Ilang minuto na ang lumipas, medyo gumaan na ang loob ko. Nang makaramdam naman ako ng gutom, tumayo ako at akmang papalakad nang biglang may magarang kotse ang humarang sa dinadaanan ko kaya medyo nawalan ako ng balanse dahilan para matumba.
Bumaba ang isang babaeng naka-shades na sobrang ganda. Nakakasilaw yung kaputian nya, naku! Kung magpapasabog sya ng kagandahan, ako lahat ang sasalo. Jusko dai!
"O.M.G. Im so sorry! Im so sorry!" Nagtatatalon nyang bigkas. Nagulat din ako sa boses nya na may accent na hindi ko alam kung pilit ba o pabebe lang.
"Ahh, hindi. Okay lang ako." Sambit ko habang nagpapagpag ng maduming bahagi sa pwetan ko. Sinilip nya ako gamit ang pagtanggal ng konting bahagi ng shades nya at tiningnan ako at muling ibinalik iyon.
"No, I mean. Im apologizing for mah car, John becauze I thowght something bayd happened to him." Nagsalubong ang kilay ko at napapikit ng ilang beses. Don't get me wrong ha, ang ganda nya pero--- takas ba 'to sa mental? Wala akong naintindihan ni-isa sa mga sinabi nya.
{ Author's Note : Iniba ko yung spelling because you know, may accent ang pagkakasabi. ✌ }
Habang hinahawak-hawakan nya ang harapan ng kotse nya, tumingin sya sa akin at tinanggal ng buo ang kaniyang shades. "Oh, Im sorry. Can you speak english?" hindi ako naman ako nakasagot dahil sa di makapaniwala sa kanya.
"Um, can you speak tagalog?" sabi ko naman. Wala namang imposible diba, malay mo nagpapanggap lang 'tong marunong mag english. Yun pala pasang awa yung grade sa english. Che!
"You are a Filipino? Aren't you? Im Ashleigh by the way, you are?"
"Briana, Briana Cervantes." Pakilala ko at inabot ang kamay nya para makipag-shake hands. "Okay. Im sorry for what happened. Im just really concerned to mah baby John"
"Baby John?" Pagrereak ko na tila hinahanap kung sino yung tinutukoy nya.
"It's my car's name. I named it." Aniya na tuwang tuwa pa. Ako naman ngumiti at nagpatango-tango na lang. Hindi naman pala takas sa mental ang isang 'to may tililing lang pero spokening dollars nga talaga sya. Abay hanep! Nakatsamba si Briana.
"Anyway, are you hurt? Did I hit you?" Nagaalala nyang tanong habang sinusuri ang buo kong katawan. "Im fine." Tipid kong sagot. Di naman kasi ako marunong makipagusap sa mga foreigner na kagaya nya kaya di ko alam kung anung isasagot.
Lumapit sya sa akin ng bahagya. Wow! Ang tangos ng ilong. "You look awful. What happen to you? And what are you doing here outside?" may pagkamaarte nyang tanong.
Sasagot na sana ako kaso bigla syang nagsalita. "Want me to treat you? Huh? Come on!" Walang nang paligoy-ligoy nang hinila nya ako papasok sa kotse nya atsaka sya nagdrive.
"Wait! Where you taking me?" tanong ko habang nagpapanick. Malay ko ba, baka isa 'tong sindikato. Hala, hindi ko sineseryoso yung sinabi ko na magbenta nang drugs kanina huh.
"I can understand tagalog, you know." natatawa nyang sabi. Psh, nakakaintindi naman pala, pinahirapan pa ako magisip kung anung isasagot ko sa kanya eh.
" saan mo ako dadalhin?" Ginapangan na ako ng kaba matapos nyang bilisan yung pagdadrive ng kotse.
"In a place where there is a lots of food." A lots of food? Hindi kaya dalhin ako nito sa palengke?
"Uh-- pwede bang sabihin mo yung specific na pangalan ng lugar? Kinakabahan kasi ako sayo eh." Sabi ko, tumawa lang sya. "Ugh, don't be. Im a good friend. I promise." Okay, sige na! you're a good friend na.
BINABASA MO ANG
Loving You, Unconditionally
Genç Kurgu"Learn to love without hate and without conditions." - Author(Me)