas ni Naomi.
"Ano ka ba! bisita natin si Briana! Dapat pakitunguhan natin sya ng tama! Hindi yung puro ikaw na lang Naomi!" Humalukipkip ako habang napalitan nang inis yung mukha ni Naomi.

BINABASA MO ANG
Loving You, Unconditionally
Fiksi Remaja"Learn to love without hate and without conditions." - Author(Me)